Birthday Wish

182 11 11
                                    

"Make a wish! Make a wish!" Excited na sabi ng pamangkin kong si Shana.

Napangiti nalang ako at mabilis na pumikit saka hinipan ang kandila.

"Waaah! Anong klaseng wish 'yon tita? Ang bilis naman!" Maktol nito. Napailing nalang ako saka ngumiti.

"It's a sercet, Nana." Napanguso ito.

Nagsimula ng kumain ang lahat. Maraming regalo at bati na rin akong natanggap. Umupo muna ako sa sofa saka nanood ng TV kasama si Shana.

"Tita, do you know him? He's so cool right?" Nakangising sabi nito at mukhang kinikilig pa. "You have the same school and course like him when you were in college."

Napatigil ako sa sinabi niya at bumalik ang mga ala-alang pilit kong kinakalimutan. "Y-yes. H-he's my classmate." At pilit na ngumiti. Haaay! Di pwede 'to. Di pwedeng stress ako ngayong birthday ko. Paano ako sasaya kung kahit sa araw ko ay siya parin ang inaalala ko? Zach is my classmate since kinder who turned out to be a close friend of mine since college. Lagi naming sinasabi na 'Classmate ko siya since kinder.' I like him so much. Dati rati'y lagi ko siyang inaaway dahil naiinis ako sakaniya kasi ang bait niya sakin pero tinatawanan niya lang ako.

Binuksan ko ang facebook ko at napailing nalang sa dami ng notif ko.

My Rockstar.

Bata palang ako sinabi ko na sa sarili ko na ayaw ko mag-asawa ng isang sikat na tao o konektado sa mundo ng show business. Rason ko? Naghihiwalay din kasi yung iba sa huli at magugulo lang ang tahimik kong buhay. But I broke my own rule. He used to be my classmate since kinder who turned out to be my closest friend. Kalaunan ay mas lalo siyang sumikat dahil sa pagsali niya sa isang sikat na banda sa Pilipinas at sa ibang bansa. Pero kahit gan'on hindi siya nakalimot. Lagi kaming magkasama, todo suporta ako sakaniya, hatid sundo niya rin ako at inakala ng marami kami na. Dahil sa kumalat na issue na 'yon medyo nabawasan ang fans niya at nakaramdam ng disappointment yung iba. Nagalit sakaniya yung manager nila. Pero hindi siya tumigil. Sinabi ko sakaniyang layuan na ako pero sinabi niya rin sakin na kaya niyang i-give up yung pagba-banda niya para sakin. Inamin niya yung totoong nararamdaman niya. Dun palang pinanghinaan na ako ng loob para iwan siya. Pero habang tumatagal, lumalala yung sitwasyon nila. Karamihan kasi sa fans nila ay sakaniya nanggaling. Pinuntahan na ako ng manager niya at ang dami ko na ring pamba-bash na natanggap. Hindi niya alam 'yon. Dahil kapag nalaman niya 'yon, alam kong iiwan na niya talaga ang pagba-banda na alam ko ring mahal na mahal niya. Nagising nalang ako one day na nakaluhod siya sa harapan ko, umiiyak at nagmamakaawa na huwag ko siyang iwan. Alam ko ang tanga ko para gawin ito sakaniya. Ang bobo ko para iwan siya. Pero kaligayahan at kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Not just his but it will also affect the life of his bandmates and everyone who is supporting and working for them.

I am willing to let go.

Mahal na mahal parin kita, Mr. Rockstar, My Rockstar. Ngayon, hanggang panonood nalang ako sayo mula sa malayo. Pero kung kakailanganin mo ng isang kaibigan, alam mong narito lang ako. Masakit isipin at malaman na may iba ng nakakapagpapangiti at nakapagpapasaya sa'yo. Pero kailangan kong tanggapin ang katotohanang kailan man ay di ka na babalik sa'kin.
-ClassmateSinceKinder


Kahit isa wala akong sinagot. Meron namang nakakakilala at nakakaalam sa kung sino talaga ako---ang sender ng My Rockstar. Yung iba merong hint at yung iba naman, iba ang napagkamalan.


"So? Ano nga ba ang type ng isang Zachary Lopez sa isang babae?"

"She is my type of girl."

Tumawa ang host. Tangina mo talaga Crissa. Papatayin kita kapag pumunta ka mamaya dito sa bahay. "Kumakalat ngayon sa internet ang isang post galing sa University Secret Files na pinamagatang My Rockstar. Marami ang gustong makilala sa kung sino ang sender at pati narin sa kung sino si Mr. Rockstar. Here, read this." Napatigil ako ng marinig 'yon at napatingin sa TV. Nagflash sa screen na nasa likod lamang ng inuupuan nila ang post na 'yon.

Birthday Wish (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon