Chapter 10: Discussion

27 3 4
                                    


••••• MAXINE'S POV •••••

Nandito na kami sa kwartong inukupa nina Daddy, kanina pagbukas ko nagulat ako ng nakita kong kumpleto sila dito pwera lang kay Misha, akala ko kasi si Daddy, Tito Dave (daddy ni Dominic), Dominic at ako lang, well akala ko lang talaga yun

"Keena i know nabigla ka pero we made our decision and its for your own sake too"- sabi ni Daddy hindi ko sila pinansin at kinuha nalang ang cellphone ko

Bzzttt bzzttt

From: TBG Jamille

Ano nangyayari sa mundo ngayon ha? Max?

---------------------

Alam ba nila? Eh pano naman wala naman sila dito sa Party na to

"Keena please understand us, para rin naman to sa ikakabuti mo, ninyo"- narinig ko pang sabi ni Daddy, pero hindi ko parin sila pinapansin

Bzzttt bzzzttt

From:TBG Tracey

What the!! Hoy babae alam mo ba ito ha!? Wala ka bang balak sabihin samin na magpapakasal ka na!?

--------------------

So? Siguro andito nga din sila hindi yun malabo dahil pare parehas kaming hindi pumasok at pareparehas din na nagsinungaling saamin ang mga taong nasa paligid namin

Una ko munang nireplyan si Jamille

To: TBG Jamille

Hindi ko din alam, itatanong ko nalang kay Isaac Newton

-------------------

At sinunod ko si Tracey

To: TBG Tracey

Para sabihin ko sayo wala akong alam ni isang katiting na impormasyon at dont worry hindi ako papayag sa mga ginagawa nila

--------------------

After ko lang masend non ay biglang may humigit ng phone ko at pagtingin ko ay ang mata ni Daddy na galit na galit sa ginagawa ko

"Hindi ka namin pinalaki ng ganyan ka bastos Maxine!!!"- sigaw ni Daddy at itinapon ang cellphone ko kaya ayun basag, tss! Hindi naman ako naghuhubad dito anong bastos dun? isang isa nalang hindi ko na talaga kayang icontrol ang sarili ko

"Uhm, ija dont worry kailangan mo naman munang umabot ng tamang edad para makapag-"

"BULLSHIT"- putol ko sa sinasabi ni Mommy walang galang na kung walang galang pero hindi ko na kayang icontrol ang sarili ko

*pak*

"DAD/MARCO"- sabay na sigaw ni Kuya at Mommy, langya ang sakit nun ah for the first time ngayon lang ako napag buhatan ng kamay ni Daddy well kung hindi nyo po alam nasampal lang naman po ako

"Ganyan ka na ba ha, Maxine!? Mommy mo parin sya kahit anong mangyari kaya dapat iginagalang mo sya!!"- sigaw sakin ni Daddy at ako eto nakahawak sa pisnge ko

"EH BAKIT KAYO DAD HINDI NYO BA NAISIP ANG NARARAMDAMAN KO!? WELL SABAGAY UHAW NA UHAW NAMAN KAYO SA PERA EH KULANG NA NGA LANG IPAGPALIT NYO NA KAMI!!!!!!!"- sigaw ko sakanila hindi ko na nakayanan at sumigaw na ng ganun nakatanggap nanaman ako ng isang malakas na sampal galing naman kay Mommy, ano to? hulaan ko ah? Si Kuya naman next na mananampal

Nabigla siguro si Mommy kaya nung after nya ako masampal hahawakan na sana nya ako pero ako na yung lumayo dahil ang sakit sakit na hindi lang physical kundi emotional din pagod na pagod na ako

Deep LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon