I can't do anything about it. Ipagpipilitan niya talaga kung ano ang gusto niya. I can't just stay here the whole year at wag nang pumasok. Kaya I have no choice. Poor me~
It's been a month since that day. I can say na hindi pa rin talaga siya nagbabago but yeah-- I realized that he is really fun and have a sense of humor. That's what I like about boys :) Wait-- what did I say?
"Autumnnnn babyyyyyy~"
Okay, here we go again ヽ('Д')ノ
He shouted while running at the corridor. Dahil dun pinagtitinginan na siya ng mga schoolmates namin. Ugh~ he really wants to be the center of attraction---I mean, center of distraction -.-
"Alam mo, kilala ako dito sa school so there's no need na ipagsigawan mo ang name ko" sabi ko nung nasa tabi ko na siya.
"Ganon talaga baby! Ipagsisigawan ko talaga na ikaw ang babaeng gusto ko! *u*" he replied.
So cornflakes -.- but it made my heart smile. Geez
"Ayyiee~ Kinilig ka noh?"
"Absolutely NO" I replied and them left him.
Ganito na ata ang routine namin araw araw. Sa umaga, tatawag siya para lang maggreet ng Good morning baby Autumn like hello? Uso text. Andami kayang nagugutom sa mundo.
Anong connect? XD
Tapos paglabas ko ng bahay, nasa labas na ang kotse nila. Excuse me? May kotse din kaya kami pero in the end, dun nalang ako sumasabay sa kanila para tipid sa gas. Andami kayang nagugutom sa mundo XD
Sabay pa kaming magllunch at sabay rin kaming uuwi. Kulang nalang pati sa cr sumunod siya. At kahit tulog na ako tatawag pa rin siya para magsabi ng Good night baby Autumn na dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos. Huhuhuhu baby Autumn? Yuuuckkk!
"Sawa na ako sa mukha mo Jongdae" sabi ko sa kanya habang papauwi na kami.
Umakto naman siyang may sakit sa puso "Aray naman babes. Bakit? Sawa ka na ba sa hairstyle ko? Papagupit na ba ako? Tara! Manong Jojo punta tayo sa mall"
Oh god. Ang sabi ko lang sawa na ako sa mukha niya. Di ko sinabing magpagupit siya.
***
"Alin ba ang bagay dito sakin babes? Ito ba? orrrrr ito?!" sabi niya habang pinapakita yung mga hairstyles na nasa magazine.
"This" I replied habang tinuturo yung hair na kulot kulot. Parang yung buhok ni Bob Marley. Ganun! XD
"Okay! Miss, ganitong hairstyle po ako gusto ko" sabi niya dun sa stylist. Tumawa naman stylist at nagsimula nang ihanda yung mga gamit.
Loko talaga to si Jongdae "Uto uto ka talaga! Joke lang yun. Ito ang bagay sayo" sabi ko sabay turo nung hair na reddish brown ang color.
"Ay miss, ito nalang daw po" agad namang tumango yung stylist. Nakakaboring kaya nagpaalam muna ako sa kanya na lumabas dun sa salon. Bibili lang ako ng kettle korn :) Habang naglalakad ako, nahagip ng mata ko si Lay na naglalakad ng mag isa.
Lumapit ako sa kanya "Uy Lay! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Uhh ewan ko nga eh. Wala" sagot niya -.-
"Wala ka bang kasama?"
"Wala eh. Ikaw? Sinong kasama mo?"
"Si Jongdae. Andun sa salon nagpapagupit. Gusto mo bang kumain? Nagugutom na ako eh. Matagal pa naman yun matatapos si Jongdae" Tiningnan ko yung watch ko. 5:30 palang naman eh. Mamaya pa yun matatapos. Di ko na kasi talaga kaya. I'm dying for food na.
"Oh sure san mo ba gusto :) ?"
***
Kumain kami ni Lay sa Shakey's. Uwaaa~ Pizza is my husband ♥ ヽ(^°_°^)ノ
Kahit ang tagal nilang magserve chokay lang kasi masarap nemen! Syempre nagkwentuhan kami ni Lay since di ko pa siya masyadong nakakabond. Di ba nga kasi, ngayong year ko lang siya naging classmate.
Mahilig pala siyang sumayaw. Nalaman ko ding madami na siyang naging girlfriend. At sa tingin ko normal na yun sa kanya. Eh ang pogi pogi ng nilalang na to eh. Himala nalang kung walang magkagusto sa kanya :3
Dahil napasarap ang kainan at kwentuhan namin ni Lay, hindi ko na namalayan ang oras. Lagpas dalawang oras na kaming nagdadaldalan dito ni Lay.
"Ay Lay, I'll go ahead na. Baka kasi iwan ako nun ni Jongdae eh" sabi ko sa kanya habang nag aayos ng bag ko.
Tumango naman siya at sinabing "Okay. Ingat kayo ni Jongdae sa pag uwi :) " I smiled back at bid for goodbye.
Binilisan ko yung lakad ko. Naku naman! Baka umalis na yung ugok na yun. Pag ako iniwan nun, jojombagin ko siya. Di ko alam ang sasakyan ko pauwi eh -.-
Nung nakarating na ako sa salon. Wala na si Jongdae. Tinanong ko yung stylist pero umalis na daw kanina pa.
LECHUGAS TALAGA! ヽ('Д')ノ
Pano ako uuwi nito!? Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Nakakainis talaga siya! Amp!
Nagikot ako sa mall at nagbabakasakaling makita ko si Jongdae. Baka kumakain lang yun somewhere here. Imposibleng hindi siya nagutom. Hindi kaya kami nagsnack sa school.
Pero nalibot ko na ata ang buong mall, hindi ko pa rin siya makita. Hinanap ko nalang yung exit. Bahala na kung saan ako mapadpad. Pag nawala ako at may mangyari saking masama, sisihin niyo si Jongdae!
(゚ Д゚) Naramdaman kong parang may sumusunod sa kin. Lumingon ako sa likod ko pero wala naman.
"Autumn guni guni mo lang yan. Nasobrahan ka lang sa pizza" sabi ko sa sarili ko.
Kinabahan ako kaya mas binilisan ko pa yung paglakad ko. Pero mas lalo akong kinabahan nung may yumakap sa leeg ko at sinabing--
"WAG KANG GAGALAW! HOLDAP TO!!"
winterized
BINABASA MO ANG
Everyday Jongdae
FanfictionHe is a troll. He is indeed naughty guy. Ruining her life is his happiness.