[33 Part 2] A night in jail.

335K 3.6K 1.6K
                                    

Hi guys! Sorry if it took me so long to update this. As you all know nasira ang laptop ko (and until now hindi pa siya gawa) but last night hindi na ako naginarte and ginamit ko na yung latop ng brother ko. So may update! I'll try to update ulit but matatagalan ulit kasi inaayos ko pa laptop ko, and mahahaba ang updates ko. So please, please, patience guys. And thank you really for waiting! I promise I'll make every update worth the wait! :) So enjoy! Long comments please! :) Follow me on twitter: @GirlinloveWatty. I'm more active there! This chapter is dedicated to BonitaBabyy pala! So first comment rule won't be applicable sa chapter na 'to! <3 Next chapter ulit! Sorry! 

 ____________________________________

Chapter 33 Part 2

Hope’s POV

“Hope, where are you going?” Tanong sa akin ni Mico noong tumayo ako bigla sa lunch table namin.

“Kay Enzo. Sorry ah. Sige una na ako—“

Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako.

“Kay Enzo na naman? Aalis ka na naman na kasama ako para puntahan si Enzo. Naiinis na ako, Hope. Lagi ka na lang umaalis para puntahan si Enzo. Lagi na lang akong naiiwan. Lagi mo na lang akong iniiwan.” Ano bang sinasabi ni Mico?

“Kailangan ako ni Enzo ngayon.”

“Lagi ka namang kailangan ni Enzo eh. Isang tawag niya lang sa’yo lagi kang nagmamadaling pumunta sa kanya. Kahit pa ata magmakaawa ako, at lumuhod ako ngayon na wag kang umalis… Aalis ka pa rin. Bakit? Kasi si Enzo yan. Isang tawag lang sa’yo ni Enzo, para kang asong susunod na lang sa kanya.”

“Ano bang problema mo ha, Mico? Ano bang pakialam mo kung pumunta ako kay Enzo ngayon?”

“Anong problema ko? Sawa na kasi akong iniiwan mo. Sawa na akong hindi ako ang pinipili mo. Naiinis na akong isipin na pag pinagpatuloy ko pa ito, wala ring mangyayari kasi second option lang ako.”

“Ipagpatuloy ang alin, Mico? Ang alin?” Tinitigan lang niya ako, at bigla niyang iniling ang ulo niya.

“Ayokong makipagusap sa taong bobo. At manhid. Sige na, pumunta ka na kay Enzo. Kailangan ka niya hindi ba?”

“Mico, hindi kita iiwan na ganyan ka. Ano bang problema? Galit ka ba?”

“Galit—Hindi. Hindi ako galit. Umalis ka na…..”

Tinitigan ko lang siya. Mukhang wala siyang balak magsabi kung anong nangyayari. Saka na lang ako magtatanong.

“Umalis ka na, bago pa kita pigilan.” Sinabi niya, sabay tayo at alis sa upuan naming. Tiningnan ko lang siyang umalis. Ano bang problema mo Mico?

*Beep Beep*

From: Enzo Gutierrez

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon