Tnx guys sa patuloy na pagbibigay time sa kwento q....Pls do vote,comment and follow me...@lovelienC
Love lots...
**********
Kinabukasan ay maagang pumasok ang magpinsan. Kapwa sila excited. Si Merly dahil makikita na naman niya si Carl na pakiwari niyay magiging inspirasyon niya sa araw-araw. At si Lyka, upang makilala ang Carl na tinutukoy ng pinsan na maaaring ito pala ang kanyang kaibigan.
Magmula kase ng umalis siya sa probinsya nila at lumuwas ng Maynila ay wala na siyang balita sa mga dating kaibigan.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase nila ay naglakad na siya sa hallway papuntang canteen. Masaya siya habang naglalakad. May pakanta-kanta pa siya. Marahil ay excited siya sa kung ano mang mangyayari sa canteen mamaya. At gaya ng usapan nila ng pinsan ay magkikita sila sa canteen dahil pareho naman nilang vacant subject ang oras na ito.
Sa sobrang saya ni Lyka ay di niya napapansing may dalawang pares ng mata na nakamasid sa kanya. Nagdadalawang -isip ito kung lalapitan pa siya. Dahil ayon sa nasasaksihan niya ay masaya na si Lyka. Tila marahil ay may iba ng nagpapasiya dito. Tila nakalimutan na siya agad ng dalaga. At dahil sa nsaksihan niya ay lihim na nasaktan ang kanyang puso. Sa halip na magpakita pa siya ay nag alinlangan siya kaya minabuti na lamang niyang umalis sa lugar na iyon.
.
.
.
Nakikita na ni Lyka ang pinsang paparating kasama ng mga barkada. Ngunit nakaramdam siya ng lungkot bagamat taliwas sa inaakala niya ay walang kasamang Carl ang mga ito.
Nababanaag din niya sa mukha ng pinsan ang lungkot kaya nabatid niyang wala nga ang Carl na iyon.
Nakakainis naman. Akala ko pa naman ay makikita ko na ang kaibigan ko. Epic fail naman pala. Bubulong bulong niyang sabi.
"Hi couz, kanina kapa?" Pambungad na tanong ni Merly.
"Ah hindi naman, kadarating ko lang din." Sagot niya sa pinsan habang nanghahaba ang leeg at umaasang may kasunod pa ang mga ito na baka nagbanyo lang kaya hindi nila kasabay dumating sa canteen.
"Where is he? Akala ko ipapakilala mo sa akin ang new classmate niyo?" Tanong niya sa pinsang si Merly.
"Wala siya, pumasok siya sa first subject namin sa management pero bigla nalang siyang nawala pagkatapos. Kinausap ko na nga yun na sabay kami sa canteen pero bigla nlang nawala." Naghihimutok na sabi ni Merly.
....
...
..
.
BINABASA MO ANG
Di Kita Gusto Pero Mahal Kita
Chick-LitLumaki si lyka na nakatatak sa isip ang lalaking pinapangarap nya,isang lalaking matangkad,maputi,makinis,at syempre mayaman.In short "full package" o yun bang tinatawag ng nakararami na "ideal guy". Ngunit pano nga ba kung asarin sya ng kapalaran...