One Ok Rock - Chapter 57

66 6 15
                                    



Dedicated to all of you ☝️☝️👍🏻 Thanks for the comments and votes! Sa mga nag share at nag add sa reading list nila ng Taka's Maker. Salamat!

Magkakaroon po ng meet up lahat ng mga readers at naging readers nitong Taka's Maker o mas kilala bilang OOrer wilabs. O kahit di readers basta OORer fan. Sana makasama kayo. PM niyo na lang ako dito sa wattpad or mag comment mga interesadong mag join. Thank you!


Rock 57


"How the hell did that happen?!" galit na galit na sigaw ni daddy sa'kin.

"They set up a trap for us and our people," I explained. My head is killing me. I'm worried as hell for Shin. I'm at the point where I want to do all that I can, but it seems that I don't have anything that I can do.

Our people are trying to track their location.

I feel horrible. Every minute that's passing by is torturing me.

I promised to protect her, but I'm such a careless jerk to let them get her.

"Santillan?! Anong kahayupan ang ginawa nila sa pamangkin ko?!" galit na galit na sugod ng presidente.

Faksyet! He's in rage.

"Mr.President, I do apologize about this inconvenience. They plotted a very good plan and that's why they got a chance to take your niece," my dad explained.

Nakatayo ang pangulo at paikot-ikot paglalakad. Halatang-halata ang sobrang pag-aalala sa kanya.

"Why? How?" he asked.

My dad starts to explain everything.

"We're doing everything we can. We've been using everything we have and we will surely take her back by any means."

Agad kaming naalerto ng lumapit ang personal na secretary ng presidente.  Iniabot niya ang phone sa pangulo.

"It's them, mr.President!" sabi ng secretary.

Nagmamadali akong lumapit sa kinatatayuan ng pangulo. I gathered the equipments that I need for us to track down the location of the caller.

Alistong sinagot ng pangulo ang tawag.

"Saan niyo dinala si Shin?!" gigil na gigil na tanong ng pangulo. "Mga tarantado kayong hayup kayo! Sabihin niyo na lang kung magkano ang kailangan niyo at handa kong ibigay kahit ubusin niyo pa ang yaman ko!"

Patuloy ako sa ginagawa kong pang track sa location nila.

"Hayup ka! Wag na wag mong mahawakan ni dulo ng daliri ng pamangkin ko! Mga tarantado kayo! Inutil lang ang papayag sa mga kahayupang plano niyo! Nakuha niyo pang idamay ang pamangkin ko! Hayup kayo! Tapos ngayon sasabihin mong hindi pera ang kailangan niyo? Eh hindi ba kaya naman kayo nagpapakana ng kung anu-anong plano tungkol sa pagbebenta ng droga ay para sa pera?"

Kilala ang presidente sa pagiging palamura niya. He's the cussing president of our nation. It's my first time to see him this angry and worried.
Different emotions are written all over his young face.

Biglang nahinto ang system sa pag track sa address. Na disconnect na pala ang tawag.

"Holy sheet!" he exclaimed. "They are ruthless bastards! Hindi pa alam ni ate ang lahat ng 'to! Uuwi na siya one of these days at ayokong madatnan niya na ganito ang sitwasyon!" halos magmakaawa na yung mukha niya kay daddy.

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon