"Sino ka? Narinig kong tanong ng pamangkin kong si Ethan kay Ethan. Kakapasok lang niya sa bahay. Nagpupunta siya sa amin pagkagaling niya sa school kapag hindi niya ako naaabutan sa kanila.
Kabababa ko lang rin sa hagdan. Nasa sala si Ethan at nanonood ng TV.
"Hi! I'm Ethan." sabi ni Ethan sa pamangkin ko na nakatingin sa kanya na parang nagsususpetsa. Inilahad pa ni Ethan ang kamay niya sa bata.
"Boyfriend ka ba ni Ate Nicnic?" Hinahagod na ng tingin ng pamangkin ko si Ethan. Sa halip na ma-offend ay ngumiti lang si Ethan sa bata.
"Ethan." Parehong lumingon sa akin ang dalawa. Right, nalimutan ko saglit na magkapangalan nga pala sila.
"Kumusta school?" Lumapit sa akin ang pamangkin ko.
"Okay naman. Highest ako sa quiz namin sa Math kanina. One wrong lang."
"Wow, very good! Dahil diyan, ililibre kita ng ice cream." Ginulo ko pa ang buhok niya.
"Tara, libre mo na 'ko ngayon!" Hinila niya ako papunta sa pinto.
"Teka lang." Lumingon ako kay Ethan na nakaupo sa sofa. "Gusto mo sumama?"
"Okay lang?" Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa pamangkin ko.
"Oo, halika na." sagot ko. Saka ko tiningnan si Ethan na nakahawak sa kamay ko.
"Kaibigan ko siya, Tantan. Puwede mo siyang ituring na kuya." Ginamit ko na ang palayaw ng pamangkin ko. Before, I call him by his full name. Ngayon, mukhang kailangan ko ng tawagin siya sa kanyang nickname to prevent confusion.
"Ayoko na tawagin mo 'kong Tantan. Ethan ang pangalan ko."
"Kelangan. Pareho kayo ng pangalan. Maguguluhan lang kayo kung sino ang tinatawag ko."
"E, ba't ako dapat ang tawagin sa ibang pangalan? Ba't hindi siya?"
"Kasi mas bata ka."
"Basta ayoko!" Hay, ang tigas ng ulo!
"You know, he's right." Napatingin ako kay Ethan. "'Di porke't bata siya ay kailangan siya na ang magpaubaya." He squatted down, so he could be eye level with my nephew.
"Ba't 'di tayo mag-bato-bato pix? Kung sinong manalo, siya ang tatawaging Ethan?"
"Sige ba. At kung sinong manalo, siya rin ang magdedesisyon kung anong itatawag sa talunan."
"Okay. Kung sinong unang makapuntos, siya panalo."
Kahit hindi ako sang-ayon sa napagkasunduan nila ay hindi ko pa rin mapigilan na panoorin silang maglaro. Pigil hininga kong hinintay kung sino ang magwawagi.
"Bato-bato pix!" sabay nilang sabi.
Bato ang kay Ethan. Papel naman ang sa pamangkin ko.
"Yes!" sigaw ng maliit na Ethan. Para namang hindi makapaniwala ang isa pang Ethan na natalo siya.
"Ngayon, puwede ko ng piliin kung anong itatawag sa'yo." Nag-isip siya sandali. "Ah! Gusto kitang tawaging 'Perv'. Short for pervert. Mukha ka kasing manyak."
"Ethan!" saway ko sa pamangkin ko. Sa'n niya nakukuha ang mga ganoong salita?
Tiningnan ko naman si Ethan. Mukhang pinipigilan niyang masira ang kanyang composure.
"Ethan, 'wag kang bastos." sabi ko sa bata.
"No, it's fine." pigil sa akin ni Ethan. Umayos na siya ng tayo. "He won fair and square."
"Kita mo na, Ate Nicnic? Maski si Kuya Perv, gusto ang pangalan na ibinigay ko sa kanya." Saka siya tumingin kay Ethan. "Sige, puwede ka ng sumama sa pagbili ng ice cream." Hinarap niya ako ulit. "Una na 'ko sa labas, ate. Hintayin na lang kita sa may ice cream-an." Nagmamadali na siyang lumabas ng bahay.
Napalingon uli ako kay Ethan.
"Ba't mo siya hinayaan na sabihin 'yun sa'yo? You are giving the wrong message to him na puwedeng bastusin ang mga mas nakakatanda sa kanya." Pinamaywangan ko na siya. "Saka, ba't ka pumapatol sa mga pakulo niya? If you think na makukuha mo ang loob niya sa pagpapakumbaba mo, well, you're wrong. Ini-encourage mo lang siyang i-bully ka."
"Just let it be, Veronica." mahinahon niyang sagot. Pagkuwa'y ngumiti siya sa 'kin. "You know, for a kid, he's quite observant. Biruin mo 'yun, ngayon pa lang kami nagkakilala pero nalaman na niya agad na manyak ako." Although he said it jokingly, I couldn't laugh.
Inirapan ko siya.
"So, inaamin mo rin na pervert ka nga?"
"You can answer that question for yourself."
"Ewan ko sa'yo. Dinadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo."
Tatalikuran ko na sana siya ng hilahin niya ako palapit sa kanya. His lips were near my ear.
"I'll tell you a secret." Nakakakiliti ang hangin na mula sa bibig niya na dumadampi sa tenga ko. "I have always had perverted thoughts when it comes to you. If I could, I would take you right here, right now." Parang gusto kong mapahawak sa mesa o silya para suportahan ang nanlalambot kong tuhod.
"I can't wait to taste you again. Being inside you is my most favorite place in the world." Pinigilan kong mapaungol. Now is not the time to be thinking about sex.
"E-Ethan...'wag." Lumayo ako sa kanya. Anytime anyone can walk in on us. Hindi ako handa na magpaliwanag.
Buti na lang at hindi na siya nagpilit pa. Konti na lang kasi at bibigay na talaga ako.
"Ethan!" tawag ko sa kanya. Nasa labas ako ng kuwarto niya. Pinahatid kasi ni Momskie sa akin ang extra na unan kay Ethan.
Katatapos lang naming maghapunan. Nagkakilala na rin sina Momskie at Ethan. Habang kumakain kami ay ini-interview na ng mga magulang ko si Ethan.
It was good that Ethan knew how to lie. Totoo nga siguro na dapat magaling magsinungaling ang isang tao para maging magaling na abogado. He was able to hide the fact that we live in the same apartment.
Nang makausap ko siya kanina ng magkasarilinan kami, sinabi niya sa akin na hindi niya talaga pinlano na magsinungaling kay Dadskie noong una. Something--- a gut feeling --- made him tell Dadskie that he was my tutor, instead of saying that he and I were living in the same apartment.
Suwerte at sinunod niya ang pakiramdam niya. Kung hindi, baka ngayon ay nasa gitna na ako ng malaking gulo.
Bumukas ang pinto. Nakatayo na sa harapan ko si Ethan.
"Are you bored, Veronica?" Sumandal siya sa door frame.
"Huh?" He asks the most random questions.
"'Cause if you are, I know something we can do."
Hay, sinasabi ko na nga ba. Puro kahalayan na naman ang iniisip niya. Manyak nga talaga siguro siya.
"Sinabi ko na sa'yo. We can't have sex." I shoved the pillow to his chest.
"Are you sure you don't want to have fun with me?" Lumapit siya sa akin. Parang bigla akong nahirapang huminga.
"I promise I won't bite." His mouth was already on my neck. Napalunok ako.
What are you talking about? You can bite me all you want. Just not here in my parent's house!
"Ethan, sorry." Dumistansya ako sa kanya. Hindi ko na siya tiningnan pa at tumakbo na ako palayo.
Nagkulong ako sa kuwarto. Hinintay kong humupa ang init sa katawan ko.
If what happened proved anything, it would be that Ethan is really the most dangerous thing for me.
Nag-aalala na tuloy ako para sa mga susunod na araw. Pa'no kung next time, 'di na ako maka-hindi?
BINABASA MO ANG
The Girl He Likes To Fuck | COMPLETED
General FictionPaano kung hindi ka na makontento sa kung ano ang mayroon kayo? You want something more. Paano kung ang isang bagay na sa simula ay simple lang ay nagsisimula ng maging komplikado? You want something different. Paano kung iba na ang nararamdaman mo...