x

1.2K 36 0
                                    

T E N

Pagkagising na pagkagising ko, hindi na 'ko nagdalawang isip na pumunta sa unit ni Den na nasa dulong part ng floor na 'to. Den and I decided kasi na parehas kami ng kukuning condo, magkaiba lang ng unit while Kiwi is with Bea and Ella is somewhere malapit sa office nya para daw hindi hassle. So, bakit na-captured ni Ella yung ganap kagabi? Nag sleep over sya sa unit ni Den at nagkataon na kakagaling nya lang from 7/11 to buy some goodies at nakita nya yun.

I knock at Den's door and after 8 knocks, Den finally opened it habang nagkukusot pa ng mata na halata mong kagigising lang.

"Goodmorning besh" Masayang bati ko. Tinarayan nya lang ako at sinignalang pumasok na sa unit nya.

"What are you doing here?" Tanong nya habang nagtatali ng buhok.

"Want to eat breakfast with you guys. You gonna cook for me, right?" I sweetly asked. He just stared at me as if she has really no choice and walk towards her kitchen. "Hmmmn where's Ella?" I asked looking around.

"Out" Maikling sagot nito.

"May binili?" Tanong ko ulit habang naglalakad papunta sa kusina kung nasaan si Den.

"Maaga umalis. May urgent meeting daw. She'll be back later" She answered. I just nodded.

Ano ba yan! Kung kailan kailangan kong makaganti tsaka pa sya wala. Putol naman momentum eh. Kaynesh.

"San nga pala si L.A? Been hearing nothing about him these past few days"

"Out for a business trip. Let's not talk about it. May lakad kayo ni Kief? Saturday ngayon diba?" She suddenly changed the topic.

"I guess. Di ko pa nakikita eh. Tulog pa ata" Sagot ko na naka-pangalumbaba.

"Eh pano ba naman. Dinadamay mo sa pagiging puyatera mo. Anong oras na babad pa sa movies" She said while trying to reach her fruit blender.

"How'd you know? Don't tell me rinig mo from there yung pinapanood namin?" Gulat kong tanong. Ganun ba talaga kalakas volume ng laptop ko?

"Shunga syempre hindi. I was knocking kaya for about 10 minutes siguro to bring you something to eat sana kaya lang walang nagbubukas. Ang naririnig ko lang yung pinapanood nyo kaya umalis na 'ko" Kwento nito at nagsimula ng mag slice ng strawberries.

"Sayang naman yun" I whispered

"Bakit? Ginutom ka ata ni Kief. Himala!"

"No naman. Sayang lang talaga"

"Puntahan mo muna kaya. Baka di na magising yun, kargo mo pa" Den suggested.

"Later na after kumain. Edi pabayaan, handa na naman na pang-abuloy ko" I joked then slightly laugh

"Sus" She just replied then started blending the strawberries. Hindi na rin ako sumagot pa dahil medyo malakas yung tunog ng blender at ayokong sumigaw para lang magkarinigan kami.

Den fried chicken wings tapos ininit yung lasagna na binili daw ni Ella kagabi pero hindi nakain. Himala diba?

A heavy breakfast for the both of us .. Happy tummy. Yay!

Stars Are Nothing Without You (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon