You got me hypnotized. So mesmerized. But I just got to know..
And I know this crush ain't goin' away.
-----
2nd week na ng 2nd sem. Monday ngayon, nakakaburaot magising ng umaga pero kelangan dahil 8:30 ang first subject. Ngayon din ang first meeting namin.
Bwisit. Late na ako. Buti na lang talaga at hindi 7:30, dahil sigurado hindi pa tapos ang prelim eh, drop na ko sa subject na to.
Pumasok na ko sa room. Buti wala pa ang teacher namin. Konti lang ang kilala ko dito. Yung iba ay kaklase ko nung 1st sem sa ibang subject. Binati ko na lang ang iba at umupo sa pinakalikod malapit sa bintana. Nasabi ko na bang may pagka anti-social ako?
Dumating na si Sir, sa harap na pintuan siya dumaan. Nagkagulo na ang mga kaklase ko at nag siupuan na sa kanilang upuan. Bigla din bumakas ang pintuan sa likod at iniluwa dun si Popoy. Yes, may kilala na ako! Kasunod niya si Arvi sa likod. Naka earphones at naka bonnet.
Good morning, sir!
Sabay nilang bati kay Sir. Tinanguan lang sila ni Sir. Ang mga babaeng kaklase ko ay nagbulungan at ang mga lalaki naman ay nagtanguan na lang.
Poy!
Kinawayan ko siya at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi ko. Bakante din ang sa unahan ko. Habang papunta siya dito sa lugar ko ay binabati nya ang mga kilala niya. Sikat ang mokong. Si Arvi naman ay naupo sa tabi ng lalaking kausap niya.
Oy, itlog! Classmates pala tayo. Buti naman, mag-aral kang mabuti ha. Alam mo na yun..
Ginulo nya pa ang buhok ko. Ako mag-aaral? Huh. Siyempre naman, di ko kaklase si Jai e.
Asa! Di naman kita pa kokopyahin.
Damot mo. Naupo siya sa harapan ko.
Nakita kong tumayo at nag paalam si Arvi sa kausap niya at tinuro kung saan ako nakaupo. Nilingon ako ng kausap niya at nang babaeng nasa harapan niya.
Naglakad siya papunta samin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Kinuha niya ang bonnet niya at ginulo-gulo ang buhok niya. shet! Tinanggal niya rin ang earphones niya. Ginulo na nga ang buhok pero bakit gumwapo pa siya? Oh shet.
Hi.
Binati niya ako at nginitian. Tinaasan ko siya ng kilay, at tinanguan na lang. Inayos niya ang upo niya, yung parang nakahiga, na naka lean ang ulo sa likod ng upuan, yung upo na tamad, habang kinakalikot o di kaya ay nag te text.
Tinitingnan ko siya. Ang tangos ng ilong, medyo mahaba na rin ang buhok niya na magulo pero bagay pa rin sa kanya. Medyo singkit ang mata, hindi ko alam kung maputi ba siya o tan. Mahahaba din ang daliri niya. At ang linis din ng mga kuko niya. Napatigil ako sa pagkikilatis sa kanya ng nag salita si Sir sa harap.
Class, kopyahin nyo ang isusulat ko sa board para sa requirements ko sa subject na to. At, dahil hindi pa binibigay samin ang official class list e, lista nyo muna sa papel na ito ang mga pangalan nyo.
Pinasa na ni Sir ang papel sa harap na estudyante at pagkatapos ay nagsulat na ito sa board. Nakita ko din na gumagalaw na ang papel papalapit sa amin. Habang nagsusulat ay nakita ko na nasa kay Popoy na ang attendance sheet. Humarap siya sakin.
Ikaw nalang. Sulat mo pangalan ko. At tinalikuran ako at nagpatuloy sa pagsulat nia ng requirements.
Tiningnan ko siya nang masama. Hindi naman effective dahil likod na niya ang nakikinabang. Sarap sabunutan..