Chapter 11: Albie

2.9K 35 16
                                    

(Daniel's POV)

"Bro!" sigaw ko nang makita ko si Albie. Iniwanan ko si Julia at nagtatakbo papalapit sa childhood friend namin. "Anong ginagawa mo dito? Di ba nasa London kayo nina Tita?"

Tumango siya at napakamot sa ulo. "Oo nga, eh. Pero namiss ko talaga ang San Martin kaya pinilit ko si Mommy na dito na lang ako tumira at mag-aral." Ngumiti siya sa akin nang ilang sandali bago lumipat yung tingin niya kay Julia.

Nanlaki ang kanyang mga mata at lumaki lalo yung ngiti niya nang makita niya ito. Napakunot noo naman ako habang nagbabalik tingin sa kanilang dalawa. Kita ko sa mukha ni Julia na gulat na gulat pa rin siya... Pero, may halong ibang emosyon. Galit? Inis? Ewan. Hindi ko mabasa yung iniisip ni Julia. Pero hindi ba dapat masaya siya? I mean, si Albie oh! Yung matalik naming kaibigan! Nandito na galing London! xD

Nagtataka siguro kayo kung bakit parang sobrang excited ako... Dapat ko siguro i-explain 'noh? x)

Ganito yun... Si Albie kasi parang kuya ko. Nung makilala ko siya, hinangaan ko talaga siya at halos ginaya ko lahat ng ginagawa niya. Sa damit, sa ayos ng buhok, sa paglakad, sa pag-ngiti... Idol ko talaga siya nun. Sa mga mata ko kasi, mas madami siyang alam dahil mas matanda siya sa akin ng 2 years tapos mabait pa siya, matalino at masipag. Lahat ng matatanda humahanga sa kanya tapos madami ding mga babae na nagkakagusto sa kanya. Kaya lagi akong nagpapatulong sa kanya at siya na yung parang naging mentor ko (lalo na sa mga babae) haha ;)

Since hindi kami lagi magkasama nung Dad at mga kuya ko, siya na yung nag-act na parang replacement kuya ko. Hindi lang yun pero naging second best friend ko din siya. Hindi naman kasi pwedeng lagi na lang si Julia yung kasama ko.. Baka ma-chervalu na ako pag ganun xD

Tapos mga 3 years ago, napagdesisyunan nung mga parents ni Albie na lumipat sila sa London dahil may bago daw silang pinatayong major company dun. Wala naman kami magawa kaya simula nun, minsan lang kami magkita at makapag-communicate. Ngayong bumalik na siya, feeling ko dumating na din ang isa kong kapatid :)

Bumuka ang bibig ko para magsalita ulit pero napigilan ako dahil naglakad papalayo sa akin si Albie at lumapit kay Julia. "Wow naman, Julia! Sobrang ganda mo na ngayon ah. Hindi ko akalain na magiging ganyan ka ka-sexy!" Nakangiti nitong sinabi sabay akbay kay Julia. Napasimangot naman si Julia at tinanggal agad ang kamay nito. "Wag mo nga akong hawakan." mataray na sagot ni Julia sabay lakad papalayo kay Albie at papunta sa direksyon ko.

"Una na ako..." sabi niya nang lumampas siya sa tabi ko. Malamig yung boses niya at may konting lungkot. Tumalikod ako at pipigilan sana siya nang maramdaman ko ang kamay ni Albie sa braso ko. Napatingin ako sa kanya. "Hayaan mo muna siya. Kailangan natin mag-usap." bulong niya habang pinapanood si Julia lumakad paalis.

Bumalik ang tingin ko kay Julia pero saktong lumiko siya at nawala. Nalungkot ako nang konti dahil hindi ko na siya kasama. Bumitaw si Albie at nagsimula na kaming maglakad. "So... Anong meron sa inyo ni Julia?" biglang tanong niya matapos ang ilang minuto. Ineexpect ko na nang-aasar lang siya pero walang biro dun sa tono nung boses niya at nang tumingin ako sa kanya, walang kaexpre-epression yung mukha niya. Seryoso talaga. Weird o.o

"Ahmm, ayun..." sabi ko habang sinusuklay yung buhok ko gamit ang aking kamay. "Nanliligaw ako." Napatigil si Albie sa paglalakad. Huminto din ako at napakunot-noo. Nakataas lang yung mga kilay niya at parang nagulat nang konti sa sinabi ko.

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon