Kabanata 14 - Jane Natividad

3 0 0
                                    

Lara's POV

Pagpasok 'ko ng sasakyan kinuha 'ko ang isa pang bag na kinalalagyan ng mga dala 'kong damit. Alam ko ng magiging madugo ito kaya nagdala ako ng pamalit. Sinigurado ko na wala akong matitirang patak ng dugo sa loob ng kotse. Mabilis 'kong minaneho ang sasakyan upang makarating agad sa bahay. Gusto na ng katawan 'ko na mahiga. Nakakapagod.

Ingat akong pumasok sa loob ng bahay. Gusto ko munang maligo. Hindi maganda ang amoy 'ko. Malansa. Amoy dugo.

Pagpasok 'ko sa kwarto ko ay agad 'kong kinuha ang tuwalya at tumuloy na agad sa banyo. Gusto 'kong magbabad ngayon. Pakiramdam ko ang dumi-dumi 'ko. Dahil na rin sa mga dugong tumalsik sa akin.

Sumulyap pa ako sa apat bago 'ko tuluyang lisanin ang lugar na iyon. Muli itong lumitaw sa isipin 'ko paulit-ulit. Naramdaman 'ko ang malamig na tubig na dumadampi sa katawan 'ko. Napapikit na lamang ako habang dinadama ang pag-agos ng tubig sa aking katawan.

Nang ipihit 'ko ang shower para patayin. Nagulat na lamang ako ng maramdaman ang mainit na tubig sa aking pisngi. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Iba ang bigat sa dibdib ko ngayon. Inisip ko na baka, namimiss ko lang si Jane. Masyado akong naapektuhan sa pagkawala niya.
Lumapit ako sa bath tub at saka humiga. Napakasarap damhin ang tubig. Napapikit na lang ako.

Jane siguro masaya ka na ngayon. Nagkaroon na ng hustisya ang pagkamatay mo. Patawarin mo ako dahil sa mga kamay ko ito nanggaling. Hustisyang alam 'kong hinihiling mo.

'Lara hindi' kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Boses 'yon ni Jane. Ang kaibigan ko. Si Jane Natividad.

Acts Of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon