Chapter 20

1.6K 54 4
                                    

YRRAH

Kinabukasan ay hindi na muna ako pinapasok ni Kuya sa school. When he heard about what happened to me ay agad niya akong pinagalitan dahil sa pagiging reckless ko. At pati nga si Kyle na walang kamalay-malay ay napagalitan din

That day ay hindi rin pumasok sa trabaho si Kuya Yohan.

Dahil medyo masakit pa ang binti ko ay paika-ika pa kong ngalakad papunta sa baba para makapag breakfast.

Habang pababa ay nadinig kong tumunog ang doorbell, sino naman kaya yun?

Nang nasa mesa na ko ay siya namang paglapit din ni Kuya Yohan at nagulat pa ko ng makitang nasa likod niya si Xian.

"What are you doing here?"

"I just want to look if you're okay"

"Im okay" tipid kong sagot sa kanya at tinignan si Kuya Yohan

Wala namang reaksyon ang mukha ni Kuya kaya hindi ko alam kung okay lang sa kanya na nandito si Xian o hindi

"Mamaya na kayo mag-usap. The food is waiting" sabi ni Kuya at pinaupo si Xian upang sumabay na kumain samin

Umupo nadin ako

Walang nagsalita sa aming tatlo habang kumakain kami, its very awkward.

Pagkatapos naming kumain ay pumanhik na si Kuya sa taas. Mukhang alam niya na may dapat kaming pag-usapan ni Xian.

Paika-ika akong naglakad papunta sa garden, at si Xian naman ay agad akong inalalayan hanggang sa makaupo ako sa upuan na nasa garden.

Umupo din siya sa isang upuan na nasa tabi ko at ilang minuto muna ang lumipas bago ito nagsalita.

"Im glad na okay ka, you likely don't know how scared i am yesterday"

Alam ko..

Alam ko dahil nakita ko naman sa mga mata niya ang pag-aalala at takot sa mukha niya kahapon

"At hindi mo din alam kung gaano ako kinabahan ng sinabi mo na gusto mo ng makipag hiwalay"

That's it! My heart begins to beat in a very unstable way

"Pinag-isipan ko ang sinabi mo. Na hindi ganitong relasyon ang gusto mo. Kaya gusto kong magtanong, anong bang gusto mong baguhin ko sa sarili ko para maging tama sa paningin mo?" Seryoso niyang tanong sakin habang diretsong nakatingin sa mata ko

"Xian don't try so hard. Kasi alam ko na hindi ka magbabago sa isang kisap mata lang at naiintindihan ko yun. Naiintindihan ko na may makaking responsibilidad na nakapatong sa mga balikat mo at ayokong maging dahilan para ma disappoint sayo ang mga taong nagtitiwala at umaasa sayo"

"Yrrah.."

"Bata pa tayo Xian, You're barely 21 and im 19. Marami pa tayong pwedeng magawa. Mahaba pa ang panahon"

"Yrrah i love you"

"Xian i love you too.." Honest kong sabi. Sa huling pagkakataon ay gusto kong malaman niya na minahal ko din siya.

Naiiyak na ngumiti ako at inalis ko ang kwintas na suot ko. Kinuha ko ang kamay ni Xian at inilagay doon ang kwintas.

"Kapag kaya na nating tumayo sa sarili nating mga paa. Kapag natupad na natin ang mga pangarap natin. Kapag kaya mo na kong mahalin kaysa sa pride mo. At sa oras na yun kung alam mong mahal mo pa ko at mahal pa kita ay hindi ako magdadalawang isip at tatanggapin kita. Yan ang pangako ko sayo" umiiyak kong sabi sa kanya, ang sakit sakit. Pero kailangan kong maging matibay kasi para rin naman ito sa kanya. To set him free is the only choice i have right now. Para sa kanya, at para na din sa sarili ko.

"Yrrah selfish akong tao. Kaya sige papayag ako sa gusto mo pero may kondisyon ako, bawal kang magkagusto sa iba. Dahil dapat ako lang." Sambit ni Xian na mukhang nahihirapan din na magdesisyon.

Hindi ko alam kung makakaya kong gawin ang gusto niya. Pero tumango pa din ako.

Linapit ni Xian ang kamay niya sa mukha ko at pinunasan ang luha ko na patuloy naman ang pagtulo

Napahinto si Xian sa ginagawa niya ng magtama ang mga mata namin. At dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko, napapikit ako ng marandaman ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Ito ang una at huling halik na pagsasaluhan naming dalawa, kaya walang pag-aalinlangan na gumanti ako sa halik na binigay niya.

***

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon