Chapter Six: The Plan

125 1 0
                                    

Adrian's POV

Monday na monday, kinaladkad ako ng kapatid ko (Sam) sa cafeteria, dun niya kasi ieexplain yung plano niya. Sinabi niya na sakin to dati pa, kahit ayaw ko, pumayag pa rin ako kasi dun ko lang makakaclose si Alyssa. Kahit alam kong masasaktan ako.

Nung tanghali pinuntahan ko si Alyssa, ayun. Lumalamon pa pala kasama si Sam. Katakawan nitong babaeng to hindi nman tumataba! Inaya ko siya pumunta ng court pagkatapos niyang kumain. Sakto, vacant sila ng first subject sa hapon, kaya hiniram ko muna siya kay Sam. Tapos yun, pumayag naman. Nung nandun na kami,

"Anong gagawin natin dito?" inosente niyang tanong.

"Ah, eh wala naman. Manood na lang tayo ng badminton. Tara dun tayo sa bleachers."

At, nandun nga si Jiro, natiyempuhan ko nga na nagpapraktis siya ng badminton. At para hindi madistract si Alyssa kay Jiro, dinaldal ko siya. Ang dami naming napagkwentuhan. Masaya talaga tong kasama, di ko namamalayan yung oras pag kasama ko siya.

Kaso, bigla siyang nanahimik, at tumingin kay Jiro.

~~~~~~

Alyssa's POV

Amfufu. Niyaya ako ni kuya Adrian na pumunta ng court eh magdadaldalan lang naman dun. Tss. Pero ayos lang, masaya naman yun kasama eh. Nung nag-uusap kami at nagtatawanan, bigla kong nakita sa sulok ng mata ko si Jiro, nakatingin samin.

Nung tinignan ko siya, umiwas na siya ng tingin. Tapos yung bawat tira niya, malakas kumpara sa normal niyang pagtira. Parang galit? Pero ano namang dahilan?

Nung 2nd time siyang tumingin sakin, kinawayan ko siya. Pero ano reaksyon niya?

Tumitig siya sakin, yung malamig na titig. Tapos yung tingin niya, parang di niya ako kilala.

Tuloy pa rin siya sa paglalaro. Hindi ko na kinaya. Nagpaalam na ako kay kuya Adrian tapos tumakbo pabalik sa classroom. 

Ano na naman ba problema nun?

~~~~~~

Jiro's POV

Matiwasay naman akong naglalaro ng badminton, pero may biglang sumira. :|

Habang nagpapraktis ako, nakita ko si Alyssa papuntang bleachers..... kasama si Adrian.

Si Adrian.


Yung tropa ko. Yung kaibigan ko. Yung pinagkakatiwalaan ko.

Sa una okay lang sakin eh, pero kung makikita mo si Alyssa, masayang masaya siya kapag kasama niya si Adrian. Puro tawa, ngiti yung nasa mukha niya.

Masakit, kasi mas napapasaya at napapangiti siya ng ibang tao, na dati ay ako ang nakakagawa nun sa kanya.

Tinuloy ko na lang ang paglalaro ko. Madidistract lang ako kung papansinin ko pa sila at mageemote ako dito o lalapitan ko pa sila. Ang kapal ko naman para gawin yun?

Pero naaapektuhan ako eh.

Nung tinignan ko ulit sila, napatingin na sakin si Alyssa, kaya lang umiwas ako ng tingin. Nakakairita kasi eh. Isipin niya na ang gusto niyang isipin, wala akong pakialam. Pinagpatuloy ko na lang ulit yung laro ko. Yung bawat tira ko, halatang galit. Mas malakas di tulad sa ordinaryo kong pagtira. Hmp, bahala siya kung anong gusto niyang isipin.

For the 2nd time tinignan ko ulit sila. Nakatitig pala sakin si Alyssa, hindi niya na kinakausap si Adrian kasi may katawagan sa cellphone. Habang nakatingin siya sakin, wala akong nagawa kundi bigyan siya ng isang cold stare. Hindi ko sinasadya, pero yun ang nagawa ko.

Aaminin ko, naguilty ako sa ginawa ko.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong selos..

Nagseselos ako, nagagalit... kahit wala naman akong karapatan.

Tumayo na siya at nagpaaalam kay Adrian, tapos tumakbo papuntang classroom nila.

Gusto ko sana siyang habulin, pero mas pumaibabaw yung pride ko. Hinayaan ko na lang siya.

Tama ba tong ginagawa ko?

_____________________________________________________________________

Ano nang mangyayari sa kanilang dalawa?

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon