Landian lang pala

29 0 0
                                    

Biglang may pumasok sa isip ko. Kanina, Nagbabasa ako ng mga tweets sa twitter. At napansin ko na halos lahat ng kababaihan nagd-drama tungkol sa kanilang lovelife alam nyo yung nakakagago nang feelings? Ginawang diary ang twitter! nakakairita lang, sasabihin pa 'i-unfollow nyo ko kung ayaw nyo sa tweets ko' eh letse ka kapag in-unfollow ka naman galit na galit ka. Kasalanan ko bang puro ka kase kalandian di mo muna try mag-aral ano? Kairita ka eh. Masarap na silang sagutin. katulad ng mga to. madalas kong mabasa ang mga tweeps na ganto ang mga tweet:

"Iniwan nya na ko. :(" -Wala akong pake. di ka ba nahihiya na talagang binroadcast mo pa ang pakikipag hiwalay nya sayo?

"p*ta nasasaktan na ko!!" -Di namin kasalanan kung nagpakatanga ka at patuloy nagpapakatanga sa taong harap-harap ka kung lokohin.

"tangin* magsama-sama kayong mga manloloko" -(dito ako pinakanainis) letse magsama-sama daw pero kinabukasan meron na naman syang ibang kalandian. nakakapunyeta lang eh. Di ko alam kung yung nang-iwan ba yung nanloko sa kanya o sya mismo. Duh kaya walang tumatagal dahil alam nilang madali mo silang palitan hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mong ipakita na kaya mong magmahal ng iba at malakas ka at kaya mo sya AGAD palitan. Hindi agad-agad. Nasaktan ka ba talaga o nagpapa-awa ka lang? Nakakaasar na yung mga gantong linya nakaka-bwiset na pakinggan o makita. Alam mo yun? Yung feeling na 'OO NA LETSE. PWEDE BA TUMIGIL KA NA MASAKIT NA SA TENGA/MATA' Paulit-ulit na lang. Puro kase landian. kung ayaw mo pala ituring ka ng ganun eh paawat ka muna. Ako kasi naniniwala ako na ang lablab hehe hindi yan hinahanap, kusang dumadating yan at kapag natamaan ka dun mo na ibubuhos ang lahat pero hindi yan dadating dahil tinext ka lang at sweet sya sayo. ang tanong sayo lang ba sya sweet? Malay mo sadyang napakabait nya lang at talagang maharot kaya ganun sya? sa huli, ikaw ang kawawa. at maiisip mo na lang LANDIAN LANG PALA.

tenkyu bow amen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Problema ng mga lalaki't babaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon