- Chapter 28 -

3.4K 204 99
                                    

Nagsilabasan yung mga GM sa latest update hahahah! ^_^

Cole's POV

[Wag kang nangbababae dyan ha!] Ano bayan bungad ni Aiko, naninigaw agad.

"Tss magiging babaero lang ako pag naging madami ka." Inis kong tinignan si Ven na nag memake face ng mga sinasabi ko habang bubulong bulong.

[Kamusta pag-aaral mo?]

"Ok lang.. Ikaw, kamusta buhay mo dyan?"

[Ok lang din. Ikaw?]

"Eto kausap ko..." Matagal syang di sumagot. Tinapunan ko ng tingin si Ven na kumakanta pero 'eww eww yuck yuck' lang ang lyrics. Iniinis nya talaga ako!

[Tss, sige na.. Bukas nalang.] And then she ended the call. Badtrip sya? Di man lang kinilig sa sinabi ko tsk.

Text ko na nga lang ..

To: Aiko
Abcdefghijklmnopqrstuuuuuuuuuuuuuuuuvwxyz <3

"Alam mo ang corny mo." Biglang sumulpot sa tabi ko si Ven. "Alam ko ang feeling ng mga babae, sigurado akong walang nakakakilig sa tinext mo." Nakabusangot nyang dagdag.

From: Aiko
Tsh. Bat ang daming 'U'? Adik kana?

To: Aiko
Yieee kasi I love U <3

"Asan ba CR dito? Nasusuka ako eh." Tinignan ko sya at nakangiwi sya.

"Ano bang problema mo?!"

"Ano ba kaseng gagawin natin dito? May pasabi sabi kapang may energy tayo tapos wala man tayong gagawin?" Nakasimangot nyang sabi. Tumayo sya sa kama at pumunta sa book shelve at nagkalikot ng mga libro.

"Ano bang gusto mong gawin natin?"

"Ikaw ang tinatanong ko. Anong gusto mong gawin natin? Kung wala naman, aalis nako.. Pupuntahan ko nalang si Jake sa school." Ano nga bang gagawin namin? Nakakabored naman kasi. Pag kasi andito si Aiko, natutulog lang kami.

"Gusto mong matulog?" Nagkibit balikat sya.

"Ano to?" Tanong nya sa isang libro. Muntik nakong mabilaukan. "Sex guide?" Biglang uminit ang mukha ko. What the hell?!

"H-hindi sakin yan! Diko alam kung san galing yan!" Inagaw ko sakanya yung libro. Kainis saan ba kasi galing to!

"Di ko naman sinabing sayo ah?" Ugh! She's smirking like an idiot! "Tss di mo naman sinabing ganyan pala yung gaga----" tinakpan ko yung bibig nya pero kinagat nya yung kamay ko.

"M-masakit Ven!!" Kinuha nya yung libro at binuksan. "Hoy! Hoy! Wag yan!"

Nanlaki ang mata nya paglipat palang sa first page. "O my ghad! O my ghad! Yuck!! Bat bat bat pinapas----" tinakpan ko ulit yung bibig nya. Pinagpupunit nya yung guide.

Biglang may kumatok sa kwarto ko. "Bukas yan!" Sigaw ko.

"Bro naiwan ko yung----" di na natapos ni Drew yung sasabihin nya dahil gulat na gulat nyang tinignan yung librong pinagpupunit ni Ven. ".....yung...yung BAKIT MO PINUNIT?!!!!!!" Sasapakin ko sana sya dahil muntik nya ng sunggaban si Ven pero nakailag sya.

"S-sayo yun Drew?" Di makapaniwalang tanong ni Ven. Putek sabi na nga ba eh! "Kadiri ka..."

"Hindi.. Napagutusan lang."

"Nino?" Di na sya sumagot at inis na umalis nalang sa kwarto.

"Ikaw naman kasi bakit mo pinunit." She looked at me with a you-dont-know-why?! look.

"Nakakadiri nga kase!! Alam mo ba kung ano yung nandon?! Yung l-----"

"Titigil ka o hahalikan kita?" Mabilis pa sa alas kwatro tinikom nya yung bibig nya. "Good.. Mabilis ka naman palang kausap."

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon