Kod-Iko(One-Shot)

22.3K 450 108
                                    

                                            Kod-Iko (One Shot)

                                                  .          .           .

"Maghanda kayo at 3rd periodical test nyo na to bago kayo magthird year!" sigaw ni Ser Falcon

"Opo!" we all said in unison, walang choice kundi magreview. Nakakaimbyernas naman at ang hirap pa naman ng pag-aaralan sa History! Puro Dynasties sa China at History sa Korea at Japan litsi. Buti nalang at may Japan para makarelate ako kahit papaano.

"Michelle Panget!"

Humarap ako sakanya, "O ano Iko Panot?"

"Ano nga ba rereviewhin natin sa Biology?" Napahaplos siya sa maiitim niyang buhok.

Nadistract ako ng konti dahil napafocus ako sa kulot niyang buhok, "O ano tinitingin tingin mo dyan? Nagwapuhan ka sakin bigla?"

 

"H-Ha? Ulul wag kang umasa! Ah, 'yung pointers natin ay tungkol sa phylum at kingdom echos" sinabi ko at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang notebook ko. Namumula ako sa hiya dahil naaakit nanaman ako sa kapangitan niya.

"Ouch nakakahurt ka naman" sabi niya with matching hawak sa chest niya para kunwari nagkaheart attack siya

"Ewan ko sayo, umalis ka na nga!" pagkasabi ko nun ay nakita ko siyang nagpout at lumakad na papalayo. Nakakatuwa talaga siya pag nag-iinarte siya, 'yung feeling na nag-aarte artehan na bading 'yung ugok na yun. Kaya sumisikat e

"Alam mo Michelle ang hard mo talaga kay Nikollo" biglang sumipsip si Adrena Lina

"E bessie, actually hindi naman ako magiging hard sakanya kung pigilan niya 'yung mga pag-aarte ng ganun. Nakakabwisit. Hindi umarte sa tunay na pagkalalaki niya" sabi ko. Sa totoo lang ayos lang ako sa paggalaw niya ng ganun. Kaso marami na ang nakakakilala sakanya at nagiging sikat na siya sa gawi nyang 'yon. Napapaisip tuloy ako, May chance pa ba ako sakanya?

"E kung sa ganun ang ugali niya e. Pero alam mo Michelle hindi rin bagay sayo ang pagmumura, bawas points yan sa childhood friend mo" Childhood friend.. Oo nga naman, 7 years na pala kaming magkaibigan. Bigla nalang ako nakaramdam ng nostalgic..

Naalala ko nanaman 'yung mga oras na 'pag busy ang mga magulang ko siya ang laging nandyan para asarin ako, nandyan para awayin ako, makipaglaro ng scrabble at monopoly para daw tumalino siya, ang tumakbo sa mga putikan at kumanta sa harap ng elektrekpan. Mga araw na siya ang unang babati sa'kin sa mga birthdays ko na 'Hello Panget' at ang mga oras na kahit malungkot ako, nandyan siya para babuyin ang araw ko..

Naalala ko nung siya lang 'yung nandun nung mga oras na nagluluksa ako dahil namatay na 'yung alaga kong ipis. Ang pinakamamahal kong ipis na halos 24 Hours kong tinitignan sa Wilkins na bote at pinapakain ng cake. Halos 99 hours and 88 minutes with 77 seconds lang ang tinagal niya bago siya mamatay sa food poison. Iyak ako ng iyak habang tinitignan ang ipis ko na nililibing sa bahay ng aso namin. Bumili ako ng mga Mabuhay corn chips para sa mga dumalo kong kaibigan pero yeah, Si Nikollo lang pala ang dumating sa burol. Siya lang ang nag-iisang naghahawak ng dalawang rolyo ng tissue tuwing naghahagulgol ako. Tapos siya lang yung natatanging lalaking nakiiyak saakin dahil lumobo yung sipon ko sa kakaiyak, 'yun nga lang tears of joy naman yung sakanya.

KodikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon