Wala pa din ako sa sarili. Pumayag ako sa desisyon ni Mika, pero hindi ko pa din matanggap. Simula kahapon ay hindi ko na sya nakita. Parang hindi ko yata kaya.
Nandito si Mika.
Hindi ko alam kung bakit pero nandito sya, nandito sya sa tabi ko. Simula nang maospital ako ay bibihira lang syang mawala sa tabi ko. Palagi syang nandyan kapag oras ng inom ng gamot, kapag kakain at kapag may masakit sa akin.
Nawiweirduhan ako sa kanya.
Hindi ako sanay na ganito sa akin si Mama eh, maasikaso sya.
Well oo, nung mga bata pa kami ni kuya, alagang alaga nya kami pero sobrang tagal na nun hindi ko na nga maalala kung anong pakiramdam ng inaalagaan eh. Hahahah
Pero ito sya, sumama sya sa amin ni Thomas pagbalik dito sa apartment. Sa tingin ko ay dito din nya balak matulog.
Hindi ako gaanong nagsasalita.
Madalas na si Thomas ang kausap nya.
Wala din kasi ako sa mood magsalita, hindi dahil sa ayokong kausap si Mama pero dahil sa nangyare sa amin ni Mika. Katulad ng sabi ko, hindi ko na sya ulit nakausap. Ni hanino hindi na sya nagparamdam sa akin.
Hindi ko na nga din chinecheck yung phone ko dahil alam kong masasaktan lang ako kung yung messages nya nung hindi ako nagpaparamdam sa kanya yung huli kong magbabasa.
Kasalanan ko naman ito eh. Kung alam ko lang na aabot kami sa ganito sana hindi na lang ako umiwas. Sana imbis na umiwas ay kinausap ko na lamang sya para naklaro ko din yung mga dapat linawin.
Nagpaalam sa akin si Thomas na papasok na daw sya sa trabaho, marami na din syang absences kaya kinuha nya ng gabi ang shift nya para makabawi. Lalo ngayon na sa susunod na linggo pa ako makakapasok sa sideline na binigay sa akin ni Mika.
Nanay ni Jeron ang nagbayad ng bill ko sa hospital at bumili ng lahat ng gamot ko. Umuwi sya galing US nung nalaman ang nangyare sa amin ni Jeron.
Ngayong naiwan kami ni Mama dito sa apartment ng kaming dalawa lang ay napansin kong parang natataranta sya.
Naritong kumuha sya ng unan sa kwarto at inilagay sa sofa para daw komportable ako habang nanunuod ng TV. Nariyang ililigpit nya lahat ng gamit ko at ilalagay sa marumihan lahat ng maduming damit. Hindi sya mapakali. Pati mga gamot na dapat kong inumin para mawala yung sakit at dun sa minor injuries na natamo ko ay inayos din nya.
"Nakuha ko pala yung number na sinabi ni Doc na contactin natin para sa therapy mo" inadvice kasi ni Doc na imbis na magpabalik balik ako sa ospital ay ipatherapy ko na lang daw lahat ng nadislocate na buto pati ang mga muscular pains na nararamdaman ko dulot nung pagkakabunggo sa akin ng sasakyan.
"Kelan mo ba gustong simulan yung therapy?" tanong ni Mama.
"Kahit bukas na lang po" sagot ko na lang at binalik sa TV ang tingin.
Tumango tango si Mama.
"Uhm. Yung gamot mo dito anak, inihiwalay ko na yung itetake mo ng 2x a day at yung itetake mo ng once a day" lumingon sya sa akin. Nilingon ko sya, itinaas nya yung medicine box saka nag-iwas ng tingin.
Hindi ko naman inalis ang tingin ko kay Mama. She's acting weird talaga.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Ano nga palang gusto mong hapunan, Ara?" tanong nito na nagbato lang ng sobrang bilis na tingin sa akin at agad ding binawi sa halip ay ibinalik na rin sa ibabaw ng ref yung medicine box. "Hindi na ako magluluto, baka gutom ka na. Bibili na lang ako" kinuha nya yung wallet nya mula sa divider saka humarap sa akin.