Malakas ang mga boses nanggagaling sa baba. Mukhang andiyan na ang mga tropa ko sa banda, excited ko ng ipakilala si Rhian sa kanila. Ngiting tiningnan ko si Rhian at kita rin ang saya sa mga mata niya. Ang sarap isipin na kami na."Madami yatang tao, Love?" bulong niyang tanong, Love? Akala ko ba Mk?
"Love?" tanong ko.
"Yeah, mas possessive yon, para pag narinig nila ay alam agad nila na akin ka. Wala ng tanong tanong." taas kilay niyang sagot. Ayan na si Kumander, balik na sa dati at napangiti ako.
"What?" tanong niya.
"Ah wala Mk, o sige sabi mo eh." suko ko ng sabi.
"Who are your guests?" ulit niya.
"Ah, mga tropa ko sa banda." sabi ko at mahigpit kong hawak sa kanyang kamay iniangat ko at hinalikan. "Papakilala kita sa kanila. Ayos lang ba sa'yo, Mk? Huwag ka magalala hindi madaldal mga yon." sabi ko.
"It's alright, Love. I won't mind kahit ikwento pa nila." ngiti niyang sabi at mukhang kinilig pa. Tiningnan ko siya ng tinging nagtatanong, bumalik lang siya ng tingin sa akin. "What?"
"Seryoso ka?" tanong ko ulit.
"Ahuh." simple niyang sagot saka kumindat at inangat ang kamay namin at hinalikan din ang likod ng kamay ko.
"Walang halikan sa hagdan." bulong ni Ate Tina sa amin at mahinang tumawa. Buti na lang nauunang naglakad pababa si Nanay. Pero naisip ko, para sa akin kailangan pa naming pag usapan ni Rhian ang tungkol sa relasyon namin, nakakataba ng pusong malaman na handa siya sa anumang kahihinatnan pero ayaw ko siyang makitang nasasaktan dahil sa panghuhusga ng mga tao dahil napagdaanan ko na yon.
Napansin niya ata ang pananahimik ko kaya mahigpit niyang pinisil ang kamay ko at humawak sa bisig ko."Paguusapan natin ang nasa isip mo later, ok?" sabi niya na parang nabasa ang isip ko at ngumiti lang ako na tumango.
"Sige, Mk." mahina kong tugon. Nagulat na lang ako ng pagtingin ko sa harap namin ay tulalang nakatitig ang lahat sa amin. Nakababa na pala kami ng tuluyan sa hagdan ng hindi ko namamalayan at ang tanawin na nakita nila sa amin ni Rhi ay ang hawak kamay namin sa isat isa at ang isang kamay niya ay nakahawak pa sa bisig ko. May tanong sa kanilang mga tingin.
"I think they're waiting for you to say something." bulong ni Rhian na matamis na nakangiti. Napakamot ako ng batok at humarap sa kanila na hindi binibitiwan ang kamay ni Rhi.
"Ahm, Mk." umpisa ko.
"Mk?!" halos sabay sabay nilang lahat na ulit sa sinabi ko pero hindi ko sila pinansin. "Gusto kong makilala mo mga tropa ko sa banda sila Kris, Kat, Chynna at Kean. Mga tsong si Rhian."
"Rhian Ramos?!!" tanong nilang sabay sabay na takang taka at tumango lang ako.
"Oo si Ms. Rhian Ramos. Girlfriend ko." masayang pakilala ko na medyo nahihiya at napapakamot sa batok.
"Girlfriend?!!!" ulit nilang lahat kasama na ang mga kuya ko.
"Bakit parang gulat na gulat kayo?!" inis kong sabi "Bakit hindi ba ako pwedeng magka girlfriend ng katulad ni Rhian?" kunot noo ko ng tanong at nagtawanan na silang lahat saka nila ako nilapitan at niyakap.
BINABASA MO ANG
Thirty Days To Forever
Fiksi PenggemarFor a broken soul ready to give up, is 30 days enough? RaStro characters naman po ngayon. Muli ito po ay kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Wala po itong kinalaman sa mga characters ng s...