Chapter 10.2

789 64 6
                                    

Kisses' POV:

Hindi ko alam kung anong nagyayari pero bigla nalang kami napauwi ni Edward agad sa maynila. Tas nag iba rin mood niya.

"Edward? Ok ka lang?"

Tanong ko sa kanya kasi pabalik balik siya ng lakad, napatingin siya sakin

"Don't worry about me"

Yung okay lang naman kami kanina pero parang ang lamig bigla, nakakalungkot lang.

Maya maya lang ay biglang may dumating, yung manager ni Edward.

"Don't go out, napakaraming media sa labas!"

Bungad nung manager niya, anong ibig niyang sabihin,

Napatingin ulit sakin si Edward at nilapitan ako,

"Punta ka sa kwarto mo,"

Utos niya, since mukhang wala siya sa mood ay nakinig ako, pero hindi talaga ako totally pumasok sa kwarto, gusto ko malaman kung anong nangyayari kaya makikinig ako sa usapan nila.

"You need to explain this Edward! Ka ano ano mo ba talag yun?"

Nakita kong napaturo yung manager niya sa dinaanan ko kanina,

"What do you mean? Alam mong maid ko lang siya"

Maid? Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Edward,

"Maid? Then can you explain those pictures na kumakalat? Alam mo naman ang reputasyon mo! Bawal ka magkaroon ng dating scandal lalo na't sa maid pa! Alam mo naman na issued pa kayo ni Heaven na nag de-date rin! Ang lumalabas ngayon sa media ay ginagamit mo lang yang si Kisses para paselosin si Heaven kasi nag away raw kayo, on top of that!,pag nakita ng WardVen fansclub yang si Kisses baka masaktan pa nila! "

Dating scandal? Kami ni Edward at sila ni Heaven,

"Wa kang mag aalala, ako na bahala ! I'll explain this sa media"

"You better should edward! Tsaka yung babaeng yun! Ibalik mo yan sa probinsya nila!"

Parang naiiyak ako sa mga naririnig ko kaya di ko na kinaya at tumakbo na ako papasok sa kwarto ko,

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pinunasan ko ang luha ko, naiinis ako sa sarili ko. Alam kung importante kay Edward pag aartista niya at ako pa yata ang sisira.

Narinig kung biglang kumulog ng malakas at kumidlat, pero wala kong pake, nasasaktan ako mg sobra. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko, pero napaka traydor nito. Kasabay ng pagbuhos ng luha ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Nag tago ako sa kumot at doon umiyak ng umiyak, at tsaka, ano ba eneexpect ko? Maid lang naman ako.

Yung pag I love you too ni Edward, di kaya naawa lang siya sakin? Sino ba naman ako para sa isang sikat na katulad niya?

Ni hindi ko nga kilala sarili ko,
Maya maya lang ay naramdaman kong may bumukas ng pinto sa kwarto ko at nagsara, gusto ko sana tignan kung sino pero mukhang kilala ko na.

Sinubukan kong wag mag ingay at magkunwaring tulog, umupo ito sa kama ko

"Kisses"

Hindi ko alam pero nung narinig ko yung boses niya mas naiyak ako,

Umupo ako sa pagkakaupo at niyakap siya kahit may kumot pa yung buong katawan ko, ayokong makita niyang ganito ako.

"Why are you crying?"

"Sa tingin ko, ako pa ata sisira sayo, sorry"

"Narinig mo?"

Tumango ako, naramdaman ko yung pagyakap niya rin sakin, he's patting my back at mas naiiyak lang ako dahil dun.

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon