Chapter Five: Dying to know, but afraid to find out.

145 1 0
                                    

Jane's POV

Haay, namimiss ko na ang aking sistarr. Tagal na naming di nag-kakausap, simula nung naging busy ako dahil dito sa trabaho. Nagkakasakit na nga ako dito eh. Palaging late umuuwi dahil sa dami ng gagawin. Kaloka. Kailangang magconcentrate ako sa mga ginagawa ko dito. At magiging busy na naman sa Friday kasi Valentines day. Madaming activities na naman, daming pakulo kasi nung principal eh! Badtrip.

 Hm, kamusta na kaya sila ni Jiro? Crush nga kaya ni Jiro si Alyssa? Nako, wag ko na nga munang isipin yun. Nasasaktan lang ako eh.

Siguro nagtataka kayo kung bakit, kasi nga.. Oo, crush ko si Jiro. Nung unang pagsakay ko pa lang sa service siya agad yung nakita ko. Hindi ko alam, pero yun na lang ang nararamdaman ko. Masakit maging tulay para maging close silang dalawa. Lalo na kung bestfriend ko pa. Mas dumoble yung sakit. Pero kung maligaya sila dun, edi yun ang masusunod. As long as masaya sila. Kahit ako nasasaktan na...

~~~~~

Alyssa's POV

Posible nga kayang mafall siya sa akin? Gusto kong malaman, pero natatakot ako sa maaaring isagot niya. Dalawa lang naman ang sagot dun eh, Oo o Hindi lang naman eh.

"Huy Alyssa, lalim ng iniisip mo ah. Si Jiro na naman ba?" nagulat ako sa tanong niya. Nababasa niya ba utak ko?

Humarap ako sa kanya, "Sabihin mo nga sakin, sa mga nakikita mo ngayon, posible kaya na magkacrush siya sa isang tulad ko?" at inalog alog siya.

"Alam mo sa nakikita ko ngayon, crush ka na nga nun. Kasi tignan mo naman sa mga kilos niya. Hindi naman siya ganun ngayon sa ibang babae, di tulad sayo, nililibre ka niya at may ingat-ingat pa. Obvious naman na siguro, diba?"

"Hoy wag ka ngang ganyan Samantha. Napapaasa ako. Ayoko munang mag-assume."

"Baliw ka rin eh noh. Magtatanong ka tapos icocontradict mo rin yung sinabi ko. Dalhin kaya kita sa mental kung ganyan ka mag-isip." Loka talaga tong kaibigan kong to.

"Kasi, gusto ko sakanya mismo manggaling yung sagot."

"Sigurado ka ba? Gagawa ako ng paraan. ;)"

"Eh ano naman?"

"Basta. Pero meron kang magiging kaclose muna."

"Sino naman?"

"Wag ka ng madaming tanong. Basta may ipapakilala ako sayo, itetext ka niya mamaya. :D"

"Wait, last na. Babae or lalaki?"

"Lalaki. Yata. Lol. Oo lalaki yun. :P"

Okayy. Kung sino man yun. Sana naman mabait. Takot ako. T.T

Nung nagmamath kami, nagtetext lang ako. Boring kasi magturo yung teacher eh. Tapos nung may pinapasagot siya sa board, ako pa tinawag niya! Nakakairita ah, bakit kasi ako pa! Pumunta ako sa harap ng board, nakatitig lang sa math problem na pinapasolve sakin. Parang akong nawala sa sarili, kung ano ano nilagay ko sa board, pero infairness tama yung sagot ko. Weeee galing galing ko talaga. Haha. Siya tuloy yung napahiya. :P

Katext ko na kasi yung pinakilala ni Sam sakin. Si kuya Adrian, katropa ni kuya Jiro. Ang kulit niya pala katext. Mabait din naman at masarap kausap. Yun hanggang uwian hanggang gabi magkatext kami. Di kasi siya nakakasawang katext. Nakwento ko din sa kanya yung tungkol kay Jiro. Haha. Ang daldal ko talaga.

 ~~~~~~

Adrian's POV

Nagpasalamat ako kay Sam dahil pinakilala niya ako dun. Ang kwelang kausap ni Alyssa. At inaamin ko, crush ko na siya. Ang bilis noh? Dahil lang sa kalahating araw ko siyang katext. Actually matagal ko na siyang naging crush eh. Nung di niya pa ako kilala crush ko na siya. Iba kasi siya sa unang tingin eh. Mukhang mabait, tahimik. Pero ang totoo sobrang daldal niya pala. Tama nga si Jiro, megaphone nga ito.

Nung magkatext kami, dumako kami sa lovelife. Wala akong masabi kasi nahihiya naman ako na aminin ko na crush ko siya. Tapos nung siya naman yung nagkukuwento, siyempre tungkol yung kay Jiro. Bigla akong natahimik, Ewan ko ba, bigla na lang ako nagselos. Hindi naman dapat eh, kaso eto talaga yung nararamdaman ko nung mga oras na yun. Wala naman akong karapatan diba?

Ayokong malaman niya na crush ko siya. Nahihiya kasi ako eh. Eto lang talaga yung problema sakin, masyado akong torpe.

Torpe sa nararamdaman ko..

Torpe sa mahal ko dahil hindi ko masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman..

Torpe pagdating sa lahat ng bagay.

Nakakainis ako. Gusto kong malaman niya, pero wala akong lakas ng loob. Natatakot ako sa isasagot niya kapag sinabi ko sa kanya yung nararamdaman ko.

Natatakot akong mareject..

Natatakot akong maging patapon na lang para sa kanya.

Siguro mas mabuti na ngang ganito, magkaibigan lang kami. Ipapakita ko na lang sa kanya kung paano ako maging kaibigan. Sa ngayon, yun pa lang ang kaya kong gawin.

___________________________________________________________________

Anong magagawa ni Adrian para kay Alyssa upang maging masaya lang siya?

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon