C . 01

9 2 0
                                    


"Ma, nahihirapan po akong huminga" habol hiningang sabi ko kay mama.

"Manong ihanda mo ang sasakyan!!" sigaw ni Mama.



Nandito na kami sa hospital. Naka-confined dahil sa sakit ko. Halos dito na ako tumira, pabalik-balik dahil sa puso kong to.

"Euna, okay kana ba? " nakikita ko sa mga mata ni Mama ang pagalala niya sa akin.

"Nakakahinga na po ako ng maayos" sagot ko kay Mama na nakangiti para naman mabawasan ang pagalala niya sa akin.

"Euna, sabi ng doktor kailangan mo munang magbakasyon dahil nakakasama sayo ang mga usok dito sa Manila kaya pupunta tayo sa bahay ng lola't lolo mo sa probinsya." sabi ni mama.

Napatango ako sa sinabi ni Mama.  Alam ko kasing makakabuti ito sa akin dahil alam naman nating napakasariwa ng hangin sa probinsya at hindi katulad dito na maingay at maruming hangin lang ang maamoy mo.


Hinahanda ko na ang mga gamit ko dahil aalis na kami ngayon
mamimiss ko ang mga kaibigan ko dito sa Maynila pero sabi naman ni Mama babalik kami kapag pasukan na. Magbabakasyon lang sa probinsya para bumiti ang aking pakiramdam.

"Euna, nakahanda kana ba? tanong ni mama.

"Opo Ma."  bumaba na ako at binitbit ang sling bag ko.

Isinakay na ni Manong Karding ang lahat ng gamit namin. Kinausap ni Mama ang mga katulong namin na sila na ang bahala sa bahay at bantayan ito. Malaki na ang tiwala namin sa mga katulong dahil matagal na silang nagtatrabaho dito sa amin at pamilya na ang turing namin sa kanila.

Umalis na kami matapos maayos ang lahat. Nakadungaw lang ako sa bintana, tinitingnan ang nadadaanan namin.

"Euna, gising na at nandito na tayo"  hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Bumaba na ako sa sasakyan at nakita ko si lola na nakangiti na sumalubong sa amin.

"Ikaw nabayan Euna? ang laki muna iha"  nagmano ako kay lola at niyakap siya ng mahigpit.


Nandito nakami sa bahay ng lola't lolo ko. Tama nga si mama mapapabuti ako dito dahil sariwa ang hangin at walang usok na nakakasama saakin.

Naglakad-lakad mo na ako sa dalampasigan at nakikita ko dito ang pag lubog ng araw. Dumidilim na at malakas ang hampas ng alon.

"Euna! Pumasok kana dahil malamig na ang simoy ng hangin at kakain na tayo maya't maya." tawag ni lola saakin.

"Susunod na po ako." sagot ko.

Bago ako pumasok may nakita akong bahay. Hindi naman siya maliit, tama tama lang ang laki niya at maganda ang pagkadesenyo nito.

°
°
°

"La, matanong ko lang po. " sabi ko saaking lola.

"Ano iyon iha? " tanong ni lola.

"Bago po bayong bahay na iyon? "
Turo ko sa bahay na nakita ko kanina.

"Ahh, oo noong nakaraang lingo lang yan natapos ang pag gawa dyan. Mukhang bukas may titira na dyan sa bahay na yan." sagot ni lola .

Napa tango-tango nalang ako sa sagot ng aking lola.

°
°
°

Umalis muna si mama para mamalingke. Pumunta ako sa dalampasigan para masilayan ang pasikat ng araw.

Habang ako ay nag aabang ay nasilayan ko ang bahay na nakita ko kahapon. May mga tao at mukhang ito yong sinasabi ni lola na may titira na talaga doon.

Habang ako ay tumitingin sa bahay ay may napansin akong lalake na tumitingin sa direksyon ko.

Kasing edad ko lang siya. Mukhang napansin niya na nakatingin ako sakanya kaya nag iwas siya ng tingin. Pamilyar din ang kanyang mukha parang nakita ko na siya pero hindi ko lang alam ko saan.

°
°
°

Bumalik naako sa bahay dahil hindi ako makahinga ng maayos mukhang napagod yata ako sa paglalakad.

Unknown person's POV

Muntik naakong mahuli na tinitingnan ko siya. Ang ganda niya at mukhang mabait. Pamilyar nga yong mukha niya parang nakita ko na siya noon pa. Sumilip ako ulit pero...

"Ohh, saan na yun? Aghhh. Kainis naman oh. " bulong ko sasarili ko.

~~~~~
Follow me on :
IG: Rhea Lee Baloro
Twitter:@rheabaloro

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Summer with YouWhere stories live. Discover now