EPILOGUE

2.7K 62 16
                                    

Lumipas ang dalawang taon. 

Kami pa din ni Mika, pinili nameng magstay na dito sa Pilipinas. Magkasama na din kami sa iisang bahay ng mahal ko. Awa ng Diyos, nakaipon na ako ng enough para sa pagpapatayo ng pangarap kong restaurant. 

Salamat sa Diyos at tinatangkilik naman ang restau ko at may isa na akong branch sa Pampanga. Sina mama ang nagmamanage nung branch doon. 

Masasabi kong kahit paano ay financially stable na kami, mini grocery na ang sari-sari store ni Mama. 

"Ok na lahat boss Vic" senyas sa akin ni Cris. 

"Sesenyas ako mamaya kapag go na, sabihan mo na lahat ha?" ngumiti ako sa kanya. 

Naglakad lakad ako at chineck ang buong place kung meron pa bang kelangang ipaayos. Nakapagexpand na din kami ng store nung nakaraang buwan lang. Binili na din namen yung katabing space, maraming nagrerequest na lakihan daw namen yung store so yun... 

"Good morning Ma'am" 

Napatingin ako sa pumasok sa store. 

Napatulala ako sa babaeng papasok sa restau. 

Napangiti ako. 

Hanggang ngayon hindi pa din sya nagbabago. Maganda pa din sya. Hindi ako nabigla nang makita ko sya, kasi sinabihan ko din naman sya na pumunta sya. 

"Den" nagbeso ako sa kanya. 

"Ara" ngiting ngiti itong yumakap sa akin. 

"Kamusta ka?" tanong ko

"Hala sya oh! Parang hindi tayo nagkita nung nakaraang araw ah?" 

Mahilig pa din syang mambara. 

"Sobra ka!" 

"Oh ano? Ok na?" tanong nito. 

"Ako tatanungin mo? Ikaw nagplano nito" sabi ko. Event manager kasi si Denden, nung nagkaayos kami last year, nalaman kong yun pala ang profession nya, kaya hindi ako nagdalawang isip na sya ang kunin... I know naman na ibibigay nya ang best nya sa pinaka best na araw ng buhay ko, if ever. 

"Pilosopo" binatukan nya ako. 

Tumawa ako. 

"Nasan na sya?" 

"Nandun pa sa kitchen" 

"OSige magsiCR muna ako" pagexcuse nito. "Excuse lang" 

"This way Ma'am" paglead ko sa kanya ng daan. Hinampas ako nito sa braso. Ang hilig pa din nyang manakit. Hahaha

"ARAY!" 

Agad akong napalingon sa kumurot sa akin. Ang sakit. PInong pino. Si Mika. "Ano ba?" reklamo ko. 

Nilakihan nya ako ng mata. 

"Sino yun!" nagpamewang sya. 

Napansin kong tumatawa ng palihim ang mga tao sa paligid. Pinapanuod nila kami ni Mika, grabe naman kasi yung lakas ng boses ni Mika. 

"Si Denden" sabi ko saka ako ngumiti. 

"SI DENDEN?" nanlaki ang mata ni Mika. Kinirot akong muli sa tagiliran.

"Aw!" himas ko sa bewang ko. Ang sakit ah! Pulang pula na naman to mamaya. 

"Si Denden as in yung ex mo?" 

"Ex?" tumawa ako. "Ex bestfriend? Oo" ngumiti ako. 

"Hindi!" lalong nagsalubong ang kilay nito. "EX-LOVE" sigaw nito. 

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon