× 29

42 5 0
                                    


"Okay, let's take a break muna." pagpigil ng kanilang choreographer nang mapansin na hindi na nagkakasabay-sabay ang lima sa kanilang pagsayaw. Naliligo na rin ang mga ito sa pawis at mukhang mahihimatay na kapag nagpatuloy pa.

Hingal-hingal na ang mga ito na pumunta sa kanilang mga gamit at dali-daling uminom ng tubig. Nagpunas na rin ang mga ito ng pawis.

Ang sabi sa orasan ay alas-tres na ng hapon. Ala-singko pa lang ng madaling araw ay sumasayaw na ang mga ito, at tanging tinapay pa lang ang kinakain ng mga ito.

"Asan na ba si Sir Sam? Di ba sya magdadala ng pagkain? Gutom na ako." reklamo ni Teen.

"Ako rin." pagsang-ayon ni Glitter. Si Scarlet naman ay tuma-tango sa nay sulok.

"Okay, tatawagan ko na." sabi ni Clara.

"Yay! Thank you, leader!"

"Yan, kinikilala niyo lang pagiging leader ko pag may ipaparequest kayo kayo kay Sir Sam." pabirong sabi ni Clara habang hinahanap sa kanyang contacts ang number ng manager.

"Yes, Clara? If it's about your lunch, I'm on my way na."

"Oh, okay. Thanks, Sir Sam." at binaba na niya ang tawag.

"That was quick."

"Papunta na raw kasi siya." sagot ni Clara, sabay baling ng atensyon sa kanyang cellphone. Ilang araw nang walang paramdam sa kanya si Ice. Sinubukan niya itong tawagan pero out of coverage area, at hindi rin ito nagrereply sa mga text niya.

"Good afternoon, Ice. :)" pero bago pa man niya masend ay dinelete na niya ito at pinatay ang cellphone.

"Food!" sigaw ni Teen at sinalubong si ang kanilang manager na dala ang kanilang tanghalian.

"Baka gusto mo muna akong batiin, Teen?"

Tumawa naman ang dalaga, pero hindi pa rin nito binati ang manager at kinuha ang mga dala ni Sir Sam at inilapag sa kanilang pwesto.

"Grabe, Sir Sam ah. Alam kong pinagda-diet niyo kami, lalo na si Clara --" panimula ni Drew habang mabilis na kinakain ang fried noodles.

"Hoy!"

"-- pero grabe naman yung alas-tres na yung tanghalian namin."

"I'm sorry, girls. Nagkaron lang ng emergency meeting with the heads kanina, plus traffic."

"Buti na lang masasarap to." ang side dish na onion rings naman ang nasa bibig ni Drew.

Mabilis lang nilang naubos ang mga pagkain dahil sandali lang ang break na ibinigay sa kanila at gutom na gutom talaga sila.

"Sir?" lumapit si Clara sa kanyang manager na nakaupo lang sa sofa dahil nagkusa na si Scarlet na siya ang magliligpit ng mga pinagkain nila.

"What is it, Clara?"

"Busy ba sila Ice?"

"I don't really know. Why?"

"Ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam eh. Text or tawag, wala."

"Hmm? I'll check their schedules. Maging si Malou ay hindi ko rin nakakausap -- ay wait!" mabilis na kinuha ni Sir Sam ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon at binuksan ang Twitter. "Look at this."

Isang tweet na may kasamang picture ang ipinakita sa kanya. Picture iyon ng B.A.H na nasa stage kasama ang isa pang girl group na under din ng Paradise. Noong una ay naguguluhan si Clara kung bakit ito ang ipinakita ni Sir Sam pero nang mapansin niya ang tweet ay nalinawan na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dancing MachinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon