Creepy 2:

101 6 0
                                    

Azalea's POV

Nagising ako sa isang napakagandang kwarto..
Iba to sa kwarto kagabi
Napalingon ako sa paligid ng may marinig akong sigaw.. Mga sigawan.. Tatayo sana ako nang biglang may humatak sakin pabalik pahiga..

"Wag kang lalabas.. Kung gusto mo pang mabuhay" sabi niya..

Pero naririnig ko parin yung mga pagsigaw.. Natatakot na ako..

Bigla niya na lang akong niyakap

"Don't worry.. Hindi ka nila pwedeng saktan" sabi niya at tinakpan yung tenga ko..
Napahawak na lang ako sa T-shirt niya na sobrang higpit..

Yung mga sigawan na naririnig ko.. Napalitan ng tunog ng puso niyang tumitibok..

Napansin ko na nakapajama at T-shirt na rin ako...

"Walang pwedeng manakit sayo... Akin ka lang...  " sabi niya na kapagpataas ng balahibo ko

"pwede na ba akong umuwi?" tanong ko...

"Akin ka na... Eto na ang bahay mo... Dito na rin ang libingan mo" sabi niya..kaya napaatras ako

"ayoko.. Ayoko dito.. " sigaw ko sa kanya..

"akin ka na naiintindihan mo ba!!" sigaw niya sakin at pumaibabaw siya sakin.. "kung kinakailangang habang buhay kita ikulong dito.. Gagawin ko! Basta akin ka lang" sabi niya at nararamdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko

"Then kill me.. Kung ganito lang din pala mangyayari then kill me!" sigaw ko sa kanya na nakapagpatahimik sa kanya saglit

"Kill you?.. Sa lahat ng mga napatay ko.. Ikaw lang ang nagsabi sakin na patayin kita.. Ang gulo rin ng utak niyo noh.. Kapag pinapahirapan kayo sasabihin niyong dont kill me pag pinapasaya kayo sasabihin niyong kill me?!!" sigaw niya sakin..

"So ganito pala ang salitang masaya sayo?.. " sarcastic kong sabi sa kanya "Pwes ako hindi masya sa bahay na puro sigaw ng tao ang naririnig ko.. Mabahong nabubulok na amoy at mga nakakalat na dugo! Masaya ka ba dun huh!" sabi ko sa kanya at talagang isinigaw ko sa kanya..

"So do you want me to kill you?!" sigaw niya sakin

"Then do it" sabi ko at nakipaglabanan ng titigan..

Walang natitinag sa titigan namin

"Really.. Yun ang magpapasaya sayo?" tanong niya

"Hindi tanga.. Ang magpapasaya sakin ang makalabas dito at makabalik sa dating buhay ko.." sabi ko at napakagat ako sa labi ko pinipigilan kong umiyak.. Naaalaa ko nanaman na wala na ang perlas ng silanganan ko..

My Creepy LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon