Alyden 2: First Touch

4.1K 100 1
                                    

ALYSSA'S POV: 

         Wala namang mali sa pakikikapag-kaibigan pero tinuruan ako ng magulang ko na mamili na kakaibiganin. In college, you're molding yourself for what you will become in the near furture. Choose people with positive insights and dump people who you feel will just use you and eat you eventually. 

          I have known Dennise since elementary so somehow, may background na ako sa kanya. I like Bea too. Seems that she will balance the group for being high-spirited. 

          There's Berna who looks so naïve then there's Laura who's so quiet yet with sense. Dennise remains simple, humble, jolly and of course beautiful. Elementary pa lang kami, alam kong beauty and brains siya. Hindi siya matalinong-matalino pero hindi rin naman pahuhuli sa klase. 

          "Buti Den pinayagan ka ng magulang mong mag dorm? Ang alam ko, alagang-alaga noon at bawal ummatend kahit anong party?"

          Si Laura ay nanatiling katabi kong naglalakad.

          "Yeah, at hindi mo ako ininvite nong twelfth birthday mo," sagot niya na may paghihinagpis. 

          "May hugot?"
          "Yabang mo kaya no'n!"
          "That's not true. Ang alam ko kasi may bulutong ka no'n eh."
          "Magaling na ako no'n."
          "Eh di mas lalong hindi kita inimbita, makakahawa ka."

           Mahina niya akong hinampas sa braso. Bakit parang ang sweet ng dating? 

            "Saan ba 'yung bibilhan natin ng lunch? 'Yung mura lang ah, baka sa mahal mo kami dalhin."
            "Hindi dyan lang malapit na. Suki ko 'yan dati pa. Diyan kami kumakain ni Yaya pag may meeting si Daddy sa school."
            "Ah so hindi pa pala nag-reretire sa accounting ang dad mo."
            "Yep. Tara lika, dito tayo." 

            Pagdating sa restaurant ay marming estudyante na ang kumakain habang nakapila naman ang iba. Pumila kami at nakita ko agad ang avocado shake. Bumaling ako kay Laura na tahimik.

          "Gusto mo ba ng shake?" Tumango siya. 
          "Ano order mo? I mean ulam?"

            Tiningnan ako ni Dennise at di ko maunawaan ang ibig sabihin no'n. Bumili siya ng barbeque at chopsuey. 

              "Aaahm…kung ano na lang din sa 'yo," sagot ni Laura. 

             "Gaya-gaya lang? Uhmm..sige sweet and sour na lang gusto mo?"
             "Sige."
             "Sige upo ka muna do'n, ako na bibili. Kasya naman sa tray ang dalawa. Mamaya mo na ako bayaran."
             "Okay. Do'n na lang ako sa sulok kasi mausok yung ihaw-ihaw dito banda."

            Naubusan ng panukli ang kahera kaya medyo natagalan kami sa pila. 

            "Bakit ikaw bumili? May paa naman si Laura?" tanong niya na parang naiinis. 

            "Ha? Hindi kasi, para masave na niya upuan doon sa hindi mausok."
            "Ang luwag luwag pa eh."
            "Walang kaso. Gusto mong shake? Libre kita. Mango right?"
            "Yup! Bakit alam mo?"
             "I just remember na nagsusungit ka pag nauubusan ka ng mango juice or shake sa canteen noon. Ang bagal mo kasi kumilos eh."

              "Nakikita mo ako?"
              "Natural, classmate kita at iisa canteen natin diba?"
              "Ah okay. Alam ko kasi lagi kang may baon at bihirang lumabas ng classroom."
             "Di naman."

           Pagka-bayad ni Dennise ay naiwan ang binili kong shake. "Ako na, ako na ang babalik dito. Upo ka na."

           Nilapag ko muna sa mesa ang mga food namin tsaka ako bumalik sa counter. Humingi na rin ako ng sawsawan para kay Dennise. Bumalik ako sa puwesto namin. "Dito ka na umupo," muwestra ni Dennise sa tabi niya.

