EDITED: 10/02/18
TUEMIKAEL's POV
"Rose, umuwi na muna tayo— Oy, bakit ka umiiyak?" sabi ko at agad na hinawakan yung magkabilang pisngi niya at iniharap sa akin.
"I'm S-sorry *sobs*" sabi niya at nag-aalala naman akong umiling sa sinabi nito sa akin, saka ko pinunasan yung mga luha niya.
"Shhh. Wala kang kasalanan, Rose. Okay? Naiintindihan mo ba ako? Rose, tignan mo ako. Wala kang kasalanan.." sabi ko sa kanya dahil hindi niya ako magawang tignan sa mga mata.
bigla tuloy akong natakot sa nangyayari...
"N-no, alam kung may kaslanan din ako sa nangyari. Kung hindi ko na lang sinabi sayo— edi hindi sana mangyayari to d-diba?" sabi niya sa akin habang humihikbi kaya naman agad ko siyang niyakap para tumahan kahit konti.
Napatingin naman ako sa natira dito sa loob ng kwarto ni Rexter.
Si Jin, Hanz at Dave.
Umuwi na kasi sila Jerome at Alexa sa tinutuluyan namin dito, dahil pwede nang lumabas si Rexter bukas. At inaantok na rin si Alexa kaya nagpaalam agad si Jerome kanina.
"Rose, Don't blame yourself. Naiintindihan mo ba ako?" sabi ko ulit kay Rose.
"Mikael's right Rose. Mas mabuti nang nalaman namin ito kaagad para din wala nang iwas sa tanong ang baliw na to." sabi ni Jin at tinuro pa si Rexter na ngayon ay gising na pero mukhang siyang alam dahil nakatingin si Jin sa amin.
"Thank you." biglang sagot ni Rexter at hindi na bago sa akin na magulat ang isang JIN sa oras na magsalita si Rexter out of nowhere.
Magugulatin kasi yan.
"Ay badjao!— Ano ba Rexter?! Wag ka ngang manggulat litsi to. Ako aatakihin sa puso dahil sa ginagawa mo. Siraulo." medyo may halong gulat at halong takot na sabi ni Jin at narinig ko namang natawa si Rose kaya napatingin agad ako sa kanya sabay senenyasan siya nang 'see? Di mo kasalanan' at tumango naman ito kaagad sa akin.
Mabuti at nagets niya kaagad.
"Pambihira ka talaga. Sorry na, kasi ano... tinago ko sa inyong lahat ang tungkol sa sakit ko. Sasabihin ko naman sana kanina, pero naunahan ako ni Kael." sabi ni Rexter sa amin at tinignan niya ako.
Napailing na lang ako ng wala sa oras sabay hawak sa kamay ni Rose at nagsalita.
"Wala naman talaga akong balak na sabihin yun pero dahil na din sa galit kaya nasabi ko, alam niyo namang madali lang akong magalit. Kaya pasensiya na rin." sabi ko at napatingin na rin saglit kay Rose at balik ng tingin sa ibang nandito.
"Right. By the way, nasaan si Mae?" tanong ni Rexter sa amin.
"Umuwi na." Sagot ni Jin sa kanya.
"Siya lang? May iba ba siyang kasamang umuwi?" medyo nabahalang tanong ni Rexter kay Jin, naakunot naman ang noo ko sa tono niya, siguro ako lang yung nakapansin dahil mukhang wala lang kay Jin yung pagkakasabi ni Rexter sa kanya.
"Kasama niya si Rence." sagot ni Dave.
"HA!?" medyo gulat na sabi ni Rexter sa amin.
Doon ko na nakita ang pagkabahala nang iba dito sa kwarto dahil sa reaksyon ni Rexter.
"Bakit? May problema ba?" ako ns ang unang nagtanong at lumapit sa higaan nito kasabay si Rose.
"Sorry to say this , pero .. Oo, may problema nga." sagot ni Rexter sa tanong ko.
Napatingin naman agad ako kay Hanz at sakto namang napatingin siya sa akin at tinanguan ko ito agad saka siya lumabas dito sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Say You Won't Let Go
ActionLove is painful.. Love is sacrifice.. Paano na lang na sa inakala mong buhay ay di pala yun talaga ang totoong ikaw. Akala mo mahal mo siya pero hindi pala. Akala mo ganun lang yun pero ganun talaga. Hahaha de juk lang. Akala mo huli na a...