Sharlene's POV
*10 YEARS AGO*
Nandito kami ngayon sa bagong bahay na lilipatan namin ng pamilya ko. Malaki naman sya at sakto lang ang laki para saaming 4. Habang nag aayos ng gamit sila Mama ay napagdesisyunan ko na makipagkaibigan sa mga bata sa labas para may kalaro agad ako. May nakita akong mga bata na naglalaro ng Langit Lupa. Naisipan ko na sumali sa kanila.
"Bata pwede bang sumali sainyo?"
"Bagong lipat lang kayo?"
"Oo. Pwede bang sumali?"
"Osige basta ikaw ang taya."
"Hala bakit ako?"
"Ikaw ang bagong sali eh."
"Sige na nga." Nagsimula na akong habulin at para mataya na rin sila. Habang hinahabol ko sila hindi ko napansin ang batong nakaharang sa sahig. Kaya nadapa ako. Pinagtawanan lang ako ng mga bata na kalaro ko. Kaya umiyak ako. Tumatawa pa rin ang mga bata. Kaya lalo akong napaiyak.
"Hoy bat nyo sya pinagtatawanan?"
"Kasi nadapa siya. "At nagpatuloy tumawa.
"Pano kung kayo yung nadapa tapos pagtawanan ko kayo matutuwa ba kayo?" Naramdaman ko na biglang nagsitakbuhan ang mga bata.
"Okay ka lang bata?" Inalalayan nya akong tumayo.
"May masakit ba sayo?" Dagdag nya pa. Tumingin ako sakanya. Ang pogi nya.. Chinito sya tyaka ang puti nya.
"Wala. Okay lang ako. :)"
"Ah okay. Ano nga pala pangalan mo? Tyaka ilan taon ka na?"
"Ako si Sharlene San Pedro, 5 years old. Dito lang ako nakatira oh." Sabay turo sa bahay namin.
"Ikaw ano pangalan at age mo?"
"Ako si Joaquin Reyes, 5 years old. Ang bahay ko ayan lang oh." Sabay turo sa bahay na katapat namin.
"Thankyou nga pala kanina Joaquin ha?"
"Wala yun. Ayoko kasi yung may inaaway na bata. Tyaka kahit wacky nalang tawag mo sakin. Masyado kasing mahaba pag Joaquin eh."
"Okayy.. sakin din kahit Shar nalang itawag mo." Nagshakehands kami ni wacky.
"Friends?" Pinky swear ko sakanya.
"Pwede bang BEST FRIEND nalang?"
"Okay lang." At nagpinky swear na kaming dalawa. Dito nagsimula ang aming pagkakaibigan.
》》》》》》》》》》》》》》》》
HI GUYSSS!! THIS IS A SHARQUIN FAN FIC. PLEASE VOTE AND COMMENT PO. PAKISHARE NA DIN PO. SALAMAT. ♥♥♥
-FRANCINE.