Sixty seconds left

33 1 0
                                    

KABANATA I: Panimula at pagpapakilala

       Noong nasa elementarya pa si Samantha o mas kilala sa tawag na Sam ay isang mabait, maputi, simple, mahiyain, mahilig sa libro at maging sa pagsusulat na bata. Palagi siyang mapag-isa, mapagmasid, matalino, iyakin at masakitin. Sa tuwing papasok siya sa eskwelahan ay parati niyang tinatawag at hinahanap ang kanyang mommy. Parati rin siyang nagsusuot ng eye glasses kasi may depirensya o Malabo na ang kanyang mga mata.  Mahilig kumain si Sam ng Lollipop. Habang si Patricia naman o mas kilala sa tawag na Pat-Pat ay siyang napakakulit, palaging madumi ang unipormi, malikot na bata, maingay, pala kaibigan, at matalino rin naman. Dalawang batang magkaiba ng personalidad bukod sa pagiging Weird!  Ngunit silang dalawa ay mayroong magkaibang mundo na kung saan Malabong ipag-isa o maging isang magkaibigan. Sa simula palang ng klase ay si Pat-Pat ang napakamaingay ngunit halos lahat ng mga kaklase niya ay kanyang mga kaibigan maliban nalang kay Sam. Walang ni-isa man ang kinakausap niya at nagmamasid lamang siya sa kanyang mga kaklase sa mga ginagawa nito. Ayaw niya ring makipaglaro sa mga kaklase niya. At sa isang Lollipop lang ay Masaya na ito.

  Ayaw ni Sam na makipaghalubiho sa mga kaklase at ibang mga estudyante sa kanilang paaralan. Tahimik lang siya at palaging nasa upuan. Nakikinig naman sa klase habang itong si Pat-Pat naman ay kung saan-saan umuupo at halos panay ang kakulitan nito sa mga kaklase niya. Mahilig siyang mangulit lalo na sa mga kaklase niyang tumatahimik lang ngunit kailanman ay hindi niya napansin si Sam.

Sa bagay, mga makukulit naman ang mga bata at mahilig maglalalaro kung saan-saan. Kaya naman parati nalang napapagalitan itong si Pat kasi sa tuwing papasok siya sa silid-aralan nila ay madumi na ang unipormi nitong suot. Lalo na kapag nakauwi na ito, napapagalitan nalang palagi ng kanyang mommy dahil nga sa hitsura at sa kakulitan niya.

KABANATA II: SIMULA NG PAGKAKAIBIGAN

       Ngunit isang araw niyan ng Makita ni Pat si Sam na tahimik lang sa kanyang upuan habang kumakain ng Lollipop. Naisipan niyang kausapin at alamin kung bakit napakaweird nito. “hai, Samantha!” bati niya.

 “Sam nalang tawag mo sa akin..” malumbay na sagot ni Sam kay Pat habang kumakain parin ng Lollipop.

“Ahh okay, Sam.. bakit ba gusto mo’ng mapag-isa? Sa lahat nga lang ng mga kaklase natin eh ikaw lang ang tahimik at di ko nakikitang naglalaro sa labas. Bakit nga ba?” tanong ni Pat.

Walang sinagot si Sam kay Pat at dinidedma lang nya ito. Walang nagawa si Pat  pero hindi siya tumigil. Kinukulit niya araw-araw si Sam hanggang sa naging magkaibigan na sila. Nalaman niya na talagang weird lang talaga si Sam ngunit masayang kasama. Isang gabi noon ng naisipang lumabas ng bahay ni Pat at pumunta sa isang malaking akasya na nasa harap lang ng bahay nila. Iksakto naman dahil lumabas din si Sam at tinitignan ang mga bituin. Nakita siya ni Pat.

“Sam! Uyy! Taga rito Karin pala? Kapitbahay lang pala tayo. Hehehe halika ka nga rito at maupo.” Anyaya niya kay Sam.

 Nang gabing iyo ay sabay nilang tinitignan ang mga bituin sa langit nakahiga sa may kahoy ng akasya habang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay patungkol sa mga kwento ng mga bituin. Sa gabing iyon ay napakasaya ni Sam at nakilala niya ang isang kaibigang di niya inaakalaing magugustuhan siya dahil sa kakaibang personalidad niya.

“Pat, kung magkakaroon ka ng isang wish sa mga bituin ano yung hihilingin mo?” tanong ni Sam kay Pat.

“ahm… siguro yung maging mas malapit pa tayong magkaibigan. Yung tinatawag nilang bestfriends forever!” sagot niya.

“basta ipangako mulang Pat na bestfriend forever tayo hah! Problema ko, problema mo at tsaka dapat magkakasundo tayo sa lahat ng bagay dahil ganun naman ang magbestfriends diba?” sabay ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sixty seconds leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon