Chapter 19

1.4K 49 0
                                    

YRRAH

Three days later at walang Xian ang nagpakita sakin

Probably Kuya Yohan is right!

Maybe Xian Laxamana is not the right guy for me.

I texted Evans and ask him about where is Xian right now.

"Papasok siya sa school mamaya" reply ni Evans

Hindi na ko nagreply after that

Pumasok na ko sa school at naka plano na sa utak ko ang mga salitang sasabihin ko sa kanya. I think magiging okay lang ako kahit wala na kami ni Xian.

Actually nagbabalik na sa dati ang lahat simula ng kumalat sa school na wala na kami. Ang dati na mga simple kong araw sa school kung saan hindi ako tinitignan ng masama ng mga estudyante.

Lunch break na ng marinig ko na nandito na si Xian sa school. And I instantly texted Evans kung saang parte ng school ngayon si Xian.

Sinabi niya na nasa rooftop daw sila kaya agad na kong naglakad papunta sa rooftop

Tumakbo ako pero nasa hagdanan ako ng harangin ako nina Briana at ng tatlong Campus Princess sa may taas ng hagdan

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Briana sakin

"None of your business" sabi ko at lalagpasan ko na dapat sila ng hilahin niya ang braso ko

"I heard the news about you and Xian" anito

"So?" Taas kilay na tanong ko

"Tell me the reason of your break-up"

"Like what I have said, its none of your business!"

"Oh c'mon Yrrah. Just tell me" naka ngiti pa nitong sabi at mas hinila pa ko

"Get off!" Hinili ko ang braso ko na hawak niya

"I won't let you go unless you tell me" pilit kong hinila ang kamay ko.

Hanggang sa bigla niya itong binitawan at sa hindi ko inaasahan ang bigla nitong pagbitaw  ay na out of balance ako, and the next thing i know ay gumugulong nako sa mahabang hagdan pababa

"YRRAH!"

"OH MY GOD YRRAH!"

Naglapitan silang apat sakin at kita kong nag-aalala sila. Especially si Briana na parang natulala at namutla

"Y-Yrrah im sorry, H-Hindi ko sinasadya"
Halos mapasigaw ako sa sakit lalo na nang marandaman ko ang kirot sa kaliwang binti ko.

"What happened here?" Dinig kong sigaw ni Evans at mabilis silang nagtatakbo palapit sakin.

Maging si Xian ay kasama nila at hindi ko mabasa ang expresyon ng mukha nito

"Hindi ko sinasadya. Sorry kasalanan ko" takot na sabi ni Briana

"Yrrah.."

Feeling ko maiiyak ako ng banggitin ni Xian ang pangalan ko. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Aww!" Daing ko dahil narandaman ko ang sakit sa binti ko

At tuluyan na kong naiyak ng buhatin niya ko at tinignan niya ng masama sina Briana

"I won't let this pass. We will talk later" sabi niya sa apat

Habang buhat buhat niya ko ay iyak lang ako ng iyak.

"Yrrah, please don't cry" Parang nahihirapang sabi ni Xian

"Sorry but i can't help not to cry. Ang sakit. Sobrang sakit" umiiyak kong sabi

Hindi na siya nagsalita hanggang sa madala na niya ako sa clinic ng school

Pagkatapos akong magamot ng doctor ay kinausap niya si Xian

"Pasalamat na lang tayo at hindi ganoon kalala ang nangyari sa kanya, wala siyang nakuhang pilay tanging gasgas lang sa braso and wag lang niyang pwersahin ang binti niya ay magiging okay din iyon" anang doctor

Pagkaalis ng doctor ay umupo si Xian sa tabi ko

"Masakit pa ba?" He asked

Tumango ako

"Saan ang masakit? Tell me"

"Dito" turo ko sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko

"Yrrah.."

"Hindi pa matagal ang relasyon natin, at mas mabuti pa sigurong wag na lang nating patagalin to" nahihirapan kong sabi

"No!"

"Xian ayoko nang ganitong relasyon" nahihirapan kong sabi. Alam ko na kung hindi babaguhin ni Xian ang sarili niya mauulit lang bawat away naming dalawa

"Yrrah i said no! You can't do this to me. I love you and you know that"

"Xian mahal na rin kita pero.."

"I love you and you love me so bakit ka makikipaghiwalay?"

"Kasi.."

"Let's stop this discussion " aniya at lumabas na ng Clinic

Xian why are you so stubborn?

***

"Yrrah are you okay?" Nag aalalang tanong ni Kyle sakin pagkakita niya sakin dito sa clinic

"Okay na" lumapit siya at tinignan pa kung may sugat ako

"Bakit ba kasi nandoon ka?" Inis niyang tanong na hindi ko naman sinagot

"Yrrah.." Nandito narin sina Adrian at Scott

"Kausap ni Xian sina Briana" ani Scott

"Hindi sinasadya nina Briana ang nangyari" sabi ko sa kanilang tatlo

"But they mess with the wrong person, and Xian will never let this pass" sambit pa ni Scott

"Lagi ba siyang ganito?" Tanong ko kay Scott

"What do you mean?"

"Si Xian, hindi ba siya marunong makinig sa sinasabi ng iba? Lagi ba siyang ganun?"

"He is the only successor of Laxamana Corporation, lumaki siya na laging nakukuha ang gusto niya. Lumaki siya na laging siya ang nasusunod kaya akala niya ay tama ang lahat ng desisyon niya" litanya ni Scott

Scott is right.

Xian can't change himself just only because of me.

After a while ay dumating na ulit si Xian, with Lance and Evans.

"Iuuwi na kita sa inyo"

"Ako na ang bahalang mag-uwi sa pinsan ko" ani Kyle kay Xian

"No, dont bother. She's my girlfriend so i will take her home" kinuha ni Xian ang kamay ko at dinala sa batok niya at pagkatapos ay binuhat na ko.

"Xian .." Banggit ko sa pangala niya

"Don't say a word" ani Xian na halatang galit dahil sa sinabi ko kanina

***

BRIANA

"Nakakatakot si Xian" halatang hindi parin maka get over sina Irish at Eunice

Kahit naman ako ay halos manginig sa takot dahil sa sama ng tingin na ibinigay ni Xian sa amin kanina. And this is the very first time na natakot ako kay Xian Laxamana.

Binalaan niya lang kami na wag daw naming guguluhin si Yrrah. Like what the fvck! Hindi ba at wala na sila? So how come na concern padin siya kay Yrrah Anderson na yun? Is he in-love with Yrrah?

***

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon