09/03/18-EDITED
RENCE POV
"RENCE! "??
Napatingin naman agad ako sa tumawag. At nagkasalubong din agad ang kilay ko nang makilala kung sino ang tumawag sa pangalan ko.
"Alexa? Anong ginagawa mo dito? " takang tanong ko nang makalapit na ito sa akin. Papasok na din sana ako sa isang Bar, pampawala lang sa inis. Tapos eto namang si Alexa tumawag pa.
"E ikaw? Anong ginagawa mo dito? " tanong niya pabalik sa akin.
"ako ang unang nagtanong. " sabi ko sa kanya.
"Ay hehe, sorry naman. Ano kasi, iinom din sana ako since hindi ko makontak si Mae— teka, alam mo ba kung nasaan siya? " tanong niya at bigla akong napaiwas ng tingin .
Si Mae...
"Hindi.. Sige na, mauuna na ako aayo, pakasaya ka. " sabi ko at pumasok na sa loob. Tsk.
-------
"A-alam mo ba *hik* kainis e *hik* hahahaha. " paulit ulit na kwento ni Alexa sa akin at lasing na din ito.
( ̄. ̄)
Oo, lasing na lasing na si Alexa. Malalaman mo talagang hindi siya pala-inom. While me? Still fine.
"Lasing ka na. Tama na yan. " sabi ko sa kanya at tinignan niya lang ako habang pulang pula ang mukha. Saka siya nagsalita.
"A-anong lashing!? *hik*H-Hindi ako lashing oy! *hik* hahahaha" sabi niya tapos pumikit ito at bumagsak agad yung ulo nito sa mesa. Nauntog pala.
Knock out! ting! ting! ting! 😒.Nga pala, wala kami sa bar. Bago kasi ako makapasok ay hinila niya ako ng mabilis sa isang kalapit na convinence store dito. Parang 7 eleven lang. Tapos bumili siya ng limang sujo pero siya lang yung nakaubos nung lima, dahil hindi naman ako mahilig uminom ng sujo. I'm into wines and Beers.
"Hindi daw siya lasing pero bagsak na bagsak.. " sabi ko saka ko inalis sa kamay niya yung wala nang lamang bote ng sujo at itinabi ko sa gilid at kinuha yung phone ko, saka may agad na tinawagan.
Pandak dialing...
Oo, si Jerome ang tatawagan ko. Alam ko namang kilala niya si Alexa.
Nakailang ring ay agad naman niya itong sinagot pero nailayo ko nang wala sa oras ang phone ko sa tenga dahil bigla siyang sumigaw.
(RENCE! NASAAN KA BA? LASING KA BA? SAANG BAR KA PUMUNTA? SABIHIN MO AT PUPUNTAHAN KITA NGAYON!? ) sabi nito at nairolyo ko na lang nang wala sa oras ang mga mata ko dahil sa
"Shut up Jerome. Hindi bagay sayo ang magdrama. Ikaw, nasaan ka ba ngayon? " tanong ko sa kanya.
(H-ha? T-teka lang, alam mo? )
"Ano sa tingin mo? " seryosong sabi ko sa kanya.
Oo, alam ko namang planado yung nangyari kanina sa bahay. Hindi ako tanga o slow gaya ni Mae para di mahalata yun. Lokohin na nila si Mae wag lang ako.
(Ahehehe. Oo na lang. Teka, nasa ospital ako ngayon. )
Napakunot naman ang noo ko.
Ospital?
"Ahh. Si Dave ba? " sabi ko.
(Yeah. At ayos na siya—) sabi niya pero pinutol ko na ang sasabihin nito. Wala akong pakialam. Naiinis parin ako hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
ActionLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...