Chapter 33: Typhoon 1

125 3 1
                                    

"Good morning Mom!" Bati ko kay Mommy pagkababa ko pa lang ng hagdanan mula sa kwarto ko.

Nagulat ako ng makita kong bihis si Mommy at ngiting ngiti.

"May lakad ka Mommy?" I asked then lumabas si Papa from the dining area.

"Are you ready hon?" Dad asked.

"You're travelling?" Tanong ko nh makita ko yung travelling bag nila sa gilid ko.

"Remember the vacation I've promised to your Mom for our wedding anniversary? This is it." Excited na sagot sakin ni Daddy na umakbay pa kay Mommy.

Napatakip ako sa bibig ko, how come na nakalimutan ko yung wedding anniversary nila?

Lumapit ako sa kanila at yinakap ko sila pareho bilang pagbati.

"I'm sorry Mom, Dad I forgot it. But anyways happy anniversary! Pero teka, may paparating na bagyo hindi ba delikado? " I asked.

" Batangas lang naman yun baby and 5pm pa ang landfall ng bagyo kaya nga inagahan namin ng mommy mo ang gayak pAra maaga kami makarating don."

"Mag eenjoy ba kayo? May bagyo?"

"Of course naman anak, mag eenjoy kami basta kasama namin ng Daddy mo ang isa't isa." Nakangiting sagot ni MommY.

" Eh di kayo na enjoy! HmmPhf!" Kunwaring pagmamaktol ko.

" Don't worry baby. It's just a 3 days vacation and next time kasama ka na for sure." Pag aalo sakin ni Daddy.

"Magpasama ka na lang dito kay Nikka kasi uuwi din si Manang Salve or di kaya dun ka na lang sa condo nya matulog for 3days. Para mas mapalagay kami ng Daddy mo." Mahabang bilin ni Mommy.

"Okay po. Basta call me when you get there para di ako magworry." Bilin ko din sa kanila.

Sinigurado naman nila sakin na tatawag agad sila pagdating nila sa Batangas. Signal #1 lang naman sa Metro Manila at CALABARZON area kaya di na ko masyado nag aalala, hindi rin naman maulan ngayon akala mo nga walang paparating na bagyo eh.

Nag ayos na ko ng mga gamit ko para sa pag alis, hindi na ko nagdala pa ng mga damit kasi meron naman ako sa condo ni Nikka tanging mga underwear lanG ang dinala ko at personal hygiene to make sure.

Ilang minuto pa lang akong nakakatapos ng tumawag si Kiann at sinabing nasa labas na siya ng bahay namin.

Heto na naman yung kaba ko! Naisip ko nanaman kasi yung nangyari kahapon. Nahihiya tuloy akong humarap sa kanya ngayon! Pero alam ko namang hindi pwede yun dahil baka magalit siya sakin sa paghihintay, kaya minabuti ko na ang lumabas at harapin siya.

Motorbike pa rin nya ang gamit namin papunta sa condo ni Wendy.

Pagdating namin don halos kompleto na kami maliban na lang kay Nikka.

"Where's Nikka?" I asked.

"Nagtext sya sakin kanina, hindi daw siya makakapunta dumating daw kasi yung Mommy nya from Canada." Sagot ni Pochollo na inuumpisahan ng buhatin yung isa sa mga paintings na naandon para idisplay.

Napaisip tuloy ako kung paano ako mamayang gabi. Di bale na lang sa kanila na lang ako dederecho, for sure tita Nicole won't mind if I sleep with them sanay naman siya sakin eh.

Pero bakit kay Pochollo siya unang nagsabi? Eh ako best friend nya?

"At sayo pa talaga siya unang nagtext huh? " Sarcastic kong tanong.

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now