Editd: November 12, 2018
12:52 PM
MONDAYRENCE POV
"ALISIN NIYO NGA TONG TALI SA KAMAY KO! MGA BWISIT. " sabi ko sa mga tauhan na nagdala sa akin dito sa kwarto ko.
"Sorry sir, pero ang utos ni Boss na hindi namin kakalagin ang tali hangga't di ka pa nakasal. " sabi nung isa kaya sinamaan ko naman ito agad ng tingin.
"ANO!? Eh papaano na lang kapag natatae ako!? Kayo ba maghuhugas sa pwet ko!? Kung naiihi ako!? Kayo hahawak sa ano ko mga hayup kayo!? Tang*na!" sabi ko sa kanila at napakamot na lang ito sa batok nila.
Mga tarantado.
"Kalagin niyo na kasi ako diba?! Wala naman akong magagawa pa!" sabi ko sa kanila at nagkatinginan ang mga gago.
Akmang lalapitan na sana nila ako para kalagan ng biglang bumukas yung pinto at nakita ko dun si Alyssa.
"What's happening here? " tanong ng isang kakarating lang na dimunyu.
"Kakalagin lang namin yung tali Maam.. " sbi nung lalaking to.
"Ako nang bahala dito. Go out na kayong dalawa. Tsupi! " sabi ni Alyssa at nagsilabasan naman yung dalawa at naiwan kaming dalawa ni Alyssa.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" inis na sabi ko sa kanya.
"Nandito ako para kalagan ang tali—"
"No thanks. Kaya ko ang sarili ko, Alyssa kaya pwede ba? Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo!? Alam mo ba nang dahil sayo, nagkalayo kami ng mahal ko!? N-nawala ang magiging anak sana namin dahil diyan sa kahibangan mo!? Tapos ano na naman to!? Hindi ka pa talaga natinag sa ginawa mo noon sa buhay ko!? Ha Alyssa? " sabi ko sa ksnya.
Natahimik lang ito at hindi nagsalita. I saw pain in her eyes pero hindi na ako magpapaloko sa mga matang yan, minsan na niya akong pinaikot sa mga palad niya, kaya hindi na mauulit ang lahat ng yun.
And After that f*ckin wedding na magaganap bukas— OO BUKAS na bukas talaga MGA TANGNA!. Then Fine! I'll file an annaulment as soon as possible.
Akala mo talaga anghel pero pareho lang pala sila ng magaling kung Ama.
MGA walang puso.
"Fine! May kutsilyo diyan sa drawer, gamitin mo yun to escape from that rope. At kahit na balibaligtarin mo man ang mundo Rence. Hindi kayo bagay ng mahal mo. Your Dad doesn't like that b*tch. Because a b*tch will be a b*tch forever—"
"SHUT UP AND GET OUT NOW! wag mong hihintayin na ako ang kakaladkad sayo palabas ng kwartong to!! " galit na sabi ko sa kanya agad naman siyang tumalikod at lumabas.
MAE's POV
"Yes! " sabi ko nang maputol ko na yung wire at pasimpleng tumingin sa secret camera na namdito mismo sa loob ng doorbell :) "I made it! Hahahaha. " sabi ko pero doon ako sa camera nakatingin at agad na sinara yung doorbell saka ako tumalikod at nakita sila Rose na nakatingin sa akin na parang di sila makapaniwalang nagawa ko yun nang wala man lang pag-aalinlangan.
"What the hell Bunso? That was Dope! " sabi ni Kuya sa akin.
"Watever Kuya. Tara sa loob-"pag-aayaya ko sa kanila.
"Teka lang Gff. " sabi ni Alexa sa akin.
"What? " sabi ko at pati n rin si Rose at Kuya at napahinto dahil kay Alexa.
"Bahay mo ba to? para kasing alam na alam mo yung pasikot sikot dito at tsaka yung ginawa mo kanina? Hindi ka ba natatakot na may makahuli sayo na inaano mo yung doorbell ng bahay na hindi naman sayo? " patanong na may pagtataka sa boses ni Alexa..
BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
AksiLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...