            Tahimik na nanalangin saglit si Laura bago sumubo. Nahiya naman ako. Magpe-pray nga rin ako bukas. :)

          Kinuha ko ang kalamansi at pinisat sa platitong may toyo. Nilapit ko kay Dennise.

          "Oh, masarap 'yang ulam mo dyan. May sili rin dito kung gusto mo."
           "Wow thanks!" 

          Habang kumakain ay tahimik lang si Laura. May dila ba 'tong babaeng 'to? "Okay kang lang Lau? Masarap naman diba?"

          Pinili ko na lang din tumahimik. Baka sabihin -  unang araw, ang daldal daldal ko. Nagobserve lang ako. Napansin ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na nagbubulungan habang nakatingin sa mesa namin.  Hindi nakakapagtaka dahil parehong maganda sina Laura at Dennise. Normal 'yon. Pero bakit may mga babae ring nagkukumpulan ng tingin sa amin? Hindi naman masama ang emosyong nababasa ko sa mata nila pero bakit kaya?

          Kalagitnaan na kami ng pagkain nang dumating sina Bea at Berna. Tinetxt ko kasi sila na dine-in na lang kami. Sa kabilang sulok sila naupo at may dalawang guwapong lalaking tumabi sa kanila. 

          After kumain ay hindi na kami nagtagal. Mabilis na natapos sina Bea sa pagkain. Kasabay na namin silang lumabas. Napansin kong umaaligid 'yung dalawang lalaki sa likod namin.

           "Ah girls wait lang, may gustong magpakilala sa mga beauties niyo," pigil ni Bea. Huminto muna kami sa gilid at si Bea na ang nagsalita.

           "Si Kiefer at si Myco. Guys, mga friends ko, si Laura, Dennise at Alyssa."

           "Hi!" Sabay pa silang bumati. Dennise gave her pamatay na smile. Ewan ko pero parang nairita ako sa ngiti niya. 

           "Hello," bati ko at ako na ang unang nakipag-kamay kay Kiefer sunod kay Myco. Ganu'n na rin ang ginawa ng iba. 

           "Okay lang sumabay?" Tanong ni Myco.

           "Okay lang, hindi naman amin ang daan," sagot ko.

           Siniko ako ni Dennise. "Uhm..behave. Ang suplada mo?"

            Napansin kong parang pareho silang si Dennise ang type dahil sa kanya lang nagpapa pansin. Ineentertain naman nitong isa, kainis. Hinila ko na lang si Laura at kinawit ang braso ko sa braso niya. 

         Hanggang ang naging ayos namin ay nasa likuran na ang dalawang mokong kasami si Dennise. Sa likod ko naman sina Bea at Berna at harap kami ni Laura. So, as expected, malalaman nila ang dorm ni Den. 

            "Dennise is such a head-turner, isn’t she?" comment ni Laura. 

            "Elementary pa kami, ganyan na talaga. Ligawin."
           "Nakailang boyfriend na kaya siya?"
           "Ay! 'Yan ang hindi ko alam. "

          Pagpasok ng dorm ay nagpahinga lang silang lahat sa salas. Tinawag ako ni Alyssa sa loob ng kuwarto niya. 

           "Ly (Lai), ano tingin mo sa mga boys na 'yon?"
           "Obviously, they like you?"
           "Hindi eh. Wala akong maramdaman. Parang sa 'yo may gusto?"
            "What?"
            "Ewan pero parang ganon eh."
            "Hay! Huwag mo ng intindihin ang mga 'yon. Lilipas din 'yon. Nandito tayo para mag aral at hindi makipag ligawan."
            "Ay grabe! Ligaw agad?"
            "Ikaw bahala ka."
            "Man hater ka ba?"
            "Of course not! I just know my priorities. Why entertain kung wala ka namang balak sagutin? Wala akong planong mag-aksaya ng oras." 
           "Hmmm....sinabi mo eh."
           "Tara na nga, magta-time na."

            Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko palabas ng pinto. Unang beses na magdikit ang mga balat namin at may mainit na humaplos sa katawan ko partikular sa puso ko. 

  ****************

Ty for reading ;)

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon