"Ate! Ate. . Ate, gising na po. Ate. ."
Nagmulat ako at umayos ng upo. Hinawakan ko ang leeg ko. Bakit hindi 'to sumakit? Ang huling naalala ko, hindi naging maayos ang pagkakapwesto ko dito sa bus. Pero bakit pakiramdam ko, ang sarap ng tulog ko. Hindi ko na nga namalayang nakatulog na pala ako kung hindi lang ako ginising ng dalagitang 'to.
"Hmm? AmorCruise na ba?" Tanong ko sa kanya na hindi ko alam kung naiihi o nakakita ng artista.
"Opo. Buti nga po at alam nung lalaki na dito po kayo bababa kaya pinagising niya po kayo." 'Yung totoo? Anong problema ng babaeng 'to at kanina pa kung makangiti ay wagas?
"Ah. . Ganun ba? Pakisabi sa kanya, thankyou. At thankyou din sa'yo." I smiled at her. Tumayo ako at kinuha ko ang backpack ko na nakalagay sa luggage box na nasa uluhan ko. Ito lang ang dala ko at isang sling bag.
Paano nga pala nalaman ng lalaking 'yun na dito ako bababa? He knows me, maybe. "Ay, teka, Miss. . ." Tawag ko sa kanya na nasa likod ko pala at dito rin bababa.
". . Asan na pala 'yung lalaking nag-utos sa'yong gisingin ako? Anong itsura niya?"
"Dito din po siya bumaba. Tsaka ano po ang itsura niya?. . . Naku! Ate, ang gwapo-gwapo-gwapo niya po." Kinikilig niyang sabi. Taga-AmorCruise din siya? At gwapo? Baka naman nagutom na 'tong babaeng 'to dahil sa mahigit dalawang oras na biyahe.
Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit siya. "Tsaka alam mo po, Ate. Pinalagyan niya po ng maliit na unan sa gilid niyo po kung saan kayo nakahilig. Pagkatapos po, pinaalis niya 'yung katabi niyo. Hindi ko po alam kung bakit niya po ginawa ang mga 'yun. Hindi lang po pala siya gwapo, ang sweet-sweet niya po. . Ihh. Mukhang masyado na po akong madaldal." Paliwanag niya. Hindi nga halatang ang daldal niya. Pero tinanong ko lang naman siya, at sumagot siya. Wala namang mali dun.
"Ahhh. . . " Nasabi ko nalang.
May humintong tricycle sa harap namin. At tinawag na Dahlia ang dalagitang katabi ko. Bagay. Dahlia, maDAHLdal. Hahaha. Mukhang napasarap nga ang tulog ko dahil sa mga naiisip ko.
"Magandang hapon po, Miss Belle." Nakangiting-bati ng driver ng tricycle.
"Kayo po pala 'yan, Mang Victor. Kamusta po?"
"Mabuti naman po, Miss Belle. . Hatid ko na po kayo pagkatapos ko pong mahatid 'tong pamangkin ko."
Pamangkin niya pala 'to na ngayon ay nakaupo na sa loob ng tricycle. Nakita ko ang paglaki ng mata ni Dahlia pagkarinig niya sa pangalan ko.
"Omg! Ikaw po si Miss Belle? Omg! Omg talaga! Kaya po pala parang may kamukha po kayo. Nabasa ko po ang pagkaka-featured niyo sa Mindanao Times at sa The Heiress Magazine. Ang ganda niyo po pala talaga sa personal." Nawala ang panlalaki ng mata niya, napalitan ng malawak na ngiti. I so love this girl. Hindi sinungaling. Hahaha.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang isa akong tagapagmana?
BINABASA MO ANG
The Heart Hitter (Completed)
General FictionThe Heart Hitter - 'yan ang bansag kay Julian Drew Hernandez. Marami ng mga babae ang tinamaan sa kaniya at marami rin ang handang magpapana sa kaniya. Pero wala ni isa sa mga babaeng iyon ang nais niyang panain ng kaniyang pag-ibig. Kaya sa kanyang...