Unang Sulat: Hindi Ka Nag-iisa

11 0 0
                                    

Umiiyak ka na naman
Oo, Ikaw.. Nakikita kita.
Umiiyak ka na naman
Tulad kahapon at nung nakaraan.

Noon, isang araw,
Kay ganda ng iyong ngiti.
Tila walang bagay ang makapapawi.
Pero bakit ngayon, ikaw ay lumuha,
Tila kay bilis naman atang nasira.

Mahal mo siya.
Paulit-ulit mong sinasabi.
Mahal mo siya at di mo siya lilimutin.
Ngunit ngayong ikaw ay iniwan niya,
Bakit balak mo pa siyang habulin?

Maganda ka.
Wala sayo ang problema.
Hindi siya ang taong
Iyong dapat ay makasama.

Mabuti kang tao.
Puso mo ay busilak.
Hindi ka dapat manghinayang
Na siya ay lumisan.

Nagmahal ka lamang.
Wala kang kasalanan.
Ano pa man ang sabihin niya
O sabihin ng iba,
Prinsesa, maniwala ka,
Wala kang ginawang masama,
Pagkat nagmahal ka lamang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nagmahal Ka LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon