WISY'SYN
Chapter 3 ( Simply Kat )Kthyrine's PoV
Hi po sa inyo ^_^
Ako nga po pala si Kthyrine Aladn Dellikem Beron
Nahahabaan ako kaya Katkat or Kat nalang for short.Nag-aaral ako rito sa Hesselwrith National High School, dito sa Zambales, 4th year student ako rito.
I'm 17 years old, kakatapos palang ng birthday ko nung August 15. Kung Makikita niyo ko mapapansin niyo na Mukha akong nerd dahil sa salamin ko, pero wag niyo ko sasabihang nerd baka magawa ko yung ayaw kong mangyari
Ayaw ko lang kasing magalit kaya ayaw kong tinatawag akong nerd, kasi naman when you say nerd, for me it is a person that focusing only on her or his intellectual ability tsaka nerd has no time for their personal health or appearance para bang sa sobrang talino nila eh wala na silang time para sa sarili nila, oo ganon ako minsan puro aral, pero hindi ko naman napapabayaan yung kalusugan ko.
And advice rin sa'kin ni mama yun, na di baleng hindi matalino basta wag lang napapabayaan yung sarili at yung kalusugan, kaya ako eto tamang nag-aaral lang ng mabuti. Gusto ko kasing makapagtapos na ng pag-aaral para naman yumaman na'ko, gusto ko makapag revenge para sa pagkamatay ni papa.
Namatay si papa nung bago ako ipanganak, huli siyang nakita ni mama nung August 13,1999 so it's two days bago ako ipanganak.
Love na love ko si papa kahit hindi ko siya nakita, sabi kasi ni mama si papa raw yung nagbigay ng pangalan sakin.
Sabi sa imbestigasyon namatay raw si papa dahil sa isang car accident, pero hindi ako naniniwala T_T Pinatay si papa Pinatay siya!! Bestfriend na ni papa ang nagsabi sakin na pinatay raw siya kaya I need to plan my revenge but for now I need to finish my studies to get my job and to be rich enough.
Wala pa kong sapat na clues para malaman kung sino ang pumatay kay papa. Pero alam kong alam ng bestfriend ni papa kung sino ang pumatay.
"Okay stop . Stop!stop!stop! Kat please calmly move on... Please?" naiiritang sabi ni tinetine.
Yan si Khrystine Jhoy David ang dyosa ng Hesselwrith, tinetine yung tawag ko sakanya, 16 years old pa lang siya matanda lang ako sakanya ng sampung araw.
Hmmm
Napapano nanaman kaya si tinetine, kung makapagreact with hand gestures pa, punong puno naman ng pagkain yung bibig
"Huh? Hahahaha okay lang ako tine" nakangiting sabi ko sakanya.
"Kilala kita Katkat, kapag tahimik ka alam ko yung iniisip mo, yung sa pagkama--"
"STOP! Wag mo nang ituloy" pagputol ko sa sinasabi ni tinetine.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito kapag sasabihin ni tinetine yung ayaw kong marinig. Ayos na yung iniisip ko lang pero ayaw kong lumalabas pa sa bibig ng ibang tao.
"K" mahinang sagot ni tinetine
Siya naman kasi eh sasabihin pa yung pagkamatay ni papa, tsaka kung makapagsabi ng move on akala niya naman nagagawa niya.
"tinetine sorry na please" pagmamakaawa ko sakanya, lumuhod pa ko para sure
Humanda sa'kin tong bestfriend ko na to mamaya siya yung magmamakaawa at luluhod sa harap ko
"Umaano ka ba? Tumayo ka nga jan"
Siya. -_-
Ako. ^_^"Tara pasok na tayo" pag-aaya ko
Tumayo na ko at nagsimula ng maglakad, kanina pa kasi kami rito sa canteen nakakayamot na
Kapag nasa canteen kami ni tinetine ganito ang palaging ginagawa namin
Siya: kumakain ng kung ano ano habang nakatutok sa cellphone niya
Ako: nagbabasa ng libro habang umiinom ng zest-o at kumakain ng rebisco <3

BINABASA MO ANG
When I see you'Say your name
RandomSi boy at Girl ay magkaiba ng pananaw sa buhay at magkaiba sila sa maraming bagay lalo na sa kanilang mga ambisyon. Paano kung magkapalit sila ng katauhan, ano kaya ang kahahantungan ng kanilang mga buhay? Makakayanan ba ni Boy na matagalan ang simp...