Chapter 10.1

737 53 5
                                    

Edward's POV:

"Edward...Ed...ward..."

Naibaba ko yung dyaryo na binabasa ko nung marinig kong tinatawag ako ni Kisses, ibinaba ko yung glasses ko at napatingin sa gilid ko at nakitang bumaba si Kisses doon na hinang hina.

Agad akong napatayo sa pagkaka-upo ko at nilapitan siya,

"What happened?"

I can see big round circles under her eyes, hindi ba siya nakatulog ng maayos?
Inalalayan ko siya pagbaba,

"Hey! What happened"

Tanong ko ulit sa kanya kasi hindi siya sumagot, hinatid ko siya sa upuan at pina upo doon

"Gutom ako"

Malapit akong matumba sa kinatatayuan ko ng marinig ko siyang sumagot, she's hungry?

"Seriously Kisses? You got me worried for a minute!"

Sabi ko sa kanya at nag peace sign siya, pero pansin ko talagang puyat siya at ang la laki ng eyebags niya

"You didn't get enough sleep?"

Tanong ko, tumahimik siya saglit kaya nagtaka ako, napatingin siya sakin at ngumiti,

"A-ah oo haha"

Tumaas ang kilay ko, weird

"What's bothering you?"

"Edward. Gutom na talaga ako sobra T_T"

she's trying to change the subject, it's the first time that she's keeping a secret

Umayos ako sa pagkakatayo at inilagay ang mga kamay ko sa magkabilang bewang ko.

"I'm not in the mood to cook, at matatagalan pa if magluluto ako, let's order food"

Bago ako umalis para kunin ang phone ko, nakita kong parang hindi siya mapakali. Ano bang nangyayari sa kanya?

After I ordered some food ay bumalik ako doon kay Kisses at naabutan ko siyang nakatitig sa kawalan, tinignan ko yung tinitignan niya pero wala naman.

Hindi ko gusto na ganito siya kaya umupo ako sa harapan niya at di man lang niya napansin na naupo ako sa harap niya,

"Kisses"

Tawag ko sa kanya, at napalingon naman siya agad at ngumiti nung makita ako

"Tell me what's happening"

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"

Nag de kuwatro ako sa harap niya at nag crossed arms,

"The moment you went down, you look like being possessed or something, and look at that eyebags of yours! What were you doing last night to be like this? "

Bigla siyang tumawa, yung tawang awkward na may tinatago,

"Aha-haha w-wala kaya."

Sumeryoso ako at pinanliitan siya ng mata na para bang pinag oobserbahan siya, something's really weird.

"Anong tingin yan? Wala nga!"

Wala pala ah, lumayo ako ng tingin at sumandal sa upuan ko.

"Ok.."

Sabi ko, huminga sya ng malalim na para bang nakatakas siya

"Salama---"

I cut her words by saying,

"You can't eat until you tell me what's your hiding"

Nang sabihin ko yun ay bigla ba naman siya napa upo ng maayos at nagulat ako ng kunin nya ang dalawa kong kamay at hawakan yun, napatingin ako sa kamay namin at pagkatapos sa mukha niya

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon