Chapter 1

2 0 0
                                    


"I met someone" 

Umaktong mailuluwa na ni Rhea yung kinakain niya sa naring niya. Tumawa kaming dalawa ni Lyzeth. "Parang baliw mga reactions neto" sabi ko 

"Eh ako parang lang, yang katabi mo baliw talaga. Literal" sabi niya habang tinuturo si Lyzeth na nakangiti lang naman. Sanay na talaga kami sa ugali ng isa't isa.

"Inggit kasi, yung mga nagiging crush nya bading bleeh" 

Tumawa ako "Di naman kasi lahat tayo may gaydar diba Rhea" biro ko sa kanya

"Isa ka pa e, atleast yung mga bading na yon matitino kasi yon. Yung mga nagiging crush mo totoong lalaki, eh bukod sa chaka, mga loko loko pa bleeh" 

"Hoy hoy hoy, this time... it's different" 

Nagtinginan kaming dalawa ni Rhea sabay tawa. "Alam mo Lyzeth, kung ilan yung crush mo. Yun yung bilang kung ilang beses kong narinig yan sayo haha" sabi ko.


"Hoy grabe kayo, Ikaw Jamie at Rhea dalawang beses ko lang naman sinabi yun. Basta! Gwapo, mabait at alam mo ba may sense of humoooor!" sabi niya habang kinikilig na nakahawak sa akin. 


Tumawa naman kami ni Rhea. O sya, support lang. "O sige atleast sakin na yung bagong transferee" sabi ni Rhea


Parang nagulat naman si Lyzeth. "Really? Meron?" 


"Oh bakit parang interesado ka? You met someone na diba?" -Rhea


"Oo nga, tanong lang naman. Atsaka bago sayo tumingin yun. Kay Jamie muna yun titingin, ano ka ba" 


Ayan napunta na sakin. "Kahit pa tumingin yun sakin, wala pa sa utak ko yang ganyan. " Sabi ko 


"Alam mo nagtataka din ako sayo Jamie e, Ang ganda mo naman, matalino, marami nga akong kilalang may crush sayo. Karamihan nasa engineering, pero wala kang pinapansin. Yung iba nga natatakot na sayo e. Parang ikaw yung babaeng nababasa mo sa libro na nerdy at mataray kung tingnan. Except sa hindi ka ganun sa totoong buhay, simple ka. Kaso mukha kang seryoso... kahit baliw naman." -Rhea


"Kaya nga mula nung magkakilala tayo, tayo lang ang kaibigan nan e" -Lyzeth


"Hoy, pinagmukha nyo naman akong weirdo. Kaya kayo lang ang kaibigan ko kasi ako lang din naman ang kaibigan niyo. Ayaw ko lang kayong iwan noh." 


Tumingin ako sa oras sa phone ko. "Oh 2 pm na, tara check ulit natin sina sir sa Faculty para makompleto na clearance natin." sabi ko sa kanila. Lahat naman sila umagree. 


Pagkapunta namin sa faculy, Thank God at present mga prof na kulang ang pirma sakin. Madali naming natapos ang clearance, ipapasa na lang namin sa secretary para makuha namin ang sched. Kaya lang, bigla namang humaba ang pila. "Alam mo dapat di na tayo umalis kanina e" sabi ni Rhea


"Diyan lang kayo guys, uupo lang ako don ha. Diyan ako sa gitna niyo" sabi naman ni Lyzeth habang tinuturo yung upuang bakante. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Wrote about HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon