♔ Chapter 14 ♔

305 47 35
                                    

James Point of View

Pinauwi ko ng maaga sina Sammy kagabi.

Hindi ko talaga makalimutan ang mga kasinungalingan na nasabi ko sa kanya.

Una sa lahat, hindi talaga mabuti ang kalagayan ko. Mahapdi hapdi pa din ang mga sugat ko sa mukha.

Pangalawa, ang pinag usapan namin ni Dad tungkol sa paglipad sa ibang bansa.

Hindi ko talaga kayang iwanan si Sam dahil mahal na mahal ko siya.

At ayokong umalis ng pilipinas ng hindi siya kasama.

Ang gusto ko kapag naging asawa ko na si Sammy saka palang kami pupuntang ibang bansa at doon mamumuhay ng tahimik.

Hoy James, ano na naman ang pinag iisip mo? Ang bata bata mo pa, pag aasawa na ang iniisip mo.

Oo nga naman. Bakit ko ba kasi iniisip ang ganyan.

Magaling na din ako sa wakas.

Humihilom na rin ang mga sugat sa mukha ko.

Pinayagan na rin ako ng doktor na lumabas ng ospital.

May nabalitaan ako habang ako'y nasa ospital.

Dahil sa kahihiyan ng ginawa ni Khei sa West University, naisipan ng magulang niya na lumipa na lang sa France para maging tahimik ang buhay nila.

Pero bago sila lumipat sa France, humingi muna ng despensa ang mga magulang ni Khei sa mommy ni Sammy.

Pinatawad na rin ni Sammy si Khei.

Handa ng magpatawad si Sammy.

*knock, knock, knock*

Sino naman yang katok ng katok?

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Dad.

"We need to talk."ang sabi ni Dad

At pumasok na siya at umupo sa aking kama.

"Hindi ako natutuwa sa mga kalokohang ginagawa mo."galit na galit na sabi ni Dad

"Dad, I'm sorry. Hindi ko rin naman po ginustong gawin yung nangyari. But please Dad, huwag na po tayong pumuntang ibang bansa." ang sabi ko.

"Dahil ayaw mong iwanan si Sam?" ang sabi ni Dad

"Opo." ang sagot ko

"Anak, boto naman ako sa kanya. Gusto ko rin naman siyang maging parte ng pamilya natin pero kung lagi kang mapapahamak dahil sa kanya mas makakabuting ilayo na kita sa kanya." ang sabi ni Dad

"Dad, I will promise na hindi na po mauulit ang lahat ng nangyari basta po huwag na po tayong pumunta sa ibang bansa" ang sabi ko

"Ayokong nakikita kang nasasaktan kaya napag desisyunan ko na bibigyan kita ng second chance na ayusin ang lahat." ang sabi ni Dad

"Thank you Dad." ang sabi ko

"Pero kapag may nangyari pa ulit na masama sa iyo, mapipilitan akong dalhin ka sa ibang bansa." ang sabi ni Dad

"Opo Dad. I'm sorry" ang sabi ko.

Niyakap ko si Dad. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya.

"Dahil gusto ko ngang ayusin mo ang lahat, tinawagan ko si Jeremy kagabi na pumunta ngayon dito dahil gusto na rin niyang makipag ayos." ang sabi ko.

Lumabas na si Dad sa kwarto ko.

Tatawagin niya na lang daw ako kapag nandiyan na si Jeremy.

Patatawarin ko na kaya siya?

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon