You're my future wife

10 0 0
                                    

"Manong. Stop the car."

"Pero ma'am."

"Stop the car. Dito na ako bababa."

"Ma'am hindi po ba kayo uuwi?"

"No."

"Pero ma'am Ariana masyado niyo na pong napapabayaan ang sarili niyo."

"Manong. I'm fine. Just go now please."

Pagkasabing pagkasabi ko nun ay napabuntong hininga muna si manong bago umalis. I don't really know why they care so much about me though they shouldn't.

Nandito na ako sa kung saan nakatira si ate ngayon. Wala eh. She doesn't want to live with me anymore that's why she left me. Mahal na mahal ko si ate at alam kong mahal na mahal niya din ako. Kaso meron lang talagang mga bagay sa buhay na hindi natin maiisipang mangyari saatin. Oo, meron ako lahat ng mga pinapangarap ng tao. Pero hindi eh. My life isn't perfect at all. It might seem perfect for someone who doesn't know me pero sa mga nakakakilala saakin? They know everything. They know every single pain that I've been through noong nawala ang mga mahal ko sa buhay.

Wala na ang mga magulang ko. Pumunta na sila sa kabilang mundo simula noong 14 years old palang ako. Sobrang sakit kasi ang tanging ala ala lang na iniwan nila saamin ay ang mga ari arian nila. Ate and I pretended to be strong even though we're not because that's what our parents wanted to see. They don't want us to be weak. Yun ang turo nila saamin. Kasi daw pagka nagpakita ka daw ng weakness ay parang binigyan mo na ng authority yung tao para tapak tapakan ka. Yun ang pinanghawakan namin ni ate. Naalala ko nga noon eh umiiyak lang kami kapag kaming dalawa lang ang magkasama. I can still remember how she comforted me, *sigh*.

Ate Stella was always there for me simula nung iniwan kami nila mom and dad. Namatay sila dahil sumabog ang hotel na binisita nila nung araw na yon. Someone planted a bomb in the hotel kaya sumabog. Nahuli naman na ng pulis ang nagutos na maglagay ng bomba sa hotel na binisita nila mom kaya naman napanatag na ang loob namin ni ate. Simula noon ay lagi na kaming sabay na pumupunta sa office niya. Homeschooled naman ako kaya wala din akong masyadong ginagawa. She taught me everything that she knows about mom and dads business.

Pagkalipas ng ilang taon ay natutunan ko naman na ang lahat ng tinuro nila saakin at nagsimula na akong magtrabaho para sa kumpanya. Nagtrabaho na ako sa kumpanya namin hanggang sa makagraduate na ako ng college. I actually graduated early kaya naman proud na proud si ate saakin noon. After years and years of working hard ay nakapagpatayo ulit kami ni ate ng limang branch ng hotels namin. Sobrang saya namin noon kaya naman nagcelebrate kami. Pero, habang nagcecelebrate kami noon. Bigla nalang--- *sniff* *sniff* *sniff*

"Ate. Bakit mo kasi ako iniwan eh. *sniff* *sniff* Eto nanaman ako oh, umiiyak nanaman ako. Nakakainis ka ate. Akala ko ba walang iwanan? Alam mo ba na sobrang hirap pigilan yung sarili kong wag umiyak sa harap ng ibang tao? Sobrang hirap ate. I'm all alone now. Wala na kayo nila mom and dad. You all left me. Pero ano nga ba namang magagawa ko diba? Hindi ko padin masasabi kung okay na ba ako o hindi pa ate eh. It still feels different na wala ka na. Wala na akong kausap tuwing bumabyahe papunta sa mga business trips at sa office. Wala na akong kakulitan bago matulog. At higit sa lahat, wala na akong ateng laging nagsasabi saaking "Ariana, everything will be fine" tuwing umiiyak ako. *sniff*"

"Ate I miss you. Alam mo ba ate? Tumataas yung sales natin. Baka at the end of the year nga eh makapagpatayo ulit ako ng bagong branch ng hotel natin. Pati yung sales natin sa ibang bansa matataas din ate. Ang galing ko noh? And that's all because of you. Kasi hindi ka nagkulang saakin. Hindi ka nagkulang sa pagtuturo saakin kung ano ba ang dapat kong gawin. Kaya thank you ate. Sayang nga eh wala ka na dito *sniff*. Edi sana kung nandito ka pa sabay sana tayong magcecelebrate. Sayang ate. I really really miss you ate. Nakakainis naman kasi yang sakit mo sa puso na yan ate eh. Bakit kasi hindi mo sinabi saakin? Ayan tuloy mas masakit."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're my future wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon