09/01/18-Edited
MIKAEL's POV
Nairolyo ko naman agad ang mga mata ko dahil sa nasaksihang eksena ng pag-ibig.
Kung tatanungin niyo ako, sasagutin ko naman kayo ng maayos. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop kung saan nagpunta si Dave at sa pagkakaalam ko, pagmamay ari ng shop na ito sa pamilya nila Ellaine.
Sinundan ko kasi si Dave dahil alam kung may problema ang isang to at tama nga ako talaga ako ng akala.
"Hoy gago." tawag pansin na sabi ko sa kanya sabay paglapit sa kanya. Ewan ko lang kung hindi niya ba ako napansin kanina. Sarap pa naman upakan.
"Tumayo ka nga diyan. Nagmumukha kang tanga." sabi ko sa kanya dahil nakaluhod ito ngayon at iyak ng iyak. Buti na lang talaga at walang customer ngayon, ako lang at ang bugok na to.
" Hindi ko sinadya yun.. hindi talaga. " rinig kung sabi niya habang humihikbi ito sa pagitan ng kanyang mga salita.
I know. Nagmahal ka lang naman, gago.
"Mikael, I really didn't mean to do that! Lasing ako! I wasn't in my right mind!" Pagpapaliwanag nito sa akin na ngayon ay parang baliw na nakaluhod sa sahig at ginulo ang buhok.
Napatingin ako kaagad sa ibang crew na tinitignan kaming dalawa. May iba sanang lalapit para tulungan ako kay Dave pero sinenyasan ko lang silang 'its okay.' since kilala naman nila ako bilang pinsan ni Ellaine kaya siguro ganyan sila kung mabahala.
Tinignan ko ulit ang gago na to at agad na kinuha ang celpon ko at may dinayal na numero na alamkung makakatulong sa isang'to.
Unanong Jerome dialing....
Oo, ang unanong yun ang tatawagan ko dahil sa pagkakaalam ko kasi di pa umuuwi si Rexter kaya siya na lang ang tatawagan ko. Ayaw ko namang tawagan yung iba dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Magtataka pa siguro ang mga yun kung bakit ko sila tinawagan. Mga hunghang.
Mabuti kasi tong si pandak walang problema.
(Hello?)
"Pumunta ka dito sa **** coffee shop. ngayon din! " sabi ko saka ko binaba agad yung tawag.
Dadating na din yun lalo na kapag ako yung unang nag-utos.
JEROME's POV
"sino yun?" sabay na tanong sa akin ni Rexter at Jin.
"Si Mikael. Sige, aalis na muna ako, may pupuntahan— " sabi ko pero pinigilan ako nung dalawa na makatayo para sana umalis kaya tinignan ko naman sila kaagad at nagsalita.
"Oh bakit, na naman?!" irita kung sabi sa kanilang dalawa.
"Ano daw sabi?" tanong ni Jin sa akin.
"Puntahan ko daw yung **** coffee shop ura mismo, kaya dapat umalis na ako at baka may kaltok pa akong makuha kapag natagalan pa ako dun—" sabi ko at tatayo na sana ulit para umalis na pero pinigilan na naman nila ako. Tang enes naman mga brad? Nagmamadali yung tao.
"TEKA LANG!" sabay na namang sigaw at pigil sa akin kaya tinignan ko na naman sila pero may kasama.nang sama ng loob. Eh.sa.nagmamadali nga diba? Grabe pa naman mainip ang isang Mikael.
"ANO!?" inis na sabi ko sa dalawang to. At nagkatinginan pa ito saglit saka naman ulit nagsalita nang sabay.
"SASAMA KAMI!" Sabi nila pero umiling ako at agad na nagsalita.
BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
AksiLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...