Sa'yo (OneShot Story)

20.6K 883 237
                                    

Na-inspire ako sa kantang 'to kasi paulit-ulit na kinakanta ng mga schoolmates ko 'yan. XDD Sana magustuhan niyo!

BEBE MICH!! Sana magustuhan mo kahit medyo rush 'to. >___<
*************************************************************************************************************************

Napaka-daya nga naman talaga ng buhay.

Nandyan na, hindi mo pa nakita. Muntik na, naudlot pa. Hawak mo na, naka-wala pa.

Sa kaso ko,


Mahal ko na, taken na pala.


Yung kaisa-isang lalaking laman ng panaginip at pantasya ko, nakuha na pala. Hindi pa ako gumagawa ng move, nasulot na!! Susme, Obssess na nga raw ako sabi nila.

Eh anong magagawa ko? Ngayon lang ako tinamaan nang ganito. Hindi naman ako maka-bitaw, kahit na wala namang humahawak sa’kin, kasi kapag iniisip kong magmo-move on na ako,  baka ma-realize iya bigla na mahal niya pala ako.

HAHA. Maka-expect, wagas.

’Yan ako. ’Yan si Michelle.

Ganito na lang ba talaga tayo?

Hindi ba pwedeng ma-inlove ka rin sa’kin?


Nung malaman kong may nililigawan na siya, feeling ko gumuho na ang mundo ko.


Kelan mo lang ba nakilala ’yan? Eh tayo mag-kaibigan na since first year pa!! Hello, third year na tayo at loyal pa rin ako sa’yo!! Ang sakit kaya, ang manhid mo!!


Eh kung sabihin ko kaya? Hala. Edi baka sabihin naman ng iba, malandi ako? Taken na pinipilit ko pa?
Eh paki nila? Nililigawan pa lang naman!

Err. Bad Mich. Bad.

Itatago ko na lang. Haaaay.


Eh paano kapag tinatago lang din niya pala yung feelings niya para sa;kin, na sa sobrang inip niya eh nanligaw na lang siya ng iba? Hintayan kami forever, GANOOOOON?

AAAAAAAGH. Ang Daydreamer ko talaga.


Sana ako na lang, Xander.

Napaka-desperada ko tuloy pakinggan. Eeww.


Hindi niyo naman ako masisisi eh.

Kahit gaano ko piliting kalimutan siya, sa kanya lang ako sumasaya. Kahit simpleng mapadaan lang siya sa harap ko, buo na ang araw ko.

Siguro makaka-move on din ako. Sana...


”Hi, Mich!” Sabi niya pagka-upo ko.

Isa pa ’yan. Try mo ngang kalimutan yung seatmate mo?

”Uy, Xander.” Huhu.
”Ay, Bad mood ka?”
”Whatever.” Kunwari ansungit. Labas naman sa ilong. Pweehhh.
”Sungit namaaaaaaaan!”
”May nililigawan ka na ’di ba?” Err, tama ba yung tanong ko? Mukha siyang nagulat.

”Psychic ka ba?” OMG. BABANAT SIYA? CHEESY PICK-UP LINE??
”B-bakit.” Eeeeeeeh!



“Ba’t alam mo yun? Balak ko pa lang manligaw eh!!” Ay oo nga. Binanatan ako. Tagos.
”Kalat na kaya sa school.” Sabi ko.

”Ganun? Astig. ’Di pa ’ko nag-sisimula kumalat na.”
”Ako nga rin. ’Di pa gumagalaw, nasulot ka na.” Bulong ko.
”Anong sabi mo?”
”Wala! Sabi ko si Sir andyan na!”

Kainis!


At nung uwian, mas lalong nakakainis!!


”Mich!” Tinawag niya ako. ”Pwede mo ’kong samahan?”
”Saan naman?”
Eeeeeeh!! Anubeeeyy.
”Maghahanda lang ako para sa panliligaw ko bukas.”


Ang sakit ha.

Syempre ako, dakilang martir, pumayag. At least makakasama ko siya.


Kahit ’di kaming dalawa.

Grabe, ang generous niya! Bili nto, bili noon. Order nito, order noon. Nagpa-arrange pa siya ng private place para sa CONFESSION niya.


Ang swerte naman ng bwisit na babaeng yun.

Sa'yo (OneShot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon