Chapter 15

19 3 0
                                    

May 22, 2016 - Tuesday

I experienced my first heartbreak with my first love. Mas angat yung longing ko sa kanya kesa sa kahit na ano mang emosyong nararamdaman ko.

I promised July na I will never stop loving him, and that this love will haunt me for eternity.

Maya't maya ko chinecheck twitter nya araw araw if may update ba sya. Sobrang miss ko sya.

Puro tulog lang ako the past three days. Kasi every time na gigising ako, pag naalala ko, sobrang bigat. Alam mo yung alam mong wala kang magagawa kasi di mo mapipilit yung taong ayaw na.

Sa tatlong araw na pag-rereflect ko sa nangyari, ang coping mechanism ko lang ay magparinig ng mga lyrics ng kanta sa twitter na nakaka-relate ako. Gusto kong mabasa nya yon at makita.

Gumawa din ako ng secret diary ko sa twitter, dun ako nag-rarant ng malala ng thoughts ko na hindi ko masabi sa ibang tao o gusto kong sabihin kay July pero bawal na. Walang naka-follow don kundi yung main account ko.

May mga ka-ewanan akong ginagawa recently, like nag-fifish ako ng update sa mga tropa namin kay July. In-aask ko lalo na yung mga tropa nya sa totoong buhay na classmates nya. Naging ka-close ko na si Apollo, kasi halata naman na may something na sila ni Ate Ana nung bago palang ata ako ma-sali sa gc nila. Tapos recently dahil nga di na sumasali din ng group call si July, kami kami nalang talaga nag-uusap. Eh minsan ang andun lang si Ate Ana, Apollo, ako, at si Althea.

Alam kong these past three days, di ko masusurvive yung first heartbreak ko kung wala sila. Kaya very thankful din ako sa kanila. At nakakatuwa kasi kahit na ang tropa nila talaga noon is si July, sakin sila mas nagcecare.

Nagparamdam na pala si Aaron din sa gc, si Tin ang madalas nyang kinukulet at kinakausap kasi napaka-gullible ni Tin. Fun fact kay Aaron, ka-age lang namin sya pero college na sya. Nag-advance sya, napaka talino siguro nyan ni Aaron.

At dahil dakila akong people pleaser lalo na sa mga tao sa buhay ni July. Tinry ko talaga ang best ko na makausap sya at maka-close. Medyo ang vibes lang nito ni Aaron is lowkey lang like di talaga open, di katulad ni Apollo, napaka open din. Sa umpisa lang matapang, pero pag nakilala na softy din.

Magka-pm kami ni Aaron, nung mabanggit ko yung Secret Diary ko sa twitter kasi sabi ko gumawa din sya para pang-rant nya lang or pang-vent out ganon.

Aaron: follow kita tapos follow mo ko

Autumn: eh ayoko, makita mo mga pinagtwetweet ko don.

Aaron: di ko naman babasahin eh. gusto ko lang madagdagan following ko saka followers.

Autumn: weh? promise di mo babasahen?

Aaron: oo nga, i-mute agad kita

Autumn: okay, ito username ko. I trust you, Aaron ah.

Sinend ko na sa kanya ang username ko para ma-follow na nya. Nag-send na sya ng request para ma-follow nya na ko kaya in-accept ko naman ito.

Naligo na ko at nag-bihis tapos nag-luto na ng makakain for dinner.

As usual nood uli muna while waiting sa food. Nung naluto na yung food kumain na ko. Nag-ligpit na din ako pagkatapos at inantay lang makauwi sila mama at papa at mga ate ko.

Pinatay ko na ang TV at humiga sa kama. Usually mga ganitong oras pag wala na kong magawa, iniistalk ko na si July sa twitter if may update ba sya.

Biglang kumabog ang dibdib ko ng mabasa ko ang pangalan ko na tinweet nya.

@Juuuuuly tweeted:
tangina mo autumn piptin palang pero batak na huh

@Juuuuuly tweeted:
sa notebook ka mag diary tas pukpok mo sa ulo mo

@Juuuuuly tweeted:
you're nothing compared to her

I was frozen. May ilang mura, at trashtalk pa syang sinabi patungkol sakin pero wala na kong lakas para replyan o kausapin pa sya.

How can I move on from this?

November 25, 2016 - Friday

Days, turned into weeks, turned into months.

Nag-start na classes namin nung June pa and Grade 10 na ko currently. Pa-break na din sa Pasko. Ganun pa din naman yung gc, ang pinagkaiba lang hindi kami nagpapansinan ni July. Minsan sa pm nalang din ako nakikipag-usap sa mga tropa. Mas naging close ako kay Apollo and Ate Ana recently kasi sila na tapos pag may problem sila, sakin sila nagpapa-advice.

Recently, taong Discipline Office ako. Hindi naman dahil basagulero na ako o ano. Pero natuto na ko ngayon maging matapang pag nasa tama ako.

There was this guy pa na sobrang sipsip sakin nung Grade 9 dahil "bestie" ko yung nililigawan nya. Then nung naging sila na, tapos naging kasa-kasama na nya yung grupo ng mga bullies na dati ko din namang nakakasamang kumain after school, ayon kasali na din sya sa mga nang-gagago sakin. But nung ginago nya ko neto lang, may groupings na by number, tapos magkapareho kami ng number, tas reaksyon nya si OA. After class nilapitan ko sya "May problema ka ba sakin ha?" Tameme sya eh. "Ha? Wala naman." Then I asked him bluntly "Eh ano yung reaksyon mo kanina?" Si deny ang-sabi "Wala yon, di ikaw yon." I just said "Okay, sabi mo eh."

I mean should I thank July for this? For helping me to not be afraid?

After nung trashtalk nya sakin sa twitter, madami din syangg nakaka-chat na common friends namin sa laro, and they are telling me na nilalait nya ko, ang mukha ko, ang katawan ko, at buong pagkatao ko.

You know how damaging that is? Coming from the person you adore? Yeah.

All of the imperfections I have na hindi naman ako insecured, I started to feel insecured. When I look at myself in the mirror, dati maayos ang tingin ko sa sarili ko, pero now I feel like shit. Parang napaka pangit kong tao, nakakadiri.

Kaya pota sanay na din ako. Kasi pareparehas lang din naman si July at ang buong mundo ng sinasabi.

Kaya I just chose to be matapang. Matalas na ko mag-salita, I want to give back yung unsolicited pamumuna ng mundo sakin ng masakitang real talk din.

Palagi lang akong may joy sa heart ko kaya kahit binubully ako before for unfair reasons, wala akong sama ng loob kasi ang bilis ko magpatawad. Pero now? Galit ako. Galit ako sa lahat. Pero mostly, galit ako bakit ganito ako, bakit ganito itsura ko, at bakit ganito akong klaseng tao.

I guess, mission success si July? Nakaka-sira nga, congrats. Pero hindi ko hahayaan na malaman mo. Lagi akong may front na maayos ako at di ako apektado sa lahat ng ginawa mo sakin.

Walking in a Bad IdeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon