Chapter 2
Arvie's POV
Mukhang huli na naman ako sa klase ko! Lagot!
Hindi kasi ako makapag-decide kung anong damit ang isusuot ko ngayon. Bakit pa kasi kailangang mag-aral pa ako eh marami naman kaming business and I guess kaya ko namang magpatakbo nito. Parang ang layo ng school kapag nagmamadali ka. Si kuya naman kasi eh... isinama pa akong mamili ng damit eh nakakalimutan ko ang oras kapag nakakakita ng damit eh.
"Ms. Lim late ka na naman!" sabi ni Sir Asungot. I am 30 minutes late pero kailangan ko pa ring pumasok kahit absent na ako. Kasi kailangan kong pumasa.
Lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin kasi naman ang ganda ko!
Bakit ba kasi palagi nalang akong napag-iinitan sa klase namin. Nakatawa pa nga ang iba sa kanila liban na lang sa mga bestfriends ko. Idinungo ko nalang ang ulo ko at nagtuloy-tuloy sa likuran. Para kasing nasasanay na akong ganito ang nangyayari sa akin simula ng pumasok ako dito sa Jacksonville University.
Napilitan naman akong maupo sa likurang bahagi kasi naman ay may nakaupo na sa upuan ko. Grabe inagaw ang upuan ko ng babaeng mukhang palaka na si Nica. Since napahiya na ako kanina ayokong dagdagan pa ang mga atraso ko. Hayaan ko nalang ang pangit na iyon na pumalit muna sa pwesto ko."Isang beses pang malate ka and I'll drop you in this class don't you understand that???"
"Sorry po Sir," at nagtuloytuloy nalang ako sa pinakahuling upuan. Mainitin lang talaga ang ulo ni sir dahil sa daming naka-store na mga impormasyon. Madaling mag-overheat siguro ang utak niya. Hehe...
"At nakatawa ka pa!"
"Hindi po sir." idinungo ko nalang ang ulo ko. Sana makita ko ulit si Cupido kong Mahal! Haayyy... siya nalang kasi ang nagpapagaan ng pakiramdam ko.
Napakaboring naman talaga kasi ng subject na ito pero kailangan kong ipasa ito kasi gusto ni papa na magtapos talaga ako ng business course. And this is my last chance dahil palipat-lipat na ako ng school at baka wala na daw matino na university ang tumanggap sa akin.
Haaaaayyyy! Puro naman kasi math sa department na ito.
Nakatingin lang ako sa may pinto at naghihintay kung kelan matatapos ang klase nang may pumasok na isang lalaki na nakaheadphones pa. Cute sana siya kaya lang may salamin siyang suot kay turn off ako. Hmmm... Sino kaya siya? Kaklase ba namin ang lalakeng ito? Bakit ngayon ko lang talaga siya nakita? Tuluyan na siyang pumasok at tumabi pa siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. This is unfair!
Pero para lang siyang invisible sa paningin ng lahat. He's at least 45 minutes late... bakit ako sinisita nila... UNFAIR TALAGA!!!
Noooooo! Momo... may multo sa klase ko at ako lang ang nakakakita...
Baka maling classroom lang siya at napadpad dito sa klase namin. Tumunganga muna siya sa harap at inalis ang nakalagay na headphone.
Halatang puyat siya. Kaming dalawa lang pala ang umupo sa likuran. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang talaga siya nakita sa buong buhay ko. Pagkatapos ay ibinalik niya ang kanyang headphones at natulog lang siya sa kanyang upuan. Grrrr...ZZZZZZZZzzzzzzzzz...
"Ms. Lim!"
Ay! Tawag na naman ako ni Prof. Asungot! Ano na naman ang kailangan nito...
"Please answer this simple Math problem."
Simple ba iyon? Nakatingin lang sa akin si Nica at talagang excited lang naman siyang pagtawanan na naman ako. Wala akong kakampi na mapapagtatanungan this time kasi nga nasa harapan lahat ng mga bestfriends ko.
Eh late nga ako diba! Teka and to think hindi man lang nila napansin itong katabi ko na natutulog lang sa klase.
"Hindi kasi nakikinig eh!" sabi pa ng professor namin.
"Sir Late rin naman po siya ah." - ako sabay turo sa katabi kong tulog.
"Hoy!" gising ko sa kanya. "Tawag ka ni sir oh!"
At sinipa ko talaga ang kanyang paa para lang magising siya. Nagulat naman siya at tumayo lang ng kusa papunta sa board. Nananaginip pa ata kasi medyo pa siya nakapikit nang pumunta sa harapan. Hehe... Nakakatuwa naman para siyang zombie kung maglakad. Kinuha niya ang kanyang headphone at sinagot ang mga tanong sa board. Ewan parang tumutulo pa ata ang kanyang laway kaya pinunasan niya ito ng kanyang panyo. Grabe naman ang lalaking ito parang tulog lang siya na sinagot ang mga equations sa board.
1 + 2(3+2-1)=
3/2-1/2+6(-1-5)=
4-8+3+1(4-5)/4x4=
At nasagot naman niya lahat ng iyon... Ewan ko lang kung tama.
"Good work Mr. Rossi," sabi ni Sir. Hindi pa nga natitingnan ni sir ang sagot good work na agad! Favor!!!!!! Baka teacher's pet si multo/Zombie! T__T
Nakanganga lang ako. Haha... Kasi nga nosebleed ako pag Math na ang usapan. Seriously? Tama ang sagot niya? At bumalik siya sa upuan na walang nangyari.
"Carl care to explain to Ms. Lim what you did?"
Carlos POV
What am I suppose to do
When the best part of me was always you and
What am I suppose to say
When I'm all choked up and you're okay
I'm falling to pieces, yeah
I'm falling to pieces
They say bad things happen for a reason...
"Hoy!" sabi ng katabi ko. "Tawag ka ni sir oh!"
Sinipa pa niya ang mga paa ko. Haaiissssshhhh....
Ha? Bigla akong nagulantang sa pagtawag sa akin ng professor namin. At tumayo nalang ako agad at kinuha ang headphones ko. Puyat kaya ako kagabi galing sa trabaho. Kainis naman oh... Bakit ba kasi walang nakakasagot sa mga kaklase ko eh ang dali-dali lang nga mga problems nila.
Sinagot ko nalang ang tanong sa board. Pero I think hindi naman ako ang tinawag kundi ang babaeng gumising sa akin.
"Carl paki-explain nga kay Ms. Lim kung paano mo nasagot ang mga problems?"
"I just used PEMDAS sir."
"Alam mo ba ang Pemdas Ms. Lim? at nabaling ang tingin ni Sir sa kanya.
"Ha? Medyas po sir? Hindi ko po talaga alam kung paano niya nasagot ang questions sa pamamagitan lang ng medyas!"
Nagtawanan kaya ang buong klase... Napatawa rin ako ng konti... Pero slight lang kasi epic talaga siyang magbiro sa teacher namin. Tumayo nalang ako upang i-explain ang PEMDAS... Tanga ba siya... Pemdas lang hindi pa niya alam... eh hindi naman siguro siya nakagraduate ng high school na hindi alam ang PEMDAS."I just remembered PEMDAS during my elementary days... I'm not really sure if I am right," sabi ni Carlos. "Pero Parenthesis, Exponent?, Multiplication, Division, Addition, Subtraction po ang ibig sabihin ng PEMDAS at hindi MEDYAS. Ito ang ginagamit natin para hindi magulo ang pagsagot natin sa mga equations."
Napatingin uli ako sa kanya. Kenkoy pala talaga siya... heheheehe... Kamot pa siya ng kamot sa ulo niya.
"Sinabi ko bang MEDYAS!" bulong niya.
Natulog na lang akong muli at pinagpatuloy ang pakikinig ng music.
Sana may project kami sa Math para naman... Kasi ako lang naman ang dakilang tagagawa ng mga projects ng mga kaklase namin.
"Hoy!"
Sinipa na naman niya ang inu-upuan ko... nananadya ba talaga siya?
Ngumiti pa siya matapos niyang gawin iyon na parang engot. Pero ang ganda pa rin niya kahit kunwaring ngiti lang iyon.
Pinipilit ko na ngang ibuka ang mga mata ko eh... Actually sa school lang talaga ako nakakahanap ng tyempong matulog kasi nga marami akong raket sa buhay.
"Bawal matulog sa klase," bulong niya. Tapos bigla naman siyang ngumiti sa akin... Aissssshhh! Nananadya talaga siya kaya napilitan akong makinig sa boring na teacher namin. Pero talaga palang ang ganda niya lalo na kapag ngumiti... pero maganda pa rin siya kahit nakasimangot.Tsss... This girl is something and I really don't know why I'm so drawn into her.
*Flashback*
"Hermes, bring this to all the Boss." sabi ng president ng school. She's no ordinary president... she's the Boss of all the Boss.
Hermes ang tawag nila sa akin dahil ako ang mensahero ng mga gangsters... Pero I'm good with that kasi ayokong Mercury.
"Got it." sabay kuha sa isang envelop.
"And one more thing... I want you to look out for this girl."
"What do you mean? Me? Babysit? NO kidding..."
Ipinakita pa niya ang picture ng babae...
"I've already arranged your schedule. This is bigtime and you don't have to worry about finding your parents... She's the lead that you're looking for."
*End of Flashback*
I hope that she's right... Kasi ayokong umasa uli. Kung kelan meron na akong nalaman tungkol sa mga tunay kong mga magulang saka naman sila nawawala. All my relatives were gone pero nalaman ko naman na buhay pa rin daw ang mama at papa ko.
"Hoy!" tawag na naman niya sa akin.
Nakakainis naman... pero kailangan kong tiisin muna ito. Malaki kasi ang ibinayad sa akin ng presidente just to do this and I'm just curious kung bakit eh parang wala namang mangyayaring masama sa kanya.
"Ano ba!"
"Wala... pakopya naman ng mga sagot mo!" at tumawa na naman siya. Nakakainis... Ha? at ngayon ko lang nalaman na may quiz pala...
BINABASA MO ANG
Cupid's Heart [Major Revisions]
HumorWhat if one day malaman mong totoo pala ang mga anghel at nandito lang sila sa lupa? What if you realized you have fallen to an angel? Pero bigla mong malaman na hindi pala kayo pwede... Hindi pwede dahil Anghel siya samantalang ikaw naman ay anak n...