Prologue

2 0 0
                                    



"Lahat na ng gusto ko nakukuha mo, lahat ng pangarap ko nakakamtan mo. Mas mahal ka nina papa at mama, mas gusto kang kaibiganin ng mga tao, mas maganda ka, matalino, ang lamang ko lang sayo yung height ko. Ikaw na. Ikaw na talaga. Wala akong panama sayo sa alin mang aspeto ng buhay ko. Pero ito lang... ngayon lang...ngayon lang ako ulit nangarap...ngayon lang ulit..pwede bang ngayon naman ako naman ang pagbigyan mo? Sana ngayon ikaw naman ang mag give way sa akin. Sa akin na lang si Laster. Ha?"

Desperada na talaga ako kaya kahit magmukhang tanga pa ako sa harap ng taong kinaiinisan ko, balewala sa akin yon. Ang gusto ko lang ay maiparating sa kanya yung damdamin ko.

Mahal ko si Laster. Mahal na mahal. Mahal na mahal.

At hindi ko kayang saktan ang kapatid ko para makuha lang ang gusto ko.

Pero hindi ko rin kayang magparaya sa kanya sa pagkakataong ito. Hindi. Hindi ko kaya. Kaya ito lang ang naisip kong paraan.. ang hayagang ipagtapat kay Loryzen ang nararamdaman ko para kay Laster.

"Lalaki ang pangarap mo? Ang babaw naman ng pangarap mo day. Mangangarap ka na nga lang dapat yung matayog na. Shunga ka talaga lam mo yon? Kaya ka walang nararating kasi ganyan ka mag-isip, mababaw! Lagi mong dini-degrade ang sarili mo, wala kang bilib sa sarili mo! Tapos ano ako ang sisihin mo?! Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit hawak ko ba buhay mo? Sinabi ko ba sayong magpariwara ka? Sinabi ko ba sayong h'wag mong tapusin ang pag-aaral mo? Sinabi ko ba sayong magtrabaho ka muna at patapusin ako sa pag-aaral? Di ba ikaw naman lahat nagdesisyon niyan? Ginawa mo lahat yon ng mag-isa kaya pwede ba wag mo kong sisihin, wag mong isumbat sa akin yang mga bagay na yan dahil hindi ko naman ginusto yan! At si Laster, ba't sa akin ka nakikiusap? Bakit hawak ko rin ba ang puso niya? Mapipilit ko ba siyang ikaw ang gustuhin at wag ako? Pwede ba mag-isip ka naman Lorraine hindi yung ako, ako na lang lagi ang sinisisi mo, sa akin mo na lang lagi isinisisi ang mga kamalasan sa buhay mo!"

"Hindi kita sinisisi Lory, kailanman hindi kita sinisi dahil ginusto kong magparaya talaga sayo noon. Ginusto kong mauna kang makatapos sa pag-aaral habang ako muna yung magtatrabaho para sa ating dalawa. Ginusto ko yon at hindi ko sinisisi yon sayo. Ang sa akin lang, gusto kong malaman mo yung nararamdaman ko. Gusto kong malaman mo na gusto ko si Laster... mali mahal ko siya at gusto kong ikaw naman ang magparaya this time. Dahil hindi ko kaya, hindi ko siya kayang i-give-up for you. Not this time, Lory."

Umiiyak na ko. Hindi ko na napigilan yung emosyon ko.

"E anong gusto mong gawin ko? Ang sabihan siyang wag ako ang gustuhin niya, ganun?"

"Wag mo siyang sagutin." Mariin kong sagot sa tanong niya.

"Oh my gosh! Nakakadiri ka lam mo yon? Dahil lang sa isang lalaki nagkakaganyan ka na? Dahil alam mong hindi siya mapapasa'yo kaya... oh my! Hindi ito kapanipaniwala!" Tinalikuran niya lang ako basta after niyang um-emote sa harap ko na parang nandidiri.

"Oh my gosh, Laster, you're here pala. Kanina ka pa?" Nagulat at naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang hindi ko maiiwas ang tingin kay Laster na ilang hakbang lang ang layo sa akin. Nandidilim ang mukha nitong nakatingin ng diretso sa akin. Ni hindi niya pinansin si Lory na kumakaway sa mismong mukha niya to catch his attention.

Jusko narinig niya ba? Kanina pa ba siya doon? Kaya ba madilim at may kasamang galit yung tingin niya sa akin kasi narinig niya?

Laster, please don't hate me. Magpapaliwanag ako. Sigaw ng boses ko sa isipan ko pero yung bibig ko hindi ko maibuka.

Hinablot bigla ni Laster yung kamay ni Lory na nagulat siyempre. Tapos hinapit niya sa baywang at siniil ng halik sa mga labi habang nakatingin pa rin ng masama sa akin.

At ako, naestatwa pa rin at kahit na hindi naman ako yung hinahalikan niya parang ako yung hindi makahinga.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko habang nanonood sa kanila. Gusto kong tumalikod, mali dapat lang na tumalikod ako and walk out of this misery. Pero hindi ko magawa, hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

Gusto kong pumikit.
Gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanila. Pero pasaway yung mga mata ko at ayaw nila akong sundin. Nanatili lang na nakapako ang paningin ko kina Laster at Lory.

Tapos naghiwalay sila and this time kay Lory naman nakatingin si Laster. At hindi kinaya ng puso ko ang mga sinabi ni Laster.

" I like you, Loryzen. Pinatitibok mo ng mabilis ang puso ko.
Hindi mo man ako gusto ngayon pero handa akong gawin ang lahat Lory para magustuhan mo rin ako. Hindi ko matatanggap na ire-reject mo ko dahil sinulsulan ka lang ng kung sino. Hindi ko kayang tanggapin yon. Ang gusto ko bigyan mo rin ako ng pagkakataon para patunayan ang sarili ko sayo. Para malaman mo kung gaano kita kagusto at kung gaano ko kagusto na ako ang mananatili sa tabi mo."

Lory's pov

Dapat ko siyang sampalin. Ang lakas ng loob niyang halikan ako sa harap mismo ng kambal ko na katatapos lang mag confess na patay na patay siya sa lalaking to.

OMG! Nakakaloka!

Pero bakit hindi ko masampal gayung iyon ang gustong gusto kong gawin ng mga oras na to? Hindi naman dahil nagustuhan ko yung halik niya no! Omg ulit, ano ba yung bigla kong naisip. Gosh, nakakaloka!

Wala siyang dating! Hindi ko siya gusto! Oo gwapo siya, matipuno, mayaman ang pinagmulan, mataas ang pinag-aralan, may sariling negosyo at mukha namang mabuting tao. Pero kasi... si Franco lang ang gusto ko. Si Franco lang ang mahal ko. Kaya kahit sampung katulad niya pa ang nasa harapan ko, wala pa rin akong ibang gusto kundi si Franco.

Bakit ako naapektuhan ng mga sinabi niya kanina? Bakit parang masaya ako na ako ang gusto niya at hindi ang kapatid ko? Why? Why? Why? Why?

Sa naisip ay hindi ko napigilan ang lihim na mapangiti. Pano may kalokohan na naman akong naisip at nakatitiyak akong magiging interesante na naman ang buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit ikaw paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon