3: Hate

7 1 0
                                    

Narator's POV

Everyone was busy. Lahat pati in charge ng dorms, busy na rin para sa mangyayaring open house.

Open house, kadalasan itong nangyayari kapag college week kung saan nagiging open ang mga dorm houses sa kahit na sino. Mapababae, lalaki, bakla, o tomboy, kahit professors and staff.

Nagusap-usap na ang mga taga dorm 5, boys and girls sa gagawin nila sa kanilang lot. Kanya-kanyang trabaho. Naging komportable na si Amelia sa mga kasamhan niya maliban kay Cass na insecure pa rin sa kanya.

"Nat, kayo na lang ni Jupiter ang bumili ng mga drinks natin para mamaya." Paguutos ni Sabrina kay Nataliah. Si Sabrina ay isa sa mga seniors ng dorm 5.

"Ba't si Jupiter kasama ko?" Inis na sabi ni Nataliah. Ayaw na ayaw niya kay Jupiter dahil maingay ito at maraming sinasabi na out of this world.

"Ouch naman Nat." Sabi ni Jupiter at umakting na parang nasasaktan.

"OA mo!" Mataray na sabi ni Nat sa kanya at umalis na para bumili ng mga pinapabili ni Sabrina sa kanya. Sumunod naman si Jupiter sa kanya at inakbayan ito.

Parehas nilang tinahak ang tahimik na daan palabas ng dorms.

Napapalibutan ang dorms ng mga punong kahoy. Ang mga punong kahoy ay itinanim ng mga agriculture students dati nung bago pa lang ang Crimson University. Safe naman ang lugar dahil araw-araw itong sinusurvey ng mga assigned personels ng University.

Mistulang isang bayan ang dorms ng Crimson. Ito ang isa sa mga kinaiinisan ni Nataliah sa University dahil malayo ang dorm nila sa campus. Ang dorm 5 kase ang kahuli-hulihang dorm. Pero ito rin ang pinakamalaki sa lahat. Bawat lot may dalawang dorms. Babae at lalaki.

Ibang-iba si Nataliah sa mga kasamahan niya. Palagi lang siyang tahimik kung wala siyang importanteng sasabihin sa mga kasamahan niya. May sense ang lahat ang sinasabi ni Nataliah. Hindi siya nakikipagusap kapag kukulitin mo lang siya o di kaya maninira ka lang ng iba. Kaya ayaw niya kay Jupiter.




Nataliah's POV

Great. Kasama ko ngayon ang isa sa mga pinakaayaw kong tao. Ang ingay at walang sense kausap. Gaya ngayon.

"Ano kayang mangyayari sa akin in the future no?" Tinatanong niya ako habang nakaakbay pa rin. Hindi ko na lang inalis yung kamay niya kase uulit-ulitin niya lang yun.

"Pwede mo namang hindi isipin eh, pinapahirapan mo pa sarili mo." Sabi ko.

"Uuuuuyyy.. concern siya sa akin." Sabi niya na parang teenager na kinikilig.

"Kilabutan ka sana dyan sa sinabi mo." Sabi ko at tumawa lang siya.

As of now, pabalik na kami ng dorm. Dala na namin yung mga drinks, pagkain, at iba pa.

"Nakakatakot din minsang maglakad dito sa dorms no?" Biglaan niyang sabi. Nababala na  ba siya? Eh ako nga na halos araw-araw napapalakad dito kapag nalalate.

"Ang bakla mo." Sabi ko.

"Hindi ah!" Depensa niya.

"Ba't ka naman matatakot dito?" Sabi ko.

"It's so silent yet creepy." Sabi niya.

"Whatever!" Tapos nauna na akong maglakad.


"They're here!" Sigaw ni Ynna.

Agad naman kaming tinulungan ng iba pang boys. Hindi na ako nagsalita pa at pumasok na sa loob at dumiretso sa kwarto ko. I've done my part.

***
Party

Music is everywhere. Ang ingay sa bawat dorm. Lights are everywhere. Nagsimula na rin kami. I did not expect na ganito karami ang ininvite ng mga kasamahan ko. Halos mahirap nang dumaan sa dami ng tao. Nasa hagdanan lang ako nakadungaw lang ako sa mga taong nagsasayawan. Natatawa nga ako sa mga kasamahan ko sa dorm kase nakapajamas sila while dancing with those sexy bitches na halos mahuhubaran na sa iksi ng damit.

Nagmistulang kwarto ng isang 7 year old kid ang dorm. May mga teddy bears and stuffed toys in all sizes. May mga bandiritas pang nakasabit and they're all baby colors. May mga desert stations pa.

After I got bored just looking down at them, nagdecide akong pumasok sa kwarto ko. Medyo inaantok na rin kase ako. Dinala ko yung fruit punch na kinuha ko kanina at doon na lang nagmoment. Lalabas na lang ako mamaya kapag nabore na ako dito.



I slowly opened my eyes...

Nakatulog pala ako. Epekto siguro to ng friut punch.

Then I heard giggles.

Napunta ang atensyon ko sa bintana ng kwarto ko na nakabukas. Dumungaw ako kase nga I heard giggles.

Nakita ko si Amelia. Pagewang-gewang pa siya kung maglakad. She was with some guys at mukhang masaya ang conversation nila. Hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin. I felt dizzy already because of that fruit punch. Ano ba kaseng drink ang hinalo nila sa inuming yon?

I can still hear music kaya lumabas na ako ng kwarto.

"Woooohh!!" Sigaw ni Ethan na nakapatong na sa lamesa na para bang nakipagcompete siya at nanalo.

"Nat! Halika join us!" Pagtatawag sa akin ni Allyson a mukhang lasing na rin. Hindi ko na siya pinansin at bumaba na.

Nakalabas din naman ako mula sa masikip na lugar na iyon. Marami ring tao dito sa labas pero hindi ganon karami. Napatingin ako sa di kalayuan. Dorm 4 seems so enjoy. Mukhang nagpabanda sila.

"Hoy!" Medyo napatalon ako nang may biglang nagtap ng shoulders ko.

"What the hell Jupiter?! May plano ka bang patayin ako?!" Galit kong tanong. He looks so wasted.

"Ang sunget naman." Sabi niya na nakangiti pa.

"Dyan ka na nga!" I shouted and walked out.

Naglakad ako papunta sa likod ng dorm. It's much better here. Walang katao-tao. Tanging ang kahoy lamang na may colorful lights lang ang nagiilaw dito.

Umupo ako sa bench and tried to get some fresh air. Naririnig ko pa rin ang ingay but at least I can't see them.

Dito ko nakita si Amelia kanina. Speaking of which, asan na kaya yun? Napapikit na lang ako. Then heard a weird scream. It seemed like the last scream of her life. Oo bose babae. Pero di ko na pinansin baka taga ibang dorm lang. Then I closed my eyes again.


"Taliah?" Nagulat ako sa tumawag sa akin.

"Oh, Jake." Sabi ko.

"Aren't you gonna join the party?" Tanong niya.

"Nah. I'm good here. Saan ka galing?" Sabi ko.

"Sa loob. Lumabas ako, susuka sana. Tapos nakita kita."

"Ahh."

"Yeah. Sige, I'll just leave the door open." Sabi niya saka pumasok.

I felt chills after nun kaya pumasok na lang ako. Dumaan ako sa back door. And there again, the noise, the wasted people, and the our messed up dorm. Paano to lilinisin? Yan ang pumasok agad sa isip ko.

Carson's Conspiracy (#WATTY'S2017)Where stories live. Discover now