..
.
. Sabado ng umaga ay nagkayayaan ang magpinsang Merly at Lyka na mag jogging. Nilibot nila ang buong village at may araw na ng maisipan nilang magpahinga.
Naupo muna sila sa may bench ng makarating sila sa plaza.
"Couz, nanliligaw ba sayo si Carl?" Naisipang itanong ni Merly sa pinsan.
Alam na nito ang naging samahan ng Magkaibigan. Naikwento na din ni Lyka ang tungkol sa pagtulong ni Nate sa kanya nung nag community service siya.
At maging ang pag-aaya nito na mamasyal mamaya.
"Hindi ah, magkaibigan lang kami ni Carl since high school couz. And you don't have to worry. Kilala mo naman kung sino ang gusto ko diba?" Maawtoridad niyang sabi sa pinsan.
Batid kase ni Lyka n interesado ang pinsan niya kay Carl kung kaya nais niya itong suportahan. Kaibigan lang naman talaga ang pagtingin niya kay Carl kung kaya magiging masaya siya kung magkagustuhan man si Carl at Merly. Nung una aminado siyang attracted siya kay rito. E sino ba namang hindi maa-attract sa kaibigan niya e gwapo naman talaga. Wala lng talaga siyang makapang puwang sa puso niya para rito. Kundi pakikipag kaibigan lang.
Lalo na ngayon, na may hinahanap hanap parin ang puso niya.
.
Alas tres ng hapon ng sunduin ni Carl si Lyka at gaya nga ng sabi nito ay ipinagpaalam siya nito sa tiya Luding niya at tiyo Tonyo,maging kay Merly.
Dinala siya nito sa Manila bay at doon ay naglakad lakad sila. Hapon na kung kaya hindi na nila ramdam ang init ng araw sa halip ay nararamdaman nila ang haplos ng malamig na hangin.
Buong araw silang naglibot,kumain at nagkwentohan. Hindi nila ramdam ang pagod kaya gabi na ng maisipan nilang umuwi.
Hinatid na ni Carl si Lyka sa bahay ng tiyhin nito.
"Thank you for this day Carl. Super nag enjoy ako." Masayang wika ni Lyka.
"Wala yun,sa susunod ulit ah. Mas marami pa tayong papasyalan sa mga susunod na araw." Sagot naman ni Carl.
Papasok na sana si Lyka sa nakabukas na pinto ng sala ng bigla siyang tawagin ni Carl.
"Lyka?" Maiksing turan ng binata.
Kaya naman pumihit paharap si Lyka sa gawi ng kaibigan..
.
Sakto namang baba ni Merly ng hagdan at narinig niya ang pagbukas ng pinto. Kaya naman lumapit siya dito upang malaman kung ang pinsang si Lyka naba ang dumating.
Ngunit sa di inaasahan ay narinig niya ang boses ni Carl. Kaya natukso siyang pakinggan ito. Habang nasa likod siya ng pinto at nasa labas naman ang dalawa.
Nagulat si Lyka ng biglang hawakan ni Carl ang dalawang kamay niya. Inangat at inilapit nito sa kanyang dibdib at dahan dahan pang inangat saka dinampian ng malumanay na halik.Nanlaki ang mata ni Lyka at napaawang ang kanyang labi. Sobrang lakas din ng kabog ng dibdib niya. Sinlakas ata ng hampas ng mga alon kanina sa dalampasigan ang kabog nito.Titig na titig sa kanya si Carl.
" Lyka, I love you!. Kaya ako sumunod sayo dito ay para sabihin sayo ang matagal ko ng nararamdaman sayo. Oo Lyka, high school palang tayo minahal na kita" Puno ng pagmamahal na wika ni Carl habang titig na titig siya sa dalaga.
Lalong nagulat si Lyka sa mga binitawang salita ni Carl. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Hindi niya akalaing may lihim pala itong nararamdaman sa kanya. Ang buong akala niya ay hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya.
Habang si Merly ay napaawang ang mga labi sa narinig. Hindi siya makapaniwala.
...
"Sana ay bigyan mo ako ng pagkakataong ipakita at iparamdam sayo ang feelings ko." Dugtong parin ni Carl. Habang si Lyka ay hindi parin makapagsalita at napayuko ito dahil hindi niya kayang salubungin ang mga titig ng binata.
"Lyka? Please magsalita ka naman. Let me know kung ano ang iniisip mo."
"Ca-carl A-I'm so-sorry, ayokong masaktan ka. A-All I know ay friendship lang ang meron tayo. At ayokong mawala ang friendship na yun. Mahal kita Carl ---
...Sa mga narinig na iyon ni Merly ay di na niya nakayanang marinig pa ang anomang pag uusapan pa ng dalawa. Kaya palihim na siyang umakyat at nagtungo sa kwarto.
Labis siyang naghihinanakit sa mga narinig niya. Lalo na sa mga sinabi ni Lyka.Subalit mali ang inaakala ni Merly... Kung sana ay pinatapos lang niyang magsalita si Lyka bago siya umalis. Malamang ay masaya siya sa mga narinig na tinuran ng pinsan.
...
Mahal kita pero bilang kaibigan lang. Hanggang dun lang Carl. I'm so sorry pero may iba na akong mahal." Mahabang paliwanag ni Lyka. Na ngayon ay napapaluha na dahil nasasaktan siya para sa kaibigan. Ayaw niya itong masaktan pero kailangan niyang malaman ang totoo.Sa pagkakataong ito ay si Carl naman ang natahimik. Napayuko at napaluha sa mga narinig.
Tumango- tango lang ito bilang tugon sa mga tinuran ng dalaga.Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Lyka.
Batid naman ni Lyka ang sakit na nararamdaman ng kaibigan. Kaya para lumuwag ang pakiramdam nito ay niyakap niya ito ng ubod ng higpit.
"Sana ay hindi masira ang pagkakaibigan natin Carl. Sana manatili tayong magkaibigan." Umiiyak na rin niyang sabi.
Si Carl ay tanging tango parin ang tinugon sa kanya.
SA KABILANG banda ay hindi lang si Merly ang nasasaktan. May isang nilalang din na lihim na pinagmamasdan ang dalawa mula pa kanina. Bagamat di niya narinig ang pinag uusapan ng dalawa ay kitang kita niya kung paano itong magtitigan,maghawakan ng kamay at magyakapan. Kaya naman nung nakita niyang si Lyka na mismo ang yumakap sa lalaki ay hindi na niya nakayanan. Dali dali na niyang nilisan ang lugar na iyon. Baka ano pa ang masaksihan niya at lalo lang siyang masaktan.
Si Carl naman ay malungkot ng nilisan ang tahanan ng mga Cabral. Labis siyang nasaktan sa sa mga nangyari. Si Lyka, ang kaibigan niya at lihim niyang minamahal magmula pa noon ay may mahal ng iba.
************
To be continued...
Tnx s pagbasa guys...
Vote and comments na...
Sorry sa error..
Gabi na at pinilit ko lang mkapag update sa phone ....bago matulog...Goodnight....
Lovelots...
LovelienC..
BINABASA MO ANG
Di Kita Gusto Pero Mahal Kita
ChickLitLumaki si lyka na nakatatak sa isip ang lalaking pinapangarap nya,isang lalaking matangkad,maputi,makinis,at syempre mayaman.In short "full package" o yun bang tinatawag ng nakararami na "ideal guy". Ngunit pano nga ba kung asarin sya ng kapalaran...