Chapter 10: Bully?

216 19 3
                                    

Chapter 10: Bully?

<Stassi Atasha Ocampo>

"Don't walk alone." - Naalala kong sabi ni Clauvelle kagabi.


Ngayon kasalukuyan akong nag lalakad sa madilim na hallway dahil inutusan ako ng profesor ko na kumuha ng chalk.


Hindi naman ako actually natatakot sa banta ni Elizabeth. Alam ko naman na di niya ko papatayin dahil ipapakulong ko siya sa budega ng mansyon namin kasama ang mga daga. Ewan ko kung bakit takot na takot si Clauvelle, at parang kinakabahan si Lizzete.


Ano naman kayang mangyayari kapag napag isa ako?



"Students in special class are killers. Walang awa silang pumapatay ng ibang tao." Naalala kong sabi ni Lizzete.



Seryoso ba yun o joke? Aisshh. Bakit naman niya ko papatayin diba?



HINDI AKO NATATAKOT SAKANYA.


Bigla akong may naranig na tumatakbo mula sa likod ko.


WAAAAAAAAAAAAAA!


Tumakbo nadin ako. Shet ano yun bakit siya tumatakbo? Hinahabol niya ba ko? Tauhan ba siya ni Elizabeth? Siya na ba ang papatay sakin?!


"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!"



"HUY! ANO KABA SI BURDADO TO!"



"Shet! Akala ko rapist! Akala ko killer! Akala ko unggoy!" Kinakabahan padin na sabi ko sakanya.

Pinakaba niya ko punyemas siya. Grabe bat kase kailangan niya pa ko habulin di niya nalang ako tawagin!!

Burdado Kinisilo. Oo naaalala ko siya! Yung panget na boyfriend ni Clauvelle. Sino ba naman makakalimot sa mukha niya.

"Grabe ka naman mag joke, rapist na, killer na, unggoy pa HAHAHA"

"Hindi yun joke. Real talk yun." Seryosong sabi ko. Akala niya ba nag jojoke ako? Mukha talaga siyang rapist, killer at unggoy pinag sama sama. Nag tataka ko kung bakit siya naging boyfriend ni Clauvelle. Sa sobrang ganda ng mukha ni Clauvelle papatol siya sa ganto?


"Grabe siya oh, nasaan si Clauvelle?"


"Nasa room."



"Sige sige salamat." Tumakbo na siya ng pag kabilis bilis.



Wow. Hindi lang siya rapist, killer at unggoy dahil may lahi din siyang kabayo.


Aissssh nasaan na ba yung chalk na yun?

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Tapos na yun oras ng class ko wala padin yung chalk na pinakuha ko. Nag liwaliw ka muna ata bago ka kumuha ng chalk eh." Sabi nung prof kong maarte na babae.

Grabe di nalang mag thank you. Sobrang tagal at sobrang napagod ako kakahanap sa kuhaan ng chalk kainis.

Lumabas na lahat ng estudyante dahil tapos na ang klase. Kainis kase bakit ako pa inutusan niya alam niya naman na baguhan lang ako dito. -_-

"Huy! Bakit ang tagal mo? May nangyari ba? May umatake ba sayo? Nag start na ba mambully si Elizabeth?" Kinakabahan na tanong ni Clauvelle.

I'm inlove with a Monster!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon