Time check, 7:15am.
"Aish, bakit wala pang fx? Baka malate ako nito eh!" Bulong ko habang palinga-linga sa kalsada, tinitingnan ko kung may fx na na parating. Pero wala pa. Puro jeep at private cars lang ang dumadaan, hindi naman ako sumasakay ng jeep papunta ng school ko. Mas natatagalan pa kasi ako pag jeep ang sinakyan ko eh, tumitigil pa kasi yun sa isang place para magpuno ng pasahero.
Ako nga pala si Raine Nathallie Espino, allie for shot. Close friends ko lang ang tumatawag sakin ng Allie, the rest raine. Walang tumatawag sakin ng Nathallie sa school for some sort of reasons, sabi ng iba mahaba daw masyado, yung iba naman hindi sanay. Pero my parents call me by that name.
I'm taking up mascommunication sa isang kilalang university, and 2nd year college na ako.May boyfriend ako, pero we're not in the same university at nasa ibang bansa sya. Doon na kasi sya nag college, 3 years na kaming committed sa isa't isa.since naging kami noong nasa 3rd year high school ako, at 4th year naman sya. Imagine, 1 taon lang kami nagsama together, pero umabot kami ng 3 taon. 2 taon na kaming nasa 'long distance relationship' at puro internet lang kaya kami nagkakaroon ng communication. Bihira naman kami mag usap sa phone kasi mahal.
Sa loob ng dalawang taon na malayo kami sa isa't isa, nanatili naman akong loyal sa kanya at patuloy syang minamahal. Pero minsan dumadating yung point na parang may doubt na ko sa kung anong meron kami, at nasasabi ko sa sarili ko. "ANG HIRAP PALA" ang hirap na malayo kayo sa isa't isa, hindi mo sya nakikita at wala kang alam kung ano na bang nangyayari sa kanya at anong ginagawa nya.
"TIWALA LANG YAN"
Yan ang laging advice sakin ng mga kaibigan ko tungkol sa doubt na nararanasan ko minsan, pero nagiging madalas na kamakailan lang.
Hindi tiwala ang issue e, may tiwala ako sa kanya alam ko sa sarili ko yon. Pero may something talaga akong nararamdaman eh, ewan magulo.
Back to setting~~~"Sa wakas! " ^o^
Kulang na lang eh magtatalon ako sa tuwa ng may nakita na akong parating na fx at sakto sa destination ko. Inabangan ko na yung pagdaaan at aktong paparahin ko na sana, gigilid na sana yung fx dahil nasa second lane ito, pero biglang may dumaan na bus, nakakainis lang kasi hindi ko napara yung fx dahil humarang yung air conditioned bus kung saan ako nakatayo.
"Badtrip! Asaaaar!!!" Pagmamaktol ko kasi nakita ko na yung fx na nakalampas kung saan ako naghihintay. Napatingin naman ako sa bus na nakahinto sa tapat ko dahil may pasaherong bumaba. Nagbuntong hininga na lang ako dahil wala na akong magagawa kundi maghintay ng panibagong masasakyan. Iiiwas ko na sana yung tingin ko pero napatingin ako sa bandang likod ng bus kung saan may nakasandal na lalaki sa may bintana.
Naka-earphone sya, nakajacket na black, maputi at may kulay ang malalagong buhok. Parang hairstyle ng mga anime, weird pero parang bagay sa kanya. Na-hook yung mata ko sa kanya hanggang sa makaalis ang bus sa harap ko. It's unexplainable why i feel this way. Parang nagskip ng few beats yung puso ko, parang there's something blocking my ears to the extent na i just feel that im deaf in that moment. Alam nyo yung feeling na dahil sa sobrang shock or something like that eh it feels like na tumigil yung pag ikot ng mundo. Well, its just a hyperbole. Bumalik ako sa reality ng may narinig akong busina, kaya napatingin ako sa bandang kaliwa ko.
"Allie!! Hop in, sabay ka na!"
It's Gelo, one of my close friend na guy. Nagsmile ako sa kanya then lumapit na ko sa kotse nya, inextend nya ang braso nya para buksan ang pinto sa may passenger seat, then sumakay naman ako.