CHAPTER 29

1.8K 53 1
                                    

Nandito ako sa eroplano. 


Wala na akong nararamdamang kahit na anong kaba o takot na nasa eroplano ako. Wala eh puro excitement na lang ang nararamdaman ko ngayon. 

Pure excitement. 

Nagbigay ng ilang commands yung piloto pero isa lang ang ibig sabihin, nakaland na ng safe ang eroplano. 

Tumingin ako sa labas ng bintana. HIndi ko maiwasang mamangha sa runway ng San Francisco International Airport, napakaganda. Ito palang pang tourist spot na. Hahahah. 

Sa totoo lang, naeexcite akong makita yung Golden Gate Bridge kaya lang mas naeexcite akong makita si Mika. Kilig!!!!

Paglabas ng airport ay nakaabang na sa akin si Tita at Kuya Jeric. 

"Tita" masiglang bati ko sa mga ito, agad akong lumapit at bumeso sa kanila. 

"Ara!" gulo ni Kuya Jeric sa buhok ko. "Nuxx naman, mas gwapo ka na saken ngayon ah? Mag kasing tangkad na tayo yata" puna nito 

Tumawa naman ako "Hindi naman kuya" sabi ko. 

"Anak, mukhang wala kang jetlag ah? 12 hrs ang byahe mo" 

Ngumiti ako kay Tita "Eh excited po eh" sagot ko na lang. 

Ngumiti si Tita, alam na nya ang ibig kong sabihin. "Huwag kang mag-alala anak, pagkapahinga mo sa bahay pwede ka ng pumunta kay Mika" kindat nito sa akin. 

"Osya tara na, may pumapag ibig dito eh" parinig ni Kuya Jeric kaya natawa na lang kaming tatlo. 

Kinuha ni Kuya Jeric ang maleta ko at sumakay na kami sa kotse nila. 

Amaze na amazed ako sa mga lugar na nadadaanan namen. Grabe ang mga buildings dito, as in. Kinakausap ako ni Tita, hindi ako gaanong makasagot dahil nga sa sobrang amusement sa mga nadaanan namen. 

"kapag nagkita na kayo ni Mika, sabihin mo ipasyal ka nya sa buong San Francisco" ngumiti si tita.

Napatingin ako sa kanya at napangiti, lalo akong naexcite. Maya maya lang konti ay makikita ko na din si Mika. Ugh!!!!! I'm the happiest tho. 

.


.


.


Pagkatapos ng lunch at konting pahinga ay nagtungo na agad ako sa Mission District kung saan maraming mga apartments, hindi naman mahirap hanapin ang address na nakasulat sa papel dahil may mga signages naman at napupuntahan ko naman yung mga nakasulat dito. 

Pinahiram sa akin ni Kuya Jeric yung phone nya dahil hindi naman pwede yung phone ko, tawagan ko lang daw sila kapag nagkaproblema. 

Ang ganda ng architectural designs ng mga bahay, ang apartments nito, dinaig pa ang mga bahay sa Forbes Park. Hahahahaha

Hinanap ko yung #38C. 

Ayun!

Tumakbo ako papunta sa bahay. At napahinga ako ng mapansin kong nakakadena yung gate. Napakunot ang noo ko ng mapansing may white na papel na nakasulat sa may pinto pero dun sa mga katabing bahay ay wala naman. 

Kinumpirma kong muli. 

38C

Ito naman yun ah? Bakit nakakadena? 

Kung ano anong pumasok sa utak ko at napahinganaan na ako ng loob. Fudge. 

Ngayon ko lang naramdaman yung pagod, jetlag na din siguro pati yung lamig. 

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon