1

7.3K 51 9
                                    

Neo POV

I'm Neo Angelo Ranillo 24 y/o. May moreno ngunit makinis at pantay ang complexion ng aking balat. Taglay ko ang mga Chinito at mapupungay na mata kasama na rin ang manipis at napupulang mga labi. Sexy fit kung tawagin ang uri ng aking katawan na tumatayo sa tangkad na 5'7" .

Ako ay nagtatrabaho bilang nurse sa pinakasikat na hospital dito sa bansa. Isa sa mga magnet hospital dito sa bansa. Tila ba pinagsama sama ang mga magagaling na tao dito sa buong mundo upang mabuo ang nasabing hospital. Maeami din kasi ang mga foreigner na nagtatrabaho dito kung kaya napaka advance at ideal talaga ang setting ng hospital na ito. Hindi naman sa pagmamayabang, pero mayroon akong magandang record sa unibersidad na aking pinasukan at nagkaroon din ako ng post graduate studies kung kaya ako ay pinalad na makapag trabaho rito.

Flashback

US setting
some 6 months ago..

"What if I married you right here right now? What would you do? "
Boses ng isang lalaki. akoy kasalukuyang nakaharap sa bintana at namamangha sa view ng city. Naramdaman kong may pumaluput na pares ng kamay mula sa aking likuran.

" ano ba?! Wag ka ngang magbiro ng ganyan di nakakatawa" at unti unti kong inaalis ang mga kamay na ngayon ay nakapalupot sa aking mga baywang.

"So you think niloloko lang kita?"
Sabi nya sa tonong nakakatakot. Samahan pa ng kanyang matang nagaalab ang tingin sa akin.

"Hindi naman sa ganon pero.. hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kinaladkad nya ako papunta sa roof deck ng hotel at..

0.0
[]

Napapalibutan ang paligid ng puting rosas. Habang ang center isle naman ay papunta sa tila garden na mayroong magagandang uri ng ibat ibag uri ng bulaklak. Inilalayan nya ako patungo rito at mas namangha ako dahil may naka sulat na "will you marry me?" Na gawa din sa mga bulaklak. Napakaganda ng tanawin dahil saktong papalubog na ang araw. Sobrang perfect tlaga nito kaya sobrang sobra ang sayang nararamdaman ko. Isama mo pa itong katabi ko na sobrang gwapo nya ngayon.

"So.. will you marry me?" Habang sya ay nakaluhod sa aking Harapan. At nakatingin ng deretso sa aking mga mata

"Uhm Yes?"

Tumayo ito at yinakap ako sabay halik sa aking noo. Kasabay din nito ang mga fireworks na mas lalong nag bigay galak sakin at naging mas espesyal ang araw na ito.

Sa araw din na iyon ay ikinasal kami.. namalagi pa kami ng isang linggo sa america at tuluyan ng umuwi sa pilipinas.

Kasalukuyan

"Sir the patient in bed 3 is in vtach" boses ng kasamahan kong nurse sa ER na nagpabalik sa aking sarili.

Tumayo ako at sinundan ang aking workmate papunta sa pasyente

"may pulso ba? Check the pulse." Sabi ko.

"No pulse"

"Okay, I page mo ang residente natin. Lets call a code. " mabilis kong sabi rito.

"Sir si Dr. Brook nag co code din daw po sa kabilang room, si dr. Andrew po nasa 3rd floor may emergency daw po sa dialysis dept. pero nag papage nako ng iba pang doctor sir. " sabi ng isa pa naming kasamahan na nurse.

" okay I will lead this code hanggang may dumating na doctor, start CPR. Luke start mo mag chest compression. "- ako

"what do we have here? "

Isang malambing boses na parang musika sa aking mga tenga ang umalingawngaw sa kapaligiran. shit bakit sya nandito? Nakita ko syang nakatingin ng deretso sa akin. Di ako makapag focus neto..

Nakita ko naman na halos lumuwa ang mga mata ng aking kasama at napatigil sila sa mga kani kanilang Gina gawa. Di ko sila masisi. Sino ba naman ang hindi ma I istar struck sa nilalang na ito?? Napakagwapo nito at napaka bango!!! Sya ay walang iba kung hindi ang aking butihing asawa.

"Good morning Dr. Franco" ani roxy isa din nurse.

Nadako ang tingin nito sa kanya at sabay na tinugunan ng matamis na ngiti. Ito nanaman... umiiral ang lahing playboy nito.

Nakita ko naman na namula si roxy.

Sus. Kelalande!!!!!!! Nandito ang asawa mo!!!

Wala nalang akong nagawa kundi ipagpatuloy itong ginagawa ko. Di ko rin ito pinansin sa kabuuan ng code blue. Pero may nga pag kakataon na napapansin ko na dumadako ang tingin nya sakin.
Ganito kasi kami. Civil lang kami mag turingan sa harap ng maraming tao. Di nila pwedeng malaman na mag asawa kami. Dahil gusto namin muna itong panatilihin na sikreto.

Di kalaunan ay natapos narin ang code at na istabilize ang lagay ng pasyente..

Pinaalis nya ang lahat maliban sa akin dahil may kailngan pa wlraw kaming gawin sa pasyente.. naiwan kami nito sa kwarto kasama ang walang malay na pasyente.. pagkasarado ng pinto ay dali dali nya akong hinalikan sa labi at niyakap bakas sa kanyang mukha ang pananabik

"Good job babe!!! Ang galing mo talaga... God I missed you kaagad. Kanina pa ako nag pipigil na halikan ka." Dr. Franco

"Baka may makakita satin dito.."

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto.

"Dr F pinapatawag po kayo sa 3rd floor now.

"Okay pakisabi papunta na".

Hinalikan ako muli nito at saka na lumabas at naiwan ako mag isa sa kwarto.

Maya maya ay may natanggap akong sms mula sa kanya..

" you look very beautiful today baby. Papuntahan kita mamaya dyan sa ER sabay tayo mag lunch.. And by the way dont be jealous about roxy im just trying to be courteous ;)"

Gumuhit ang ngiti sa aking labi at saka itinago ang aking cellphone.

Kilig much!!! It made my day.. so ipinagpatuloy ko ang aking trabaho na inspirado..


AN

My first update.. sana po ay nagustuhan nyo. Sorry kase sabaw yung ud ko. Itll get better din. And sana po magustuhan nyo ang story. There's more coming up!!! ;)



Unofficially Mine  MxMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